When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Napakunot-noo na lamang si Luan nang mahuling ngiting-ngiti si Althea, batid niyang may naiisip na naman itong kapilyahan. "May nakakatawa ba?" untag niya rito. "Meron, ikaw este w-wala p-pala," halos magkandautal-utal na bawi ni Althea sa kanyang sinabi. Nabigla siya sa biglang pagtatanong ni Luan. Mas lalo tuloy nangunot ang mukha nito na tila nagdududa sa kanyang isinagot. "Teka, masama bang ngumiti?" bulalas niya nang hindi matagalan ang titig ni Luan sa kanya. "Hindi naman pero iba kasi ang pagkakangiti mo, tila may naiisip ka na namang kapilyahan," tahasang sagot naman ni Luan dahilan upang mapakunot naman si Althea ng noo. Mukha na ba siyang ganoon kamaldita para sa isang simpleng ngiti ay iisipin ng mga itong may gagawin na naman siyang hindi kanais-nais. "Ganoon na ba ako