Hindi alam ni Luan kung bakit hindi niya agad itinama ang sinabi ni Manang Martha na kasintahan niya si Althea. Mabilis niyang binalingan ang kinaroroonan nito dahil baka narinig niya ang ibinulong sa kanya ni Manang Martha. Nakita namang abala si Althea sa kamamasid sa kanilang bahay kaya inisip na marahil ay hindi nito narinig. "Ano, hijo, gusto niyo ba ng makakain o maiinom man lang?" alok ni Manang Martha sa kanila. Halos ito na ang itinuring niyang ina, mula nang bumalik kasi ang ama ay naging abala sila ng kanyang ina dahilan para kunin nila noon si Manang Martha na tagapagbantay sa kanya dahil nasa edad onse na siya noon. "Tanungin mo na lang siya, manang, papanhik lang ako sa silid ko upang maligo at magbihis," paalam niya sa matanda. Agad naman itong lumapit kay Althea na noo