Chapter 4

1228 Words
"Mukhang ibang-iba ang aura natin teh!" Puna ni aceshelle habang nasa loob kami ng canteen, araw iyon ng biyernes, Ngumiti ako sa kanya, umusog ako ng konti, "Naniniwala ka ba sa FOREVER?"tanong ko, Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Aceshelle, "huh? Anong kacornihan yang sinasabi mo Rhina," Sumimangot ako, "Sagutin mo kasi ang tanong ko," Tinitigan nya ako. "Naniniwala naman ako sa forever, patunay d'yan ang mama at papa ko, bakit mo ba naitanong?" "I think i'm inlove,"ngumiti pa ako, "Kanino? Kay aries ba ha?" "Hindi sa kanya!" "Eh, kanino?" "Kay alfred velasco." "Alfred velasco? Yung gangster sa saint paul? Naku girl babaero yun!" Inirapan ko s'ya. "Hindi s'ya katulad ng iniisip mo! Mabait s'ya," "Ewan ko lang. basta kasi galing saint paul gwapo nga babaero naman," Tiningnan ko si Aceshelle, "Bakit may kilala ka bang taga saint paul na babaero?" "Si Zyrus, my cousin, babaero 'yun," "Huh? Hindi naman 'yon babaero, sinasabi mo lang yan para hindi ko ligawan ang pinsan mo!" "Ah! Basta babaero sila period," "Kyaaaahhhhhhhh!!!!!!'narinig naming nagsisigawan sa labas, agad kaming lumabas, paglabas namin nakita ko si Alfred at ang kasama nito, pinagkakaguluhan sila ng mga babae, nakita naman ako agad ni Alfred, "Sweetiepie. . "Agad na lumapit s'ya sa'kin, nakangiti pa ito, nag gwapo nito sa suot nyang school umiform, "Bakit nandito ka?" Ngumiti ito sa'kin, "Sinusundo kita, umuwi kasi sila mommy at daddy ngayon, ipapakilala kita," "Ha? T-teka lang! Bakit naman ako?"tarantang sagot ko, "Syempre gustong ko'ng ipakilala kita sa magiging second family mo," Ano daw? second family? wow totoo ba ito ibang level na'to ah, "Pero hindi ba nakakahiya?" Muli ko'ng tanong, Hinila nya ako, "Let's go!" "Teka lang magpapaalam lang ako kay Aceshelle,"sabi ko, "Wag na! Makakaistorbo ka lang sa dalawa oh! Tingnan mo!" Nilingon ko si Aceshelle, kausap nito ang lalaking taga saintpaul din, nakasuot ang lalaki ng basketball na uniform, saka ko na lang siguro kakausapin si Aceshelle tungkol sa lalaking iyon, wala na ako'ng nagawa ng isakay ako ni alfred sa kotse nya, At paandarin ang sasakyan, patungo sa bahay nila, Bente minutos ang itinagal namin sa byahe, hindi lang basta bahay ang nadatnan ko, kundi isang mansyon, kung mayaman kami mas mayaman ang pamilya ni alfred, nakaramdam tuloy ako ng hiya. Pakiramdam ko nilalamig ang buong katawan ko, "Ang lamig ng kamay mo sweetiepie,"sabi nya sa'kin, habang hawak-hawak nya ang kamay ko, "Oo, kinakabahan ako, para ako'ng mapapatae sa sobrang kaba," Huminto kami sa paglalakad, humarap s'ya sa'kin, tinitigan nya ako, sinalubong ko naman ang mga titig nya, pagkatapos dahan-dahan nya ako'ng hinagkan sa noo, at ngumiti s'ya, "Sweetiepie. . Relax, kasama mo ako, hindi kita pababayaan okay!" Tumango ako, bakit ba ako natatakot, eh, hindi pa naman kaming dalawa, Aish! Kinakabahan talaga ako, Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pagkatapos. Sinalubong kami ng isang matandang lalaki na nasa edad singkwenta pataas, Nagbow ang matanda sa kay alfred, "Young master! Kanina pa po kaya inaantay ng parents nyo!" "Ganon po ba? Butler ken, s'ya nga po pala si Rhina, girlfriend ko," Hinila ko ang kamay ni alfred para tumutol sa sinabi nitong girlfriend nya ako, ngunit pinisil nya lang kamay ko, "Kamusta po kayo Lady Rhina?" "Ha?aahh- O-okay lang po sir,"tipid ko'ng sagot, "Lady Rhina, butler ken, na lang po ang itawag nyo sa'kin," "Sige po!" Ngumiti pa ako, Kung kanina kinakabahan ako ng sobra. Ngayon parang hindi yata ako aabot ng ambulansya kapag hinimatay ako. Hindi ko naman naisip na sobrang mayaman pala itong si alfred, mayaman pa yata ito sa mga Santiago eh, my butler wow, kami nga. tatlo lang ang katulong sa bahay, pakiramdam ko tuloy isa akong royal blood, type ko ang tawag sa'kin, "LADY RHINA" pang mayaman diba! "Let's go sweetiepie." Muli nya ako'ng hinila patungo sa loob ng palasyo nila este mansyon nila, Pagbukas namin sa isang malaking pintuan. Kulang na lang matae ako sa kaba, naroon kasi ang parents ni alfred nakaupo sa tapat mahabang lamesa.. namangha ako sa mahabang upuan na pakiwari ko ay yari ito sa puno ng narra, parang lamesa ng mga hari at reyna sa tuwing may pagtitipon na gaganapin, ang sosyal, Lumapit kami sa kanila, humalik si alfred sa parent's nya, "Dad,mom, si Rhina po girlfriend ko," "Huhu! Lord lamunin na sana ako ng lupa sa kinatatayuan ko,"dasal ko habang ipinakikilala ako sa parents ni alfred, Yumuko ako habang pinagmamasdan ako ng parents nya, pakiramdam ko parang may scanner silang dala, lalo tuloy akong nahiya. Nagulat na lang ako ng bigla ako'ng yakapin ng mommy nya, at halikan sa pisngi, "Kamusta na Anak!" Sabi pa nya, Tiningnan ko si alfred, nakangiti ito sa'kin, habang pinapanood kaming dalawa ng mommy nya, "Okay naman po T-tita," "Wag mo na akong tatawaging Tita. Mommy na lang, okay!" ngumiti pa ito sa'kin, "Margarette, ako naman!"sabat ng papa ni alfred, Lumapit sa'kin ang dady ni alfred at niyakap din ako, "Nice meeting you iha," sabi pa nito, Nakahinga ako ng maluwag, parang biglang nawala ang kaba at takot ko, maling- mali pala ang iniisip ko kanina, hindi pala matapobre ang pamilya ni alfred, sobrang bait pala ng mga ito, Umupo kami at nag umpisa nang kumain, "Alam mo anak, ngayon lang nagpakilala yang si alfred ng babae, sabi nya dati kung sino daw ang ipapakilala nya sa'min, 'yon daw ang magiging manugang ko, "Ma, naman! Wag nyo ako'ng ibuking kay sweetiepie," sabat ni alfred, nakita ko ang mukha nito pulang-pula sa hiya, "Alfred, wala namang sinasabing masama ang mommy mo, totoo lang lahat nag sinasabi nya, Rhina anak alam mo ba'ng palagi ka nyang kinukwento ni alfred sa'min, "Dad!!! Stop it!"nakakahiya kay sweetiepie," inis na sabi ni alfred, Natatawa tuloy ako, habang nakikinig sa usapan nila, ang sarap nilang tingnan, para lang silang magbabarkada, kaya naman, naging masaya ang unang pagkikita namin ng parents ni alfred, "Oh! Buking na ako sayo, wala na akong maitatago, sinabi na lahat nila mom,dad,"sabi ni alfred sa'kin, habang binabagtas namin ang daan pauwi sa'min, inabot na kami ng alas siyete ng gabi bago nakaalis sa mansyon nila alfred, "Haha!ang kulit ng family mo, ang sarap kasama,"sagot ko, "Magiging family mo na din yan kung uumpisahan mo na ako'ng sagutin sweetiepie," "Sige na nga!" "Anong sige na nga?" Ngumiti ako sa kanya, "Sige na nga tayo na! Sinasagot na kita!" Bigla nitong inihinto sa gilid ang kotse at lumabas ito, Yes! Yes! Yes! Girlfriend na kita!" Nagsisigaw ito at nagtatalon sa tuwa, Tawa ako ng tawa. "Pumasok aa nga dito!" Sabi ko, Muli itong pumasok sa loob ng kotse, tapo niyakap nya ako, "I love you! I love you! I love you sweetiepie ko,"sabi nya habang niyayakap nya ako, "I love you too.."sagot ko, Bahagya nyang ini-angat ang mukha nya at nagtitigan kami, napapikit na lang ako ng unti-unti nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko, tapos hinalikan nya ako sa pisngi, "Fvck! You know how much i really wanted to kiss your lips, but it's too early, gusto ko'ng iparamdam sayo na espesyal ka, babaero ako pero kapag nag mahal stick to one at totoo," sabi nya, tapos muli nya akong niyakap, Sobrang saya ang gabing ito, ito na yata ang isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko, gusto ko sanang sabihin sa kanya na, "okay lang halikan mo na ako sa lips, kaya lang baka isipin,nya atat ako, Ilang minuto din kaming ganon bago nya ako tuluyang inihatid sa bahay namin,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD