Alfred's pov:
Dalawang buwan na kaming magkarelasyon ni Rhina, legal na rin kaming pareho, simula ng naging kami, itinigil ko na ang dati ko'ng gawain ang makipaglaro sa ibang babae, dahil nahanap ko ang babaeng ihaharap ko sa altar, at pagnatapos ko ang pag aaral ko, yayain ko ng magpakasal si Rhina, mahal na mahal ko s'ya, s'ya ang dahil kung bakit ako masaya ngayon,
"Hey! Loverboy!"
Napasimangot ako, si belinda ang dati ko'ng kaFling na hanggang ngayon umaasa na magiging kami, estudyante s'ya ng saint paul academy,
"Bakit nandito ka?" Nakaupo kasi ako sa ilalim ng puno ng yakal na nasa loob ng school,
Lumapit ito sa'kin at inakbyan ako, agad ko naman inalis ang kamay nya,
"Don't touch me!" Tumayo ako,
"Hindi ka magiging masaya!" Habol nyang sabi,
Huminto ako, at muli ko s'yang binalikan ng, matalim ko s'yang tinitigan,
"Anong gagawin mo?"
Ngumisi ito, "kung hindi rin ka naman mapapasakin, mabuti pa'ng maging single ka na lang!"
Gigil na gigil ko'ng hinawakan ang kwelyo ng uniform nya, kung naging lalaki lang ito. Kanina ko pa s'ya binugbog,
"Wag na wag mo'ng gagawin yan kung ayaw mo'ng masaktan,"
Tumawa ito sa'kin,
"RHINA BABON, Right? Ang bago mo'ng girlfriend. Or i say ang babaing mahal na mahal mo. Tss! Damn it! Nanlilisik ang mata nito sa galit, hiwalayan mo na s'ya,"
"You're crazy! Kahit magkahiwalay kami. Hindi ako papatol sa katulad mo'ng w***e,"
Sinampal nya ako, "Damn you!! Pagkatapos ko'ng sabihin kay kuya na wag galawin ang grupo nyo, tapos ganito ang igaganti mo sa'kin, son of a b***h!!" Sigaw nito,
Yung kuya ni belinda. Ay isa sa mga kalaban ng grupo namin, pero hindi naman kami natatakot sa kanila, kumpara sa grupo nila mas malaki ang sakop ng grupo namin,
Tumalikod ako sa kanya. "Magsumbong ka pa sa kuya mo! Wala ako'ng pakialam!" Sabay lakad ko papalayo sa kanya,
Aristokrata bar;
Kasama ko'ng nag-iinom si teo, sa ganito kasing galaan kami ang mag kasama, limang bottle ng pulang kabayo ang nainom nanim ni teo ng mga oras na iyon,
"Brad, anong problema mo?" Tanong ni teo,
Tinungga ko muna ang hawak ko alak bago ako nagsalita,
"Si belinda, hindi nya ako tinitigilan, sisirain nya ang relasyon namin ni Rhina,"
"Mahal mo ba si Rhina?"
Tumango ako, "Sobrang mahal na mahal ko s'ya, isipin ko lang na mawawala s'ya sa'kin baka ikamatay ko,"
"Psh! Ang Baduy mo brad, nakakabakla ba kapag na-iinlove? Psh!!"
"Gago! Adobe kasi 'yang puso mo. Ay hindi pala manhid na dahil basted ka kay miss Ramirez,"sagot ko,
"Hindi ako nanligaw do'n, para ko lang kapatid 'yon,"
"Ang sweet mo namang kuya! Lagi ka'ng nakabantay sa kanya, tell me. ikaw ba ang guardian Angel nya or Devil!"
Tinapunan ako ng masamang tingin ni teo,
"Wag mo sa'kin, ilipat ang problema, ikaw ang may problema dito, dahil ako, pag-uwi ko ng bahay, matutulog na lang ako na walang ina-alala, ikaw! Pag-uwi mo iisipin mo kung maniniwala ba si Rhina kay sa kasinungalingang sasabihin ni belinda kapag kumilos na'to,"
Bigla ako'ng natahimik,
Hanggang ngayon kasi hindi nya alam kung kelan kikilos si belinda,
"See? Natahimik ka d'yan!" Sagot pa ni teo,
hindi na s'ya kumibo. nagpakalumod na lang s'ya sa alak hanggang sa hindi na nya kayang tumayo para umuwi, kaya tulad ng dati, tatawagin ni teo si butler ken, para sundukn s'ya rito, madalas kasing s'ya ang palaging lasing na lasing si teo kasi hindi gaanong nainom,
Rhina's pov;
Simula pa kagabi. Hindi na nagtext sa'kin si alfred, nag aalala na tuloy ako sa kanya, ilang beses ko na din tinawagan ang cellphone nya ngunit nakapatay ito,
"Oh, Rhina bakit narito ka?" Takang tanong sa'kin ni Aceshelle, nakaupo kasi ako sa loob ng isang fast fold chain,
Napakunoot ang noo ko,
"Bakit narito ka rin? May gusto kasing makipag-usap sa'kin, eh,"sabi ko sa kanya,
"Sa'kin din eh," umupo ito sa harap ko,
"Umorder muna tayo!"ani Aceshelle, tumayo ito para umorder ng pagkain,
Si Aceshelle. Matagal ko na 'yang kaibigan. Mag bestfriend kami nya. Kaming dalawa kasing ang pinakamalapit sa limang mag kakaibigan, naalala ko pa dati ang tawag sa'min ng teacher namin. "The maldita's" mga maldita daw kasi kami.
Inilapag ni Aceshelle ang tray na may lamang pagkain,
"Thanks sa libre!" Sabi ko pa,
Umupo ito "Anong libre 180 pesos 'yan!" Sabi nya,
"Sige, ilista mo na lang sa tubig," sagot ko,
She rolled her eyes, "Ang kuripot mo ha!"sagot nya,
Kinuha ko ang pagkain, at nagsimula na akong kainin ang binili nyang pagkain,
"Kamusta na kayo ni nikko?"tanong ko sa kanya,
Si nikko madrigal yung dating nakita ko'ng kasama ni alfred nang pumunta sila sa school namin dati, akalain mo boyfriend pala ni Aceshelle ang lalaking iyon, natutuwa nga ako kay Aceshelle dahil pagkatapos nyang masaktan sa ex boyfriend nyang si hermes, dumating naman si nikko, at mukhang mas masaya si Aceshelle ngayon,
"Okay naman! kayo ni alfred?"
"Ayun, inlove parin kami sa isat-isa," nakangiti ko pangsabi,
"Sabi ko sa'yo may forever eh,"
Tumango ako, "agree ako d'yan,"
"WAG KAYONG MANIWALA SA FOREVER!" Sabay pa kaming napalingon ni Aceshelle,
Lumapit sa'min dalawang babae pareho silang mestisa at daring ang suot,
"I'm belinda and this is teresa," umupo ito sa tabi namin, pinagmasdan nila kami,
"Actually, kami yong nagtext sa inyo!" Ani ni belinda,
"Ahh- kayo pala 'yon,"
Tumango ang dalawa, "hindi kami mag paligoy-ligoy pa, concern lang kami sa inyo, si alfred at nikko alam nyo bang mag pinsan ang dalawang 'yon?
Nagkipagpustahan sila sa mga kaibigan nila na. Paiibigin nila kayo, kapalit noon ang malaking halaga,"
"Hindi kami naniniwala!" Sagot ko,
Biglang umiyak ang dalawa, "Kami din nabiktima nila, akala namin totoo ang lahat ng pagmamahal na ibinigay nila sa'min, yon pala pawang kasinungalingan lang ang lahat,
Pagkatapos naming ibigay ang lahat sa kanila. malalaman naming pustahan lang ang lahat,"umiyak pa ito,
"Bahala na kayo kung maniniwala kayo sa'min, sinasabi namin sa inyo ito dahil alam naming hindi pa huli ang lahat, wag nyo ng antayin babuyin kayo bago kayo hiwalayan,"
Nakaramdam ako ng pagpatak ng luha sa pisngi ko, kahit ayokong paniwalaan. Pero totoo na. Nasa harapan namin ang katotohanan. May ipinakita sa'ming mga larawan ang dalawang babae, si alfred may kahalikan. Iba't-ibang babae, nakaramdam ako ng pagkamuhi sa kanya, nadidiri ako sa kanya, tumakbo ako papalayo, hindi ko na naisip na si Aceshelle na nasasaktan din ngayon, agad ako'ng pumara ng taxi ng makalabas ako sa fast food chain, at agad akong nagpahatid sa bahay, Ibinigay ko sa driver namin na si kuya gibo ang susi ng kotse ko, hindi ko kasi kayang magdrive sa ganong sitwasyon, pagkatapos, agad ako'ng nagkulong sa loob ng kwarto at doon ako umiyak ng umiyak,