Ala Una ng madaling Araw ngunit hanggang ngayon. Hindi parin s'ya, makatulog, palagi kasi sumasagi sa isip nya ang hambog na si alfred, masyado kasi s'yang namangha sa ginagawa ni alfred kanina, inangat nya ang hawak nyang cellphone, at tiningnan ang numero na nakaSave sa kanya ng lalaki, "pano kaya kung tumawag O kaya magtext s'ya sa'kin ngayon?ano kaya ang gagawin ko?"kausap ko sa sarili ko,
Tumayo s'ya at lumabas ng kwarto upang uminom ng malamig na tubig, pagbaba nya roon, nakita nya ang kapatid nyang babae na si resie nasa edad labing tatlo ito, may hawak-hawak itong tablet, nilapitan ko s'ya,
"Ano ba yang pinagpupuyatan mo?" Tanong ko sa kanya, habang nakatayo ako sa harapan nya,
Tiningnan ako ng kapatid ko, tapos bigla nyang tinago sa likuran nya ang hawak na tablet,
"W-wala po ito ate,"
Nameywang ako, at kusang umarko ang kanang kilay ko,
"Wala! Eh, bakit mo tinatago ang tablet mo, patingin nga 'yan!" Pilit ko'ng inaagaw ang tablet sa kapatid ko, at dahil mas malakas at malaki ako sa kanya nakuha ko iyon,
"Akin na kasi yan ate!!" Maktol ni resie,
Sinilip ko ang mga bukas na application nito sa tablet, napansin ko ang isang site ng isang school, ang site ng saint paul international academy, nacurious ako'ng sinilip ang mga nilalaman non, "most hearthrob and hot students," binuksan nya iyon, at ganun na lang ang gulat nya ng makita nya si alfred,
"Number twelve s'ya,"
"Diba? Ate puro mga gwapo ang nasa saint paul, sa susunod na pasukan sasabihin ko kay papa doon ako mag-aaral,"
Ibinigay ko sa kapatid ko ang table nya, "Ang bata mo pa! Pogi na agad nasa isip mo. Mag-aral ka ngang mabuti,"
"Dalaga na ako ate,"
"Matulog kana! Wag puro gwapo ang iniisip. Isusumbong kita kay papa kapag hindi ka pa natulog,"
Nakasimangot na sumagot si resie,"oo na ate!" Sabay tayo nito sa kinauupuan.
"Hep! Hep! Hep! Saan mo dadalhin 'yan?" Muli nyang tanong sa kapatid,
Huminto ito at lumingon sa kanya. "Ang alin?"
Lumapit s'ya sa kapatid at walang sabi- sabi nyang kinuha ang tablet at ang hawak nitong cellphone, "Bukas mo pa ito makukuha sa'kin, hmm.."
"Ate Rhina naman eh," inis na sabi ni resie habang ang mukha nito ay nakasimangot,
"Matulog ka na!"sabi ko,
"Ate. Pwede mo namang hindi kunin 'yan sa'kin. Matutulog naman ako e,"
"Resie..." mariin ko'ng sabi habang tinitigan ko ng masama ang kapatid ko,
Huminga ito ng malamin at nakasimangot ang mukha nitong umalis sa harapan nya,
Pailing-iling s'yang bumalik sa loob ng kwarto nya dala ang hawak ang tablet at cellphone ng kapatid nya, pagpasok nya. Saktong tumutunog ang cellphone nya, agad nya itong dinampot. Biglang lumakas ang t***k ng puso nya sa pangalan na rumehistro sa screen ng cellphone nya,
"Yes, hello!"
"Hi, goodmorning! Bakit gising ka pa?" Tanong na nasa kabilang linya,
"Ako dapat ang magtanong sa'yo nyan, bakit gising ka pa! Madaling araw na ah!"tanong ko,
'Ahmm... i can't sleep, i was thinking of you.."
Ewan ko ba bakit bigla ako'ng kinabahan sa sinabi nya, naramdamaan ko din na namumula ang mukha ko, buti na lang, at hindi kami magkaharap ngayon,
"Wow! Hanep sa pick up line ah! Tell me how many girls catches the hearts using you're sweet pick up line huh?"
"Haha! Hindi naman s'ya pick up line eh, but if you'll asked me if how many girls catches, hmmm.. ikaw pa lang siguro,"
"What the hell!! Hindi ako kinikilig sa sinasabi mo!" Inis ko'ng sabi,
"Ows? You said it' was a sweet pick up line, there's nothing sweet naman sa sinabi ko, pwera lang sa taong kinilig sa sinabi ko, sasabihin nya sweet.. diba? Sweetiepie!
"Sweetiepie your face! Feelingero ka!"sabi ko sa kanya,
"DATE tayo bukas. Gusto na kitang makita eh,"
Ewan ko ba kung bakit pinapatulan ko ang kalokohan nya. Kung tutuusin. Pwedeng pwede ko naman s'yang wag kausapin, pero hindi ko ginawa sa halip nanatiling nakadikit ang cellphone ko sa tenga ko. Habang inis na kinakausap s'ya,
"Ayoko!" Mariin ko'ng sabi, pwede ba wag mo ngang ako'ng tatawaging sweetiepie,"
"Why naman sweetiepie, ang cute naman ng endearment natin diba? Sweetiepie."
"Damn you!"
"I like you too!" He said,
Dug, dug, dug,
Bakit ganon na lang ang pagpintig ng puso ko habang kausap ko ang siraulong lalaking ito,
"Wag mo nga ako'ng isama sa mga babae mo'ng naniniwala sa mga sinasabi mo. Wag mo'ng sabihin sa'king kasali ka sa top 20 ng most hearthrob ng Saint paul, dahil hindi uubra sa'kin yan"
Narinig ko na naman ang pagtawa nya sa kabilang linya,
"Wow! Very interesting ka talaga sweetiepie, so ibig sabihin. Nagsearch kana agad tungkol sa'kin, ayaw mo pang aminin, type mo ako noh!"
Gusto ko'ng sampalin ang mukha ko dahil sa katangahan ko,bakit ko ba iyon, sinabi sa kanya, nakakainis tuloy, iniisip tuloy nya interesado ako sa kanya, "ang shunga mo kasi Rhina!"inis ko'ng sabi sa sarili ko,
"Ang kapal naman ng mukha mo? Para isiping type kita! Baka nga. Type kitang sampalin at ipatapon sa payatas!"
"Haha! Ang sweet mo naman sa'kin, sweetiepie.. ganon kaba mag mahal sa'kin, gusto ko 'yan!"
Huminga ako ng malalim sa sobrang inis sa kausap ko,
"Ewan ko nga sayo!bahala ka sa buhay mo!!!"pasigaw ko'ng sabi sa kanya, tapos pinutol ko ang tawag namin,
ilang saglit lang, bigla itong nagtext, agad ko'ng binasa iyon,
"Sweetiepie, sweetdreams. .
Matulog ka ng mabuti ha! Kitakits bukas, mhuaa!"
"Mhuaa! Ewww! Kadiri 'to! Feeling boyfriend,"bulong ko pa,
Pinatay ko na ang cellphone ko at nahiga na ako sa kama, at nag-umpisa na ako'ng matulog,