"Nasaan na kaya si Teo?" Pabulong kong sabi. Kanina ko kasi ito hinahanap sa loob ng Mall, ilang beses na akong paikot-ikot dito, may ka-date kasi kaming dalawa ni Teo. Nakilala namin sila sa Bar last week, maganda at sexy ang mga iyon, kaya naisipan naming muling i-date, pero mukhang inidian yata ako ni Teo hindi ako sinipot.
Muli akong nagdial ng number ngunit puro out of coverage palagi ang sinasabi ng operator.
"Shiittt!!" Halos pasigaw ko, habang nakaupo ako sa loob ng isang fast food chain dito sa loob ng mall,
"Ahm.. Excuse me."
Na-i-angat ko ang mukha ko sa narinig kong boses, nakita ko ang dalawang babaeng may hawak-hawak ng isang tray na pagkain nagsalubong ang kilay ko.
"Why?"
"Pwede bang maki-share? as you can see maraming tao na." Nakangiting sabi ng babae.
"Eh, ano naman ngayon?" Inis kong sabi. Hindi niya nila nakikitang may nakaupo? badtrip e,
Nakita ko ang pag-angat ng kilay ng babae. "Alam namin, kaya diba? Nagpapaalam." Sarkastikong sabi ng babae.
"Hindi pwede!" Mariin kong sagot.
"Aba't letcheng siraulo na ito ah!" Gigil na sagot ng babae sa'kin.
"Rhina, wag mo nang patulan 'yan maghanap na lang tayo ng ibang table." Narinig kong sabi ng kasama nito.
"So Rhina pala ang name niya!"sabi ko sa isip, habang nakatingin ako sa kanya.
"No Aceshelle! Dito tau uupo. Hindi niya ito pag-aari! Hindi niya ito binili." Walang sabi-sabing inilapag nila ang tray nila na may lamang pagkain, pagkatapos walang sabi-sabi silang umupo sa table na kinauupuan ko.
"Umupo ka na Aceshelle!!" Utos pa nito sa kasamang babae, habang matalim siyang nakatingin sa'kin,
"Okay sige!" Pagkatapos umupo na ito sa katabi ng babae na Rhina ang pangalan.
"Inis na inis ako'lng nakatingin sa kanila at sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Rhina, iniirapan niya ako.
"Ang mga babae nga naman. masyadong toyoin." Bulong ko, pagkataos muli kong pinag-patuloy ang pagkain.
"Alam mo bestfriend, Hindi na talaga uso ang gentleman sa mga panahon ngayon noh!" Naririnig kong sabi ni Rhina.
Pasimple kong tinapunan ng tingin ang babae, bigla akong umiwas ng magtama ang mga mata namin.
"Ano bang kinagagalit mo Miss?"
Huminto ito sa pagkain. Pagkatapos muli niya akong tinitigan ng pailalim.
"Ikaw!! Tinatanong mo pa?" irap pa nito sa'kin.
Ngumisi ako, "Bakit masyado ba akong pogi sa paningin mo? Tell me? First time mo ba ang makakita ng gwapo?" Kumindat pa ako sa kanya.
Nakita ko ang mga mata nitong nagbabaga sa galit sa'kin, napansin ko din na nakatikom ang kamao nito, halatang nagtitimpi sa galit, lihim akong nagdiwag, ang mga babae talaga madaling mapikon.
"GWAPO?" Umirap pa ito sa'kin. "Nasaan? Aceshell may nakikita kang gwapo?"tanong niya sa kasama nito.
"Wala bakit?" Sagot ng kaibigan nito.
Muli itong tumingin sa'kin,
"See? walang gwapo?kaya wag kang assuming noh!" Sabay irap nya sa'kin.
"Aba't loka-lokang babae ito ah! Anong tingin niya sa'kin? Baka hindi niya alam isa sa ako sa mga top hearthrob ng Saint Paul International Academy, tapos walang gwapo. Bulag ba siya.
"Anong vision mo?" Tanong ko,
Umikot ang mata nito at muling nag salita, "Vision? For what?"
Ngumisi ako, at muling kinain ang natitira kong pizza, tapos muli kong binaling ang tingin sa babae. "Hindi ka lang pala Bulag. Slow ka pa!" Sabay tawa ko.
Tumayo ito bigla, "ANONG SABI MO!! pasigaw niyang sabi sa'kin.
"Rhina tama na yan!" Awat ng kasama niya.
Nanatili akong nakaupo, habang nanlilisik ang mga mata nito sa galit sa'kin, Well, pakialam ko naman sa babaing iyon, hindi naman kami magkakilala, bahala siya maasar sa'kin,
"Tara na nga!" Sabi pa ng kasama niya.
Hindi ko na namalayan na umalis na ang mga ito, hindi na nila nagawang ubusin ang pagkain nila, dahil siguro sa sobrang galit sa'kin, tumayo ako at naglibot-libot mag-isa habang naglalakad ako.
Hindi na bago sa'kin, ang mga pahabol na tingin ng mga babae na nasa loob ng mall, hindi na ako nakipag-date dahil wala si Teo, ang boring kasi ng date kapag wala ang ungas na iyon. Laughtrip kasi ako kapag kasama siya. Kapag nakikipagdate kasi ito parang tinakbuhan ng mga nangungutang, parang biyernes santo ang mukha, pumunta ako ng arcade upang doon mag palipas ng oras, pagpasok ko doon nakita ko ang tatlong lalaki na parang may pinipilit na babae. Hindi sa gusto ko makialam. Ayoko lang nakakakita ng mga babaeng sinasaktan, small world talaga 'yung dalawang babae sa fast food chain ang nakita ko.
"BASTOSS!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ng babae sa lalaking nagtangkang hawakan ang kamay niya. Mahigpit naman ang pagkakapit ng kaibigan nito sa braso.
Humalakhak ang lalaki. "Yan naman ang gusto ko sa babae palaban!" Sagot naman ng lalaki.
Napansin ko ang umatras, nagkatinginan kami ni Aceshelle, at ang mga mata namin ay nagsasabing, "takbo na tayo!"
Kaya bago pa makalapit ang mga lalaki. Patakbo na kami. Pero hindi pa namin ihahakbang ang mga paa namin, mabilis kaming nahawakan sa kamay,
"Tulong!!tulong!!" Sigaw namin,
Hinila kami papalapit sa braso nila at sapilitan kaming niyakap,
Habang nakangiting nakatingin sa mga taong naroon na nakatingin lang samin,
"Girlfriend namin! May love war kami,"sabi pa ng isa,
"GIRLFRIEND MO??" Napatingin kami sa nag salita. Kahit kanina galit ako sa kanya. Bigla syang naging si superman sa paningin ko. "You're my hero!"sabi ko sa isip,
Nakatayo ito sa harap ng lalaking panget habang ang dalawang kamay nito ay nakapa-mulsa.
"Girlfriend mo sya? Sabi pa ng kaaway ko kanina, tumingin ito sa'kin, ewan ko ba kung bakit biglang naging gwapo sya sa paningin ko ngayon,
"Sweetheart naman! Nag C.R lang ako, may kasama kana agad lalaki, sinama mo pa ang kapatid mo." Sabay tingin kay Aceshelle,
"Girlfriend mo ba sya?" Ako na ang bagong boyfriend nya. Sagot ng panget,
Lumapit ito sa lalaki. Tinitigan ng masama, "Hindi mo ba kilala kung sino ang binangga mo ha!" Tapos sinipa ni superman ang lalaking panget, talsik sa malayo ito, binitawan kaming dalawa ni Aceshell ng mga lalaki, tapos yung tatlo. Tumulong sa kasama nitong tumalsik,
"Go!go!go! Superman!" Sigaw ko. Para ako'ng nagchecheers! Sa liga ng basketball ang peg ko,
Apat ang kalaban ng lalaking kaaway ko kanina. Pero ni hindi man lang nagalusan o nahawakan ang damit nito. Samantalang yung apat. Mukhang makikipag palit na ng mukha sa Aso,
"Tandaan nyo ang pangalan ko! Alfred velasco," sabi nya.
"Alfred velasco?pare sibat na tayo!! Si alfred pala yan! Baka hindi tayo masikatan ng araw bukas! Sabi ng isa sa panget. At nag madali silang umayaw.
"Huh? Narinig lang na Alfred tumakbo na!!!!" Bulong ko pa habang tinanaw ang mga panget na lalaki,
"Mga duwag!!"sigaw ni alfred,
Pagkatapos natanaw namin ang tatlong guard na paparating, siniko ako ni Aceshelle,
"Pst! Mag thank you ka!" Sabi pa nya,
"E, nahihiya ako e,"sabi ko,
"Mag thank you ka! dahil niligtas tayo dun sa mga panget na'yon,"
Muli ko'ng tiningnan si superman habang kinakausap ang mga guard ng mall, huminga ako ng malalim, "Sige na nga!"sabi ko,
Tinulak ako ni Aceshelle papunta kay superaman, halos muntik na ako'ng masubsob sa lakas ng pagkakatulak nito, i glared. .
Kakamot-kamot ako'ng lumapit sa lalaki,
"Aaa- Thank you. ."sabi ko,
tapos yumuko ako sa hiya sa kanya, alam mo 'yon, kanina inaway-away ko ngayon iniligtas pa kami, ANG BAD KO!
Ngumiti ito sa'kin, "Hindi ako tumatanggap ng thank you,"
Nai-angat ko ang mukha ko. Then i frowned, "Anong gusto mo?" Bigla naman tuloy ako'ng nakaramdam ng inis,
"Makikipag date ka sa'kin,"he smirk,
"Pano kung ayoko!"sabi ko,
"Well, it's all up to you! Kaya ba ng konsensya mo na ang taong inaway-away mo. Ang taong magliligtas sayo ngayon!"
"Huh?kainis 'to ah! Binablack mail pa ako,"sabi ko sa isip,
Saglit ako'ng nag isip,
"Ano pumapayag ka ba?"muli nyang tanong sa'kin,
"Pumayag ka na Rhina. Gwapo naman sya eh,"bulong sa'kin ni Aceshelle, hindi ko ito namalayan na lumapit sa'kin,
"SIGE NA!!"sabi ko,
Ngumiti ito sa'kin, tapos dinukot nito ang cellphone nya mula sa bulsa ng pantalon nya, at inabot sa'kin, "isave mo number mo d'yan!" Utos nya sa'kin,
Kinuha ko iyo at inilagay ko ang number ko,pagkatapos ibinigay ko sa kanya, pagkatapos pinapa-Ring nya ito,
"Nanigurado pa talaga ha!"
Dinukot ko ang cellphone ko sa bag ko, at sinagot ko ang tawag nya habang magkalapit kami,
"Naninigaro ka talaga ha!" Sabi ko sa phone habang nakatingin sa kanya,
"Syempre!"tapos ngumiti ito sa'kin,
Pinatay ko ang tawag nya at umalis na kami ni Aceshelle, hindi na kami ng paalam sa kanya,
"Bye girls!! Alfred nga pala!" Pasigaw pa nito,
Hindi na kami lumingon, sinipat ko ang orasan ko. Gabi na pala, kaya nag madali kaming umuwi. May curfew kasi ang kotse na dala namin.
A/N;
Votes/like/comments!
Thank you!