Chapter 40

1439 Words

INILAPAG ni Ate Cora ang tasa ng kape sa aking harapan at saka siya naupo sa silya sa tapat ko. Malakas siyang nagbuga ng hangin. Mahahalata nga sa mukha ni Ate Cora ang nararamdamang stress. Nasa canteen kami sa hapong iyon ng Linggo dahil usapan namin na ako ang sasama sa kaniya sa pagbabantay ng canteen pagkatapos ng tutorial ko kay Elias. Umuwi naman muna ako kanina para magpalit ng damit bago ako tumungo sa canteen. "E, 'di sumasakit ang ulo mo ngayon? Anong gagawin mo? Paninindigan mo na ang relasyon mo sa boss mo?" Hindi ako sumagot. Dinampot ko ang tasa ng kape at tinikman iyon. Sunod ay kinuha ko ang tinidor at pumiraso sa kakanin na nasa pinggan. Ito ang masasabi kong comfort food ko noong teenager pa lang. Kapag namomoroblema ako tungkol sa isang bagay at kailangan kong pag-i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD