Chapter 15

1680 Words

"MABUTI at gising ka na, Jessie. May good news ako!" "Ano 'yon, Ate?" tanong ko at umupo sa harapan ng mesa para saluhan ang dalawang bata sa almusal. Umupo rin si Ate Cora at tumingin sa akin. "Hindi ba sinabi mo kahapon na magtanong-tanong ako ng marerentahang pwesto na pwedeng gawing canteen? May nakita ako. At nakausap ko na rin ang may-ari. Suki namin ni Mamang sa kakanin. Nandiyan lang sa 'yong bakanteng space niya sa tapat ng kanto natin. Matagal ko na ngang nakikita 'yon, pero madalas na bakante. Akala ko nga dati pinagigiba na ng may-ari. Pina-renovate pala nitong nakaraang buwan para nga raw paupahan." "Malawak ba 'yong pwesto niya? Pwedeng maging canteen?" "Pwedeng-pwede! Tamang-tama pa dahil malapit lang sa palengke. Hindi pa nga lang siya nakakapagbigay ng presyo, pero da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD