Chapter 44

1441 Words

UMISMID si Vivian nang magkasalubong kami sa pasilyo. Wala siyang sinabi bagkus ay nilampasan lang ako, pero imbes na patulan ko ang ginawa niya ay sinundan ko siya ng yakap na naglalambing. Kanina pa talaga ito nagtatampo sa akin. Sinabi ko kasi rito na magre-resign na ako sa trabaho. "Ano ba, Jessie? Bitaw nga at may trabaho pa ako!" pagtataray niya habang inaalis ang mga braso ko. Hindi ako natinag. "Viv, please naman, h'wag ka nang magtampo! Hindi ba, nasabi ko naman sa'yo dati na baka hindi rin ako tumagal dito sa HR dahil teacher talaga ako?" Hindi siya sumagot. Pinilit niyang kalasin ag mga braso ko at saka pumihit paharap sa akin. "Ang daya mo kasi! Iilang buwan ka pa lang dito. Ang bilis mo namang magsawa!" "Hindi naman sa nagsawa agad. Na-miss ko lang talaga ang pagtuturo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD