NAGMARTSA na ako paglabas ng elevator at hinanap si Lucas. Mabilis ko siyang nakita at agad ding nilapitan. Tumuwid siya ng tayo mula sa pagkakahilig sa katawan ng kotse nang makita niya ako. Hindi man lang nag-abalang salubungin at bagkus ay hinintay akong makalapit. "You're on time-" "Ano na naman bang pakulo mo, Lucas?" agad na bungad ko na pumigil sa sasabihin niya. "Oras ng trabaho, pinababa mo ako rito. Anong klaseng COO ka? Saka hindi ba may board meeting kayo? Ano pang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa umalis?" "To hell with the board meeting, Jessie. May importante ang gagawin ko ngayon. Wait." Tinalikuran niya ako at binuksan ang trunk ng kotse. Tumambad sa akin ang makukulay na floral arrangements na tatlong klase at iba't ibang bulaklak ang ginamit. May isa ring malakin