CHAPTER FOURTEEN Sinipat ko ang sarili ko sa salamin habang suot ang Chic Chiffon Maternity Dress na binili ni Felix. Matapos kasi ang usapan namin two days ago ay sinabi ko na wala pa siyang damit na susuotin sa party. Hindi rin naman iyong regalo ng magulang ko dahil fitted iyon. Balak ko nga kahapon ay bibili na lang ng bago na babagay sa akin pero laking gulat ko na lang ng may nagpadala sa akin ng dress at galing 'yon kay Felix. Habang tinitingnan ang sariling repleksyon ay narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko iyon sinagot. “Hello?” “Ice, Hija. I had enough with your excuses. Kaya pumunta ka na dito sa bahay ngayon na.” Diretsang sabi ng mommy niya. Mukhang masama talaga ang loob niya sa'kin. Kahit ang tono ng pananalita ay may halong iritasyon na minsan ko lang na