Chapter Thirteen "Sa susunod na mangyari ang ganitong bagay,Felix ay kakalbuhin kita. Wala akong pakialam kung may maraming kababaihan namang hinayang dahil sa'yo." Banta ni Joe kay Felix. Kanina pa siya naglilitanya dahil hindi niya nagustuhan ang pangyayari kanina doon sa office ni Felix. Nanditokami ngayon sa pinakamalapit na coffee shop sa office niya. I heard him chuckle then said. "Huwag kang mag-alala, Joe, dahil sisiguraduhin kong hindi na mangyayari angganitong bagay ulit. Anyway, what are you two doing in my office?" Sinulyapan pa niya ako na ikinainit ng mukha ko. Syet! Nagsimulang magridogon iyong dibdib ko dahil hindi ko alam kung tama ko bang sabihin ang decision ko. Naumid naman sa pag-inom ng kape si Joe at marahan sinipa ang paa ko. Pinanlakihan pa niya ako ng mata n