Daphne Nagtataka akong napatingin kay Zach kung bakit parang gano’n na lang ang tingin niya sa lalaking nagngangalang Nero. Magka-away ba sila? But knowing my husband, it looks like all of the people around him are his enemy. Ako nga eh hindi niya masyadong pinapakita sa akin ang tunay niyang ugali. Ramdam ko rin ang higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay na para siyang nakakita ng multo. Hinihintay ko na may magsalita sa kanilang dalawa dahil bigla na lang nanahimik ang aking asawa. “By the way, can we we talk in private?” tanong ni Nero. “I need to tell you something. That is if that’s okay with your date?” Bumaling sa akin ang lalaki at napatingin naman ako sa kanilang dalawa. “Ahm, okay lang.” Bumaling naman ako kay Zach na napatingin sa akin kaya nginitian ko siya. “I’ll jus