C4: Kidnapped

1223 Words
“Mommy, bakit po ba kailangan mag-dress pako?” Nayayamot kong tanong kay Mommy, kakain lang naman kami sa labas. “Syempre baby, para maganda ka lalo.” “Ewan ko sa’yo Mommy ang labo mong kausap.” Tapos ay pumasok nako ng banyo ng kwarto ko para magbihis. Pagkatapos nun ay bumaba na ako, nandun si Ate at daddy pati si Mommy. Bihis na silang lahat at napansin ko ang kakaibang ngiti nila pero hinayaan ko na lang. “Ayieeh, ang ganda ganda talaga ng baby ko!” Si mommy with matching palakpak pa. “Mommy naman wag nyo nakong tawaging baby ang tanda ko na.” sabi ko. “Whatever baby! Ikaw pa rin ang bunso ko, ang baby ko.” nakapangiti na lang ako. Kahit may pagka-immature ang nanay ko the best at sweet yan! “Let’s go na po,” yaya ko sa kanila. Sumakay na kaming kotse. Si daddy ang driver na katabi ni Mommy sabay sa likod kami ni Ate. Mga isang oras ang lumipas ng tumigil ang sasakyan sa isang restaurant. Actually, pamilyar itong resto. Pumasok na kami sa loob maramirami ang customer na kumakain nahagip agad ng mata ko ang babaeng patakbong naglalakad papalapit kay mommy. “SISTAAAAHHHH!!!” sigaw ni Tita Vi. “SIS!” si mommy mangiyakngiyak na yumakap. Ganan talaga sila TANDEM. eksenang parang ilang taong hindi nagkita. “Kapatid! Nice to see you again!” Bati naman ni Tito Santi kay daddy. “Wow! Ihja’s ang gaganda nyo tonight! Lalo kana Heaven!” baling sa akin ni Tita Vi, pinisil pisil pa niya ang pisngi ko. “H-hehe ikaw talaga tita.” sabi ko habang hinihimas ang pisngi. “Tara tara kayo dito!” Magsiglang yaya ni Tita papunta sa pwesto nila ni Tito. Nakahinga ako ng maluwag mabuti na lang wala si Vayne. Yep. Si Vayne, our family are really close except from me and Vayne kung tutuusin para kaming iisang pamilya. Matagal ko na siyang kilala. Sa totoo lang naging crush ko siya dati. Bata pa ako nun at saka totoong gwapo talaga siya. Nawala lang ang pagka-crush ko sa kanya simula no’ng nabalitaan ko ang pagiging playboy niya. “Nasan nga pala si Vayne sis?” tanong ni Mommy kay Tita vi habang kumakain na kami. Ngumuso naman si Tita. “Actually, pupunta na yun hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa, honey tawagan mo nga si Vayne” sabi ni Tita at bumaling kay Tito Santi na agad naman nilabas ang phone at tinawagan si Vayne. “Oh, anjan na pala si Vayne.” nakangiting sabi ni Tito Santi sabay-sabay naman kaming napalingon sa entrance nitong resto. Nakabusangot ang mukha ni Vayne habang naglalakad papalapit sa table namin. “Baby, bakit ngayon ka lang?” tanong ni Tita Vi kay Vayne na katayo na sa gilid ko. “Traffic.” maikling na sagot nito saka tinapunan ako ng masamang tingin. Problema nito? “Okay, sige upo kana sa tabi ni Heaven!” Kinikilig na sabi ni Tita Vi. Wala naman reklamong umupo ito nagsimula na ulit kami kumain. Nagkwe-kwentuhan ang parents namin kasama si Ate samantalang kami wala dedma tuloy kain lang. “Heaven.” Nakangiting tawag ni Tita Vi. “Po? tita?” Sagot ko naman pagkatapos uminum ng juice. Nginitian niya lang ako saka naman nagsalita si mommy. “Vayne...” “Yes Tita?” Nakangiting sagot naman ni Vayne sa mommy ko. “Gusto naming ipakasal kayo.” “WHAAAT?!” sabay kaming napatayo sa sobrang gulat. Dahilan para magtinginan ang ibang kumakain samin. “Mommy! Ano ba yang sinasabi mo?!” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay Mommy saka tumingin kina daddy na hindi makatingin sakin, obviously plano nila to. “Ate ano ‘to?” Baling ko pa kay ate na kumindat lang sa akin isa pang abnormal na kasabwat. Anong kasal? Baliw ba sila? “Ang sabi ko gusto namin na ipakasal kayo” pag-uulit niya napatampal ako sa noo ko. “Mommy! Anong kasal?! hindi ako papayag na ikasal sa m******s na playboy na ‘yan!” sabi ko habang nakaturo kay Vayne. “Excuse me?” Nakangising sabi ni Vayne habang nakatingin sa akin. “Mas lalong ayoko magpakasal sayo babaeng flat chested!” Asar na sabi niya habang nakaturo pa sa dibdib ko. Sinampal ko siya ng malakas—ang kapal kapal niya! “Hoy! Ang kapal ng mukha mo Del mar! Wala kang pakialam kung flat chested ako! Hindi ka inaano nito ha!” tinuro ko talaga ang dibdib ko. “Hindi kita type! lalaking manyak!!!!” Dugtong ko pa. “And you think type kita? Mas lalong hindi Miss Heaven! Hinding hindi ka papasa sa standards ko pagdating sa babae!” sabi pa niya. “Enough! Vayne and Heaven, sit down!” seryosong suway ni Tito Santi. Wala naman kaming nagawa kundi ang mapaupo. “Dad, Mom! Bakit n’yo ko ipapakasal sa kanya?” tanong ni Vayne sa parents niya. “Dahil gusto namin kayo ang magkatuluyan.” Si Tito Santi ang sumagot bagama’t naguguluhan ako ay nakikita kong seryoso siya sa sinabi niya. Kung nanaginip ako pakiusap lang gisingin nyo na ako sa bangungot na ‘to. “Hindi ko siya papakasalan,” mariing pagtanggi ni Vayne. “Sa ayaw at sa gusto mo ikakasal kayo, that’s final,” sabi pa ni Tito. “Dad! Hindi namin mahal ang isa’t-isa para magpakasal,” sagot ni Vayne na tama naman talaga. “Vayne!” suway ni Tito Santi. “Aalis nako,” paalam ni Vayne at tinalikudan na kami. “I’ll cut you’re allowances at babawiin namin sayo ang kotse at unit mo.” seryosong banta ni Tita Vi at nahuli ko pang kumindat kay mommy. Blackmail!? “No! You can’t do that Mom,” galit na sabi ni Vayne at tuluyan ng umalis. Natapos ang dinner na ‘yun na hindi ko alam kung gaano kalayo ang nilipad ng isip ko hanggang ngayon hindi parin nag loloading ang lahat ng nangyare kanina. Ikakasal ba talaga? Ako? What if maglayas na lang ako? Tama tama! Bright idea Heaven maglayas ka! Para hindi matuloy ang kasal! Kung anu-ano tuloy naiimagine ko kung sakaling matuloy ang kasal. Bumangon ako sa kama ko at dumiretsong closet para mag-imapaki kailangan makalayas nako. Pagkatapos ko mag-imapaki ay hinila ko na ang maleta ko palabas ng kwarto ko at dahan dahang ni-lock ito. Tamang tama tulog na silang lahat. Bumaba ako ng hagdan na hindi manlang gumagawa ng kahit anong ingay sa bawat paghakbang. Pagkalabas ng pagkalabas ko ng pintuan ng aming bahay ay nagtatalon ako sa tuwa. “Kaso san ako pupunta?” Kamot-ulong tanong ko sa sarili, sandali akong nag-isip. “Kila Quin! Pero hindi matutuntun ako nila Mommy kapag dun ako pumunta kaya hindi pwede dun.” Nagsimula nakong maglakad palabas ng village namin hindi ko malaman kung saan ako pupunta hanggang sa makarating akong central park na malapit sa arcade. Naupo ako sa isang bench at nanuod sa mga nagagandahang ilaw na matatanaw mula sa mga rides ng arcade. Mga isang oras akong nanatili dun. Bago ako naglakad lakad ulit hila hila ang maleta ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dali dali ako tumawid sa kabilang kanto para sumilong. Ang ginaw ginaw! Sobrang lakas ng hangin, naupo ako sa isang sementong upuan. Mukhang wala na kong magagawa kundi dito magpalipas ng gabi sumandal ako sa pader at marahang pumikit at tuluyang nakatulog. Nagising ako sa mahinang tapik, dahan dahan ko naman minulat ang mata ko. “Hi, miss!” Bati ng isang lalaking nakangisi na parang asong ulol sa’kin. Napabalikwas ako mula sa aking pagkakaupo. Pinapalibutan ako ng apat na lalaking pumuputok ang braso sa muscle. “Ano kailangan nyo?” kinakabahang tanong ko. “Ikaw!” Agad naman sagot nitong lalaking tadtad ng pimple sa mukha. Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. “Ano ba!? saan nyo ko dadalhin!?—AAHH!!!” Napasigaw na ako ng hilahin nila ako. “Wag kang maingay!” suway sa’kin ng pangit na kidnapper na ‘to! “AAAHHH!!!” Bitawan n’yo nagpupumiglas ako ng ipasok nila ako sa puting van. Wala nakong nakita ng bigla nila akong i-blind fold. Katapusan ko na ba? “Aaaahhhhh!!!” dahil sigaw ako ng sigaw tinakpan nila ang bibig ko. “Ano ba bitawan nyo ko!!” Narinig kong boses ng isang pamilyar. “Hmmmm!!hmmm!!” “Assholes!! kalagan niyo ko!!” dinig kong sabi pa nito. “Ipasok n’yo na ‘yan,” iritadong utos ng pangit na kidnapper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD