C5: Sa Pilitang Kasal

1330 Words
“Gising na...” Mahinahong boses ng isang matanda. Unti-unti akong nagmulat ng mata at agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at napatitig sa matandang babaeng gumising sakin na sa tantsya ako ay fifthy plus na ang edad nito. Saglit nga, paanong napunta ako sa ganito kagandang kwarto? Edi ba nga may mga maton na nangidnap sakin? Kasama ang pamilyar na boses ng isang lalaki? Baka naman panaginip lang ‘yun. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto kulay puti ito at may malaking painting, king size bed din na kulay pula naman ang kamang inuupuan ko. Nabaling ang atensyon ko sa matanda ng magsalita ulit ito. “Ang ganda ganda mo ihja, halika sumunod ka na sakin magsisimula na ang kasal mo” nakangiting saad nito at lumabas ng silid. Naiwan akong nakanganga at hindi pa makapaniwala. Parang bigla akong nanghina. Saka ko napansin ang malaking salamin na nasa harap ng kama at duon ko napagtanto ang suot-suot kong puting gown at magandang make-up sa mukha ko, nakaayos rin ang buhok ko na ang style ay messy hair at may belo. Napatakip ako sa bibig ko ng mabuo ang ideya ng lahat ng ito. Mula sa pagkakakidnap at pag-gising ko ng nakapang-kasal na. Ganon ba talaga kadesperada ang mga magulang namin para ikasal lang kami? Naramdaman ko ang mabilis na pagtulo ng luha ko. Hindi pwede! Hindi pwedeng ikasal ako. Kailangan makaalis ako dito. Hindi nila ako pwedeng pilitin dahil hindi ito laro. Agad akong tumayo at pinapahid ang luhang lumapit sa pintuan ngunit nabigo ako dahil naka-lock ito pagkatapos ay lumingon lingon uli ako sa paligid, wala ni isang pwede pang paglabasan, walang bintana. Lalo akong naiyak, ng maisip kung ito na ata talaga ang kapalaran ko. Ang makasal sa isang Vayne Santino Del mar na hindi ko pinangarap maging asawa! Napasandal ako sa pinto at napaupo, humagulgol ako ng iyak. Gusto kong magalit sa parents ko kung bakit kailangan nila ito gawin sakin. Bigla naman bumukas ang pintuan at bumungad sakin uli ‘yung matandang gumising sakin kanina. “Ihja, naghihintay na sayo ang sasakyan papuntang simbahan, halika na.” malumanay na sabi niya at hinaplos ako sa buhok saka niya ko inalalayan tumayo at lumabas. Humihikbing sumunod ako. “Tahan na ihja.” sabi pa niya. Pagkalabas namin ng silid ay may dalwang lalaking nakasunod samin pababa ng hagdan. Wala sa sariling naglalakad ako at sumakay ng sasakyan, pakiramdam ko’y nagkalat narin ang make-up sa mukha ko dahil sa walang tigil kong kaiiyak. Nakakainis isipin na planado ang lahat. “Tahan na ihja, maging masaya ka dapat sa araw ng kasal mo.” sabi pa ng matandang babae sakin na ngayo’y katabi ko. Hindi ko siya pinansin. Bakit ba ang daling sabihin nun sa kanya? Mga ilang minuto lumipas ng makarating kaming simbahan. Nagsimulang bumilis ang t***k sa puso ko sa kaba. Ito na ba ang simula ng pagbabago ng buhay ko? Wala na ba talaga akong magagawa? Pinagbuksan ako ng pintuan ng isang lalaki at inalalayan bumaba. Nasa gano’ng sitwasyon ng makita ko sina mommy at daddy. Hindi ko alam kung anong itsura ko nun nung makita ko sila basta ang alam ko lang malaking tampo at galit ang nararamdaman ko. “Baby Heaven, I’m so-sorry for doing this to you but believe me this is for your own good.” malambing nasabi ni mommy, nakikita ko naman ang sensiridad sa mga mata niya ngunit hindi ko pa rin maunawaan kung anong ikabubuti ko sa desisyon nilang ipakasal ako. “Anak, nag-hihintay na ang mapapangasawa mo, ‘wag ka mag-alala naniniwala kaming aalagaan ka ni Vayne.” sabad naman ni daddy at niyakap ako. Aalagaan? Talaga? Baka pulos sakit lang ang idulot niyan sa akin. “Papasok na kami baby sa loob magsisimula na ang kasal mo, masaya kami para sa’yo.” nakangiting sabi ni mommy at humalik pa sa pisngi ko at yumakap ganon din si daddy. Paano nila nagagawang maging masaya? Nagdesisyon sila ng isang bagay na hindi ako handa at higit sa lahat hindi ko gusto. Naramdaman ko muli ang pagtulo ng luha ko ng maglakad na kami papuntang harap ng pintuan ng simbahan bago sila tuluyang magpaalam para maunang pumasok sa loob. Mas lalong kumabog ang puso ko ng marinig ko ang tunog ng kampana kasabay ng pagbukas ng pintuan. Umulan ng pulang rosas mula sa taas bumungad sakin ang napaka-gandang arrangement ng mga bulaklak na kulay pula at puting rosas patungong altar. Dinig na dinig ko ang lakas ng tugtog ng wedding song. Umiling-iling ako habang walang tigil ang pagtulo ng luha, parang kahapon lang sinabi nilang gusto nila kami magpakasal ni Vayne pero ito nangyayare na. Nakita ko sina mommy at daddy na nag-aalalang nakatingin sa’kin at naghihintay na maglakad ako. Nanginginig akong nagsimulang humakbang patungong altar, ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat paghakbang, duon ko napansin si Quin na nakangiting kumakaway kasama ang parents niya at ang boyfriend na si Zed. Kasabwat din ba siya? Naroon din ang iba pang-relatives namin nila Vayne masaya ang mga ngiti nila sa labi pati sina Tita Vi at Tito saka ang nag-iisa kong ateng si Marry. Walang tigil na pagkuha ni Tita Vi ng litrato at saka ko napansin si Vayne na nasa unahan nagpupumiglas sa dalwang maton na lalaking nakahawak sa magkabilang braso niya. “Ayaw ko magpakasal! Mom, dad!!” Nadinig kong sigaw ni Vayne habang nagpupumiglas. Iritang-irita ang mukha nito lalo na ng makita ako. Lumapit samin si Tita Vi at may kung anong sinabi kay Vayne, hindi ko maintindihan kung ano ‘yun saka lang naman ito kumalma at unti-unting binitawan ng dalwang lalaking nakahawak sa kanya. “Father mag-simula na po tayo,” nahihiyang sabad ni daddy na duon ko lang napansin na nasa tabi ko, hinawakan niya ko sa kamay at sumeryoso ang mukhang tumingin kay Vayne. “Ikaw na ang bahala sa anak namin.” At inabot niya ang kamay ko kay Vayne na nag-aalinlangan pa bago abutin. Nag-init ang pisngi ko ng maramdaman ko kung gaano kalambot ang kamay niya na para bang naramdaman ko na at hindi ko lang maalala kung kailan, saan at paano? “Yieee! Omy gosh!” dinig kong kinikilig na sabi ni Tita Vi. Inalalayan ako ni Vayne maglakad papunta kay father. “Kung hindi lang mahalaga ang kotse at pera pati condo unit ko, hindi ako mapipilitang magpakasal sayo.” mahinang sabi, napairap ako. Ang kapal lang ng mukha at satingin niya gusto ko ikasal sa playboy at manyak na katulad niya. “Asa ka naman na gusto kong gawin to.” inis na ganti ko. “Hindi halata tch!” Pilosopong sagot niya. Mag-sasalita pa sana ako ng biglang umimik ang pari para simulan ang serimonya. Lumipas ang minutong hindi ko namamalayan ang lahat ng sinasabi ng pari, ultimo palitan namin ng vows ni Vayne ay hindi ko alam kung pano yun naglipas hanggang sa magsalita muli ang pari matapos isuot ni Vayne ang singsing sa daliri ko. “I pronounce you husband and wife.” nakangiting anunsyo ng pari at nagpalakpakan naman sila, magkaharap parin kami ni Vayne at maghawak ang dalwang kamay. “Yieee! balae!” Nadidinig kong sabi ni Tita Vi kaya napalingon ako sa direksyon nila. “Sista! Mag-balae na tayo” sagot naman ni mommy. Habang ako ay hindi malaman kung magiging masaya din gaya nila, ganon din si Vayne katulad ko hindi niya ginustong makasal kami. Bumuntong hininga ako napatitig kay Vayne na nuo’y nakatingin sa parents niya. Iniisip ko kung anong magiging buhay ko pagkatapos ng kasal na to. “Now you may kiss the bride,” sabi ng pari nakinanlaki ng mata ko. Tumingin ako kay Vayne bigla siyang ngumisi na agad ko naman ginantihan ng sama ng tingin. “Kiss!!” sigaw ng mga tao at dinig na dinig ko ang pangingibabaw ng boses nila Quin sa pangunguna ng mommy ni Vayne at mommy ko. Biglang nagbaba ng tingin si Vayne sa labi ko at dahan-dahan inangat ang belo dahilan para mapaatras ako. Bigla ay nag-flashback sa akin ang nangyare no’ng isang araw. Someone stole my first kiss at hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung sino siya! Unti-unting inilapit ni Vayne ang mukha niya sa mukha ko naroon pa rin ang nakakalokong ngiti sa labi niya hanggang sa dumampi ang labi niya sa pisngi ko saka niya ko mabilis na kinabig sa bewang paharap sa mga tao na nagsipagpalakpakan. “Congrats, Misis Heaven Del mar...” sarkastikong sabi ni Vayne. “Suddenly, I’m married with a Playboy.” Iritang ganti ko at pilit ngiting humarap sa kumukuha ng litrato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD