Chapter 4

1039 Words
Chapter 4 Clarion Gonzales' Point of View Ilang minuto pa akong nanatili sa pagkakaupo sa sahig ng aking kuwarto. Pinunasan ko na ang mga luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos  at agad akong dumeretso sa banyo at binuksan ang shower. Ang dumi ko. Ang dumi-dumi ko. Napakababa na ng tingin ko sa aking sarili. Ginamit lang niya ako for his esxual needs. Napasalampak ako sa sahig dahil nanghihina ako. Pinangarap kong ibigay ang sarili ko sa taong mahal ko. Oo nga, mahal ko si Jared. Gusto kong ibigay ang sarili ko sa kaniya pero hindi sa  ganitong sitwasyon. Hindi sa ganitong paraan. Pinangarap ko na ang unang gabi ko kasama ang lalaking mahal ko ay puno ng pagmamahal, ouno ng pag-iingat. Tipong sinasamba ang katawan ko pero hindi. Sa isang iglap nawala lahat. Walang pagmamahal, walang pag-iingat, pambababoy, pinarausan lang ang naramdaman ko mula sa kanya. Habang buhay na bang ganito ang sitwasyon ko sa mga kamay niya? Ilang oras akong nanatili sa loob ng banyo. Paglabas ko ay agad akong nagbihis. Nakita ko ang picture ni Mama sa bag ko. Ang kaisang-isang picture na meron ako. Kinuha ko ito at pinagmasdan ang mama ko na may matamis na ngiti. Hindi ko na namang napigilan ang mga luha ko, ang sakit kasi. Ang sakit ng nangyari sa akin. Sa tingin ko ay hindi ko na ito kakayanin pa. "Ma, masaya ka ba diyan sa langit? Mama, ayoko na dito. Kunin mo na ako. Pinahihirapan nila ako. Sinasaktan nila ako, binababoy, dinudurog. Ma, bakit mo hinahayaang maranasan ko ito? Bakit ko kailangang pagdaanan ito? Naging mabuting anak at kapatid ako sa kanila pero bakit ganito? Bakit ako nagawang ipambayad ng utang ni Papa. Mama, please kunin mo na ako. Ayoko ng mabuhay pa," I said while crying. Hinawakan ko ng mahigpit ang litrato ni Mama at inilagay ito sa dibdib ko. Nahiga ako sa malambot na kama at ipinikit ko ang aking mga mata. Inilalabas ang sakit na nararamdaman ng buo kong pagkatao sa pamamagitan ng pag-iyak. Oo nga pala, wala naman akong ibang alam na gawin kung hindi ang manahimik at umiyak.      KINABUKASAN ay nagising ako na masakit ang buong katawan ko lalo na ang p********e ko. Normal lang siguro ito sa mga first timer na katulad ko. Masakit din ang balakang at mga hita ko. Tumayo na ako at nag-ayos ng aking sarili. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa salamin. I have dark circles under my eyes, maga din ang mata ko dahil sa magdamag na pag-iyak, ang ilong ko ay mapula at medyo barado dahil sa pag-iyak ko at magulo ang buhok ko.  Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maawa sa sarili ko?  Napabuntong hininga ako. Naisipan kong maligo na at mag-ayos. Paglabas ko ng banyo ay may napansin akong pinto sa may gilid lang, nilapitan ko ito at binuksan at bumungad sa aking ang napakaraming damit. Dahil wala naman na akong masusuot ay kumuha ako ng isang puting t-shirt at maong jeans. Ang buhok ko ay sinuklay ko ng maiigi. Nang makuntento na ako sa hitsura ko ay naisipan ko ng lumabas ng kuwarto. Bumaba na ako at nakita kong nag-aalmusal na si Jared. Prente siyang nakaupo sa dulo ng lamesa at kumakain. Hindi ko siya pinansin at dederetso sana sa kusina nang tawagin niya ako. Wala naman na akong magagawa pa kaya lumapit na ako sa kanya.  "Umupo ka dito at kumain na," utos niya. Sinunod ko na lang siya. Umupo ako sa tabi niya, sa kanan niya mismo to be exact. "Oo nga pala, since nasa poder na kita," sumimsim muna siya ng kape bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi, "Responsibilidad na kitang pag-aralin. Kasama sa kasunduan namin ng tatay mo iyon. Saan ka pala nag-aaral?" Ilang segundo muna ang lumipas bago ako sumagot. "Sa South Ville University," sagot ko. Kasama pa talaga sa kasunduan nila ni Papa na pag-aarilin niya ako. Talagang binitawan na ako ng tatay ko. Sagad sa buto talaga ang pagka digusto niya sa akin.  "Well, that's good! Doon din ako nag-aaral." Alam ko. Isa kang sikat na varsity player at heartthrob ng university. Palagi kitang pinanunuod sa bawat laban mo. Ang tagal kitang pinagmasdan mula sa malayo pero hindi ko inaasahan na makakatabi mismo kita sa hapag. Hindi sa ganitong sitwasyon. "Anong course mo?" tanong niya ulit at muling sumimsim ng kanyang kape. "Education," sagot ko. Tapos ikaw ay engineering. Civil Engineering ang course mo. Palagi kitang inaabangan sa building ng engineering, tinatanaw mula sa malayo. "Ibigay mo sa akin ang cell number mo para pag kailangan kita hindi na ko mahihirapang hanapin ka. Kapag kailangan kitang gamitin, madali kitang mako-contact," he said at inilapit sa akin ang kanyang cellphone. Umiling naman ako sa kanya at nakita  ko ang pagtataka sa mukha niya.  "Wala akong cellphone," nakayukong sabi ko. Narinig ko siyang humagalpak ng tawa kaya inangat ko ang ulo ko para  tingnan siya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko hindi ba? "Seriously? You don't have a phone? Tao ka ba?!" natatawang sabi niya. Nasaktan ako. Sa pagkakaroon ba ng cellphone malalaman ang pagiging tao ko? "Anong akala mo sa akin? Hayop? Kaya ba ganoon mo na lang ako babuyin? Kasi hindi ako tao?" I said while looking straightly to his eyes. Bigla naman siyang  natahimik at tumingin sa akin ng seryoso.  "Excuse me, wala akong gana," sabi ko kahit pa wala naman talaga akong kinain. Mawawalan talaga ng gana kahit sino na nasa kalagayan ko. Tumayo na ako at umakyat papuntang kuwarto. Para kaniya, hindi ka tao Clarion. Tandaan mo yan. Jared Crisostomo's Point of View "Anong akala mo sa akin? Hayop? Kaya ba ganoon mo na lang ako babuyin? Kasi hindi ako tao?"  she said habang nakatingin sa mga mata ko. I see sadness and pain in her brown eyes. I admit, masyado akong naging hard kagabi. Pero ito naman ang gusto ko hindi ba? Seeing her in pain. Seeing her suffering, pero bakit hindi ako natutuwa? Bakit wala akong makapang saya sa puso ko? Heh! Tama lang sa kaniya 'yan! Kulang pa nga ang mga 'yan kumpara sa naranasan ng ate ko. Dapat lang sa kaniya yan. Dapat lang siya magbayad sa kasalanan ng kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD