Chapter 2

1109 Words
Chapter 2 Jared Crisostomo's Point of View "So, anong gagawin mo sa kaniya?" Jeric asked- he is one of my friends. Kasalukuyan kaming nasa bahay niya and I told them about my plan. About my revenge. Inabutan niya ako ng isang basong whiskey at agad itong tinanggap.  "Well, I'll use her. f**k her. Dump her," sagot ko as I drink all the whiskey in my glass. Ramdam ko ang pagguhit nito sa aking lalamunan and all I feel was bliss.  "Oh man! Masyado ka naman yatang brutal?! Babae 'yun at ang babae ay hindi sinasaktan bagkus ay minamahal," sabi ni Karl at inirapan ko naman siya. "Siyempre. Ako pa? I am the great Jared Crisostomo. At sa sinasabi mong babae siya, sana inisip ng magaling niyang ama na babae din ang kapatid ko," sagot ko. Nakarinig kami ng malakas na tunog. Tunog mula kay Dylan, ibinagsak niya sa lamesa ang hawak niyang braso at tinitigan ako ng matalim. "Anong problema mo Dylan?" tanong ko at umiling-iling siya. Alam kong hindi siya sumasang-ayon sa mga plano ko. Duwag naman kasi siya eh, mahina ang loob. Masyadong pa-goody. Ewan ko ba kung bakit napasama sa grupo ko ang kupal na 'to. "You know what Jared. Mali ang ginagawa mo," biglang sabi ni Dylan na siyang ikinaismid ko. Anong mali doon? I'm just getting my rebenge. Getting even sa walang hiyang lalaking iyon. "Ano namang mali doon Dylan?"  tanong ko. "Tao siya. Masasaktan lang siya sa mga gagawin mo. Wala naman siyang kinalaman sa mga nangyari noon." "Nasasaktan din ako dahil sa mga ginawa nila kay ate. Gumaganti lang ako sa kanila," sagot ko.  "Ayaw kong pagsisihan mo ito Jared." "Nako! Ang good boy natin ah! Nag-aalala ka ba kay Pareng Jared?" tanong ni Karl. "Ayaw ko lang na balang araw, pagsisihan mo ito," sabi niya at tumayo na. Clarion Gonzales' Point of View "Ma'am, sabi po ni Sir Jared after niyo po daw kumain ay pumunta daw po kayo sa kuwarto niya," sabi ng isang babaeng nasa late 20's. Napatigil ako sa pagkain ko. Ito na ba? Magsisimula na ba? Ito na ba ang hudyat ng mas lalong mala-impyerno kong buhay? Nakaramdam na ako ng panlalamig dahil sa sinabi niya.  "S-sige po," sagot ko. Halos hindi ko na malunok ang kinakain ko. Masarap nga ang pagkain pero dahil sa sitwasyon ko ay hindi ko ito maenjoy. Ang daming bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Gusto kong tumakas pero halos bawat sulok ng bahay ay may mga bantay. Para bang alam na alam ni Jared na maiisipan kong tumakas.  "Okay po Ma'am." Paalis na sana siya ng tinawag ko siya. "Ate, wag niyo na po akong i-ma'am. Clarion po ang pangalan ko. Tawagin niyo na lang po ako sa pangalan ko," sabi ko. "S-sige Ma'am ay este Clarion." Tapos ay umalis na din siya. Napabuntong hininga ako. Clarion, wala ka ng magagawa pa. Alipin ka na niya. Tumayo na ako at pumunta sa kuwarto ko. Bago ako kumain ay inihatid ako ni Jared sa kuwartong ito. Tapos katabi ko lamang ang silid niya. Pagpasok ko ay may nakita akong isang puting nighties na nakalapag sa ibabaw ng kama. Hinawakan ko ito at talaga namang mukhang mamahalin dahil sa lambot ng tela. Naupo ako sa dulo ng kama at napatulala. Puwede bang tumigil na lang ang oras. Napatingin ako sa may pintuan ng may kumatok. Tumayo ako at bahagya itong binuksanat nakita ang maid na kanina lang ay kausap ko. "Umm... Clarion, sabi ni Sir Jared bilisan mo daw po," sabi nito sa akin. Napabuntong hininga ako at tumango ako. "Pakisabi sandali lang," sagot ko at sinara na ang pinto. Ito na talaga. Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa kuwarto ni Jared. Actually, nandito palang ako sa tapat ng pinto ng silid niya. Hindi ko kayang kumatok. Kinakabahan ako sa maaring mangyari. Pinagdikit ko ang mga palad ko at ramdam na ramdam ko ang pamamawis ng mga ito. Ang lakas din ng kabog ng aking dibdib, tila ba lalabas na sa dibdib ko ang puso ko.  Ilang buntong hininga ang ginawa ko bago ko napagdesisyonang kumatok. "Pasok," sigaw niya mula sa loob. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakahiga sa isang malaking kama and he's wearing only a boxer short. Aminin ko man o hindi, ang hot niyang tingnan. Malaya kong natitigan ang kanyang kakisigan.  Ano ba itong pinag-iisip ko? "Lumapit ka dito," utos niya. "A-ayoko," sabi ko. Nanginginig na ako sa takot at kaba. Nakita ko naman siya papaano ngumisi. "Bakit? Takot ka? Wait, are you still a virgin?" tanong niya pero hindi ako sumagot. "Ha! I know it! Virgin ka pa kaya ka nagkakaganyan!" sigaw niya. "Come, give me pleasure," he said while lying on his king size bed. Hindi ako gumalaw, nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kaniya. "Ano?! Tutunganga ka lang ba diyan?!" sigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba itong nangyayari sa akin. Bakit ba napunta ako sa ganitong sitwasyon? Hindi ko naman pinangarap ito eh.  Hindi ko akalaing ganito pala kasama ang lalaking minamahal ko sa loob ng dalawang taon. Bigla siyang tumayo at hinawakan ako sa braso ng sobrang higpit. Napapikit na ako dahil sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak. Pakiramdam ko, bumabaon na sa balat ko ang kanyang kuko. Bakit ba napakalupit niya sa akin? "P-please, ibalik mo na ako sa amin. H-hindi ko kaya ang pinagagawa mo sa akin," sabi ko or I should say pagmamakaawa ko. Hindi ko alam kung papaanong pagpapaligaya ang gagawin. Inosente pa ako sa mga ganitong bagay. Wala pa akong karanasan. "Baka nakakalimutan mo?! Pinambayad ka sa akin ng ama mo! I can do whatever I want to you! Alipin kita!" sigaw niya sa akin at napapikit ako dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha.  "Please, Jared pakawalan mo na ako. H-hindi ko kaya ang pinagagawa mo. Ibalik mo na ako kay Papa please," I said at umiling-iling pa ako. Ngunit naging bingi siya sa aking pakiusap.  Tila ba may demonyong sumanib sa kaniya. Namumula ang mga mata niya, nag-aapoy sa galit ang mga ito. May poot sa mga mata niya, poot na hindi ko alam kung saan nagmumula.  "Gagawin mo lahat ng gusto ko! Gagawin ko lahat ng gusto ko sa'yo! Tandaan mo, alipin na kita. Ang trabaho mo ay paligayahin ako!" sabi niya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. Parang isang labaha na humihiwa sa aking puso at pagkatao. Itinulak niya ako sa kama niya at hinalikan ng marahas. Napapikit ako. Hindi ito ang pinapangarap kong tagpo na kasama siya.  Bakit kailangan kong maranasan ito? Bakit sa lahat ng tao siya pa? Bakit sa taong mahal ko pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD