Chapter 1
Clarion Gonzales' Point of View
"Pa! Please! Huwag mong gawin sa akin 'to!" pagmamaka-awa ko sa harap ng papa ko. Halos lumuhod na ako sa kanya at pinagdikit pa ang dalawang palad ko, huwag lang niya akong ipamigay. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Ayokong malayo dito, kahit pa malupit sila sa akin ay ayokong malayo sa kanila. Tiningnan ko ang mga kapatid ko at mas lalong nadurog ang puso ko sa nakita ko. Ang mga kapatid ko ay halos magdiwang na dahil sa gianagawa sa akin.
"Tigilan mo ako Clarion! Mas magandang umalis ka na dito! Masyado kang pabigat!" sabi ni Papa habang kinakaladkad ako palabas ng bahay. Napadaan kami sa staircase at ang ginawa ko ay kumapit ako sa grills. Tila ba ito ang aking lifeline, na dito nakasalalay ang buhay ko.
"Papa parang awa mo na! Anak mo naman ako di ba?" I said at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa grills.
"Saan? Sa ilong? Hahaha!!" sabi ng isa kong kapatid at nagtawanan sila. Ano bang ginawa ko at ginaganito nila ako? Nilapitan ako ng isa kong kapatid at pilit tinatanggal ang mga kamay ko sa grills.
"Just f*****g let go!" sigaw niya at nagtagumpay naman siya. nagawa niyang tanggalin ang mga kamay ko sa grills at itinulak pa. Dahil dito ay muli akong nahawakan ni Papa at kinaladkad papalabas ng bahay.
Nagawa ni Papa na hilahin ako palabas at isinakay sa kotse. Patuloy ang pagmamakaawa ko sa kaniya pero nananatiling nakasarado ang tainga niya sa akin. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin o kung ano ang gagawin sa akin.
"Papa, saan mo ako dadalhin?" tanong ko.
"Manahimik ka diyan! Panahon na para idespatsya ka na! Ngayong wala na ang nanay mo, wala na akong nakikitang dahilan para manatili ka sa poder ko!" sigaw niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.
Simula ng mawala si Mama, naging impyerno na ang buhay ko. Tanggap ko namang hindi nila ako gusto pero sana hayaan nila akong mamuhay, bigyan ako ng respeto. Tao lang ako, nasasaktan din.
Nanahimik na lang ako, kahit anong pagmamakaawa ko ay bingi si Papa sa mga pagmamakaawa ko. Baka kapag mas lalong naasar siya sa akin ay itulak na lang niya ako palabas ng kotse at maging sanhi pa ng kamatayan ko.
Ilang sandali lang ay huminto kami sa isang malaking mansyon. Padabog na inalis ni Papa ang kanyang seat bealt at lumabas ng kotse. Umikot siya sa side ko ay padabog akong hinatak palabas ng sasakyan at pakaladkad na pumasok sa loob. Doon ay nagulat ako sa aking nakita. Nakita ko ang isang binatang nakatayo sa may living room, nakasuot ng itim na t-shirt at maong jeans. Seryoso siyang nakatingin sa akin, pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa mga tingin niya. Si Jared Crisostomo- ang lalaking matagal ko ng minamahal.
"Siya ba?" tanong ni Jared at itinulak ako papalapit sa kanya. Kaagad niya akong nahawakan sa balikat, ramdam ko ang diin ng pagkakahawak niya sa aking balikat. Pinigilan kong mapangiwi dahil sa diin nito.
"Oo," sagot ni Papa.
"Sige na. Iwan mo na siya," sabi niya kaya agad akong napatingin kay Papa. A-anong ibig sabihin nito? Iiwan ako kasama si jared?
Tumalikod na at paalis na si Papa. Pumalag ako sa mga hawak ni Jared at matagaumpay kong nagawa ito. Kaagad kong hinabol si Papa. Hinawakan ko ang kanyang kamay, hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko.
"Papa 'wag mo akong iwan!" I said at tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Diyan ka nararapat! Mas magandang mawala ka sa landas namin!" tapos ay itinulak ko dahilan para matumba ako sa mamahaling carpet ng masyong ito. Pilit kong hinabol si Papa ngunit tuluyan na niya akong iniwan.
"So, you're Clarion?" napatingin ako kay Jared. Nakataas ang kilay niya at muli niyang akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi pa siya nakuntento at pinaikutan pa niya ako. Teka, paano niya nalaman ang pangalan ko?
"O-oo," sagot ko at napayuko ako dahil sa mga tingin niya. Napaka-powerful ng mga mata niya.
"You're familiar to me. Parang nakita na kita somewhere, but anyway, alam mo ba kung bakit ka nandito?" tanong niya. Tanging iling lang ang nagawa ko. Iyan din ang tanong ko, bakit nandito ako? Bakit dito ako dinala ni Papa?
"Bayad- utang," sabi niya at napatingin ako bigla sa kanya.
"Ha?" A-anong sinasabi niya na bayad utang? May utang si papa sa kanya at ako ang ginawang pambayad? Ganoon na lang ba kababa ang tingin sa akin ni Papa?
"Pinambayad ka ng tatay mo sa akin. Ang laki kasi ng utang niya sa akin. Five million. Ang laki 'no? Buti na lang at maganda ka, hindi na sayang ang limang milyon ko sa iyo."
Nasaktan ako. Sobra. Para bang tinanggalan na ako ng pagkatao. Hindi na yata ako tao, isa na lamang ako bagay na may malaking halaga. Paano nagawa sa akin ni Papa ito? Siya na kinikilala kong ama. Pinambayad lang ng utang niya ako. Ang halaga ko lang ba ay limang milyon?
Lumapit siya sa akin at inamoy ang buhok ko. Bahagya akong napaiwas dahil sa ginawa niya. Kinabahan ako. Ito ang unang beses na lapitan niya ako. Ito ang unang beses na kausapin niya ako.
"Ano kayang puwedeng gawin ko sa'yo?" tanong niya habang iniikutan niya ako. Pakiramdam ko, ang liit ko dahil sa paraan niya ng pagtingin sa akin.
"What if I will make you my slave?" tanong niya ulit.
"S-slave?"
"Yes. Slave. But not just ordinary slave. You can be my s*x slave. What do you think?"
"J-jared..." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Gagawin niya akong s*x slave?
"Wow! You know my name!" sigaw niya at pumalakpak pa. tila manghang mangha dahil kilala ko siya.
"Gagawin ko ang lahat. Gawin mo akong katulong. Lilinisin ko itong mansyon mo para mabayaran ang utang ni Papa. Pakiusap, huwag mo lang akong gawing s*x slave," pagmamakaawa ko.
"Kahit magtrabahao ka pa habang buhay, sa estado mong yan," tiningnan niya at umiling-iling pa. "Hinding hindi mo mababayaran ang limang milyon ko."
"Please, kahit buong buhay ko pagtrabahuan iyon. Huwag mo lang akong gawing s*x slave mo. Nakikiusap ako."
"Nope! I made up my mind! You are going to be my s*x slave!"
And starting today, I Clarion Gonzales will be the s*x slave of the demon named Jared Crisostomo.