-Kimberlynn- "HAVE a drink," offer ni Angelo sa akin nang lagyan n'ya ng red wine ang wine glass ko. Ready na ang lahat papuntan namin dito sa unit n'ya; 'yung pagkain, table, lahat ng ayos ay handa na, pero sabay kami umalis sa office at pumunta dito sa unit n'ya. "Thanks," nakangiti kong saad. Ininom ko lang iyon habang nag-uusap lang kami ng kung anu-ano. "Nasaan ang magulang mo?" taka kong tanong. Hindi ko pa naman nakikita ang magulang n'ya at hindi ko rin kilala. "Bakit, gusto mo na bang ipakilala kita?" biro n'yang tanong sa akin. Tapos na kaming kumain at masarap talaga ang pagkain ngayon. Siguro ay ginawa n'ya ito na handa na ang lahat para hindi na n'ya asahan ang luto ko. "Well, bakit naman hindi?" tugon ko. Pamilya ng mayayaman tatanggihan ko pang kilalanin. "Nasa US