-Kimberlynn- "TINGIN sa kanan, Miss Angela!" the photographer yelled. Nakaupo lang ako dito sa gilid-gilid dahil ang kapatid ni Angelo ay nagfe-feeling artista kahit hindi naman kagandahan. Ako ang pinapunta ni Angelo para tignan kung buhay pa ba ang kapatid n'ya dito. As if naman na mayroon akong pakialam sa kan'ya. Tinignan ko ang buong set na sobrang busy dahil kay Angela, s'ya lang naman ang magiging face of their products. Naghihintay na lang akong matapos ito dahil gusto ko ng umuwi na. "Break muna!" mayroong sumigaw, pero hindi ko nakita kung sino dahil abala ako sa pagtingin ko sa maganda kong sapatos. "Tapos na ba?" boring kong tanong sa photographer. "Hindi pa, Miss Rivera," sagot n'ya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil inip na inip na ako. Kanina pa kaming ta