-Natalia- "AKALA ko ba ay magdi-dinner kami?" Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Angelo dahil nagpaalam lang na lalabas, pero off ko na ay hindi pa rin bumabalik ang lalaking iyong. Pag ako nainip dito uuwi na ako, at hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa kan'ya. Ilang ring na ang nagawa ng phone ko ay wala pa rin kaya nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko. Baka mayroon pinuntahan o baka mayroon ng ka-dinner date. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagsimula na akong maglakad palabas, pagsakay sa elevator hanggang sa makarating ako sa ground floor. Napa-poker face na lang ako ng unang bungad sa pag-uwi ko ay lalaking mataas na ang tingin sa sarili. Buti na lang at hindi n'ya kasama ang girlfriend n'ya dahil pag-untugin ko pa sila. Hindi ko pinansin si Nolie na naglalakad na rin palabas