Lara Hinihimas ko lang yung maumbok na tiyan ni Sam habang hinihintay naming tawagin yung flight nilang dalawa ni Kai. "Tawagan mo ako kaagad kapag manganganak ka na ha?" biro kong sabi pero sa totoo lang, pinipigilan ko lang yung mainit na bagay na gustong kumawala sa mga mata ko. "Ang OA mo, Nicks! Five months pa lang yan noh!" natatawa niyang paliwanag sa akin. "Five months pa lang? Feeling ko puputok ka na eh!" pina exagge ko yung laki ng mata ko kaya nakatikim ako ng hila sa buhok mula sa kanya. Ang totoo, naiinggit ako sa masayang buhay ni Sam. Meron siyang asawa na nag hihintay sa kanya pag balik niya ng Manila. May mga magulang siyang naka alalay sa kanya at mag mamahal sa kanya kahit na magunaw man ang mundo anumang oras. "Sasabihin ko kay La