SHEENA POV HINDI kita deserve kaya kahit mahal kita…hindi kita niligawan. Parang sirang plaka na paulit-ulit kong inulit sa isip ko ang mga salitang ‘yon. Tama ba ako ng dinig? Mahal ako ni Lance? Mahal niya ako… Kahit luhaan ay nagawa kong ngumiti. Hindi ko kayang ipaliwanag ‘yong saya sa puso ko ngayon. Tuloy pa rin sa pagkukuwento si Lance habang tumutulo pa rin ang mga luha. Mayamaya ay huminto siya nang kusa at kumunot ang noo habang nasa mukha ang pagtataka. Napansin niya siguro na hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi niya. “Sheena,” usal niya kapagkuwan. “P-Puwede mo bang ulitin ‘yong sinabi mo?” Wala sa loob na hiling ko. Lalong nagkaroon ng gatla ang noo niya. “Please?” “Alin do’n?” malat ang boses na tanong niya. “Sobrang dami ko ng sinabi, hindi ko na kayang uliti—