"MOMMY, THIS FACE, magiging secretary lang? No way, I won't accept your offer. I love what I'm doing now! I'm a famous vlogger and this is what I want and not to be Tito Jarred's secretary!"
Mariing napapikit si Blaire nang maalala na naman niya ang sinabi niya sa kaniyang mommy noon. Nag-away pa sila dahil sa kagustuhan nitong maging sekretarya siya ng Tito Jarred niya na kapatid ng mommy niya. Nangyari na nga, ngayon, sekretarya na siya ng sarili niyang tito. She doesn't want to accept her mommy's want pero wala na siyang nagawa pa. Ilang buwan na siyang nananalagi sa kumpanya ng tito niya. Bukod sa pagiging sekretarya, isa rin siyang vlogger at adventurer. She's a famous at hindi man niya masabi pero malaki ang kinikita niya sa pagiging vlogger. They aren't poor, they are rich. Her father owned a company while her mother owned a business restaurant. She's a spoiled, but not a brat. Lumaki siyang mabuti pero nakukuha ang lahat ng gusto. Aaminin niya, minsan na siyang nagtaray sa iba pero may dahilan iyon. Kung mataray ang isang tao sa kaniya, aba, magtataray din siya!
"Hoy, Blaire! Tulala ka na naman diyan!"
Natigilan siya sa malalim na pag-iisip nang marinig iyon. Kaagad niyang binalingan ang nagsalita at mula sa likod niya, nakita niya si Paulin, kaibigan niya at isa ring employee sa kumpanya ng Tito Jarred niya.
"Hindi ako tulala!" tanggi niya rito at humarap saka prenteng umupo sa swivel chair niya.
Yes, she has her own office— her own chair to sit.
"Hala! Anong hindi tulala? Kulang na lang ay hindi mo na ipikit ang mga mata mo, e. By the way, I came here to give this to you. Pabigay na lang kay Sir. Anderson at sabihin mong pirmahan. Proposal iyan na ginawa nila nitong nakaraan kasama si Sir. Del Fierro, ang kaniyang bagong business partner. After mong papirmahan, ibigay mo na ulit sa akin, ha?"
Anderson is her Tito Jarred's surname.
She rolled her eyes in irritation. She stood up and faced at her friend. "Bakit ba hindi ikaw na lang ang magbigay kay tito? Malapit lang naman iyong office niya, o. I'm so tired, ang dami kong ginawa kagabi at kanina. See, see my freaking eyebags." At itinuro niya pa ang ilalim ng mga mata niyang bahagyang nangingitim na.
Ilang araw na siyang walang tulog. Buti na lang talaga at Sabado bukas. Saturday is her day off. Matutulog siya maghapon o hindi naman kaya ay gagawa na lang siya ng bagong video. Nakakainis naman kasi, bakit parang sa kaniya na inaasa ang lahat? She's freaking tired and she wants freaking rest because she's a freaking human too!
"We all know Sir. Anderson's attitude. Alam mo namang takot ako sa kaniya, e. At saka, hindi ka niya papagalitan kasi pamangkin ka niya."
Oo nga, her Tito Jarred is cold and rugged. Kapag may maling nakita, maninigaw na kaagad. Kaya minsan ay hindi siya nagtatrabaho dahil sa takot dito. Normal lang naman sigurong katakutan ito dahil sa ugaling taglay nito.
"Okay, fine!" She raised her arms— talo na siya. "Put that folder on my desk and leave me alone!" inis niyang sambit saka nilayuan ang kaibigan.
"Thank you, Blaire. I love you talaga, you're the best. Nga pala, nag-aaya si Danny na mag-bar daw tayo mamayang gabi. Hindi puwedeng hindi ka sumama dahil may pangako ka pa sa amin, no. Ililibre mo kami, right?"
Pagalit niyang hinarap ang kaibigan. "Mag-bar kayong dalawa, wala akong pake. At anong ililibre? It's just a joke, I was just drunk!"
"Hindi puwede. Bye, bitch." Paulin flipped her hair and left her alone.
She's not a b***h to call her like that. Imbis na pansinin pa ang asar niyang kaibigan, bumalik siya sa kinauupuan kanina at kinuha ang folder at sandaling tiningnan. She's not in the mood at baka mamaya na lang niya ibigay sa Tito Jarred niya ang folder.
"b***h, it's an urgent!"
Kaagad siyang napabaling sa pinto at nakita niyang nakasilip doon si Paulin. Tangina, kailan ba titigil sa pang-aasar ito? Iimik pa sana siya pero tuluyan nang umalis ang gaga. An urgent? Okay, fine! Sunod-sunod niyang iniikot ang mga mata at nagpakawala ng hangin sa kaniyang bibig. Tumayo na siya habang hawak-hawak ang folder na ibibigay niya sa tito niya. Hindi naman niya kailangang maglakad nang malayo dahil malapit lang ang opisina ng Tito Jarred niya.
Nang makalabas siya sa sariling opisina, bahagya niya munang inayos ang suot niya. Pinantay niya ang palda niya, ibinaba niya ang pang-itaas niya, at inayos ang buhok na napunta sa harap ng mukha niya. When she's already satisfied, naglakad na siya.
"Blaire! Blaire! Blaire!"
Napatiim siya ng mga sandaling iyon— nang marinig ang tawag na iyon. Isa pa ito, katulad lang din ng gaga niyang kaibigan. It's Griffin, her co-employee na may gusto sa kaniya at palagi siyang kinukulit na sagutin na raw niya ito.
Naiinis niya itong hinarap at hindi nga siya nagkamali. He's holding a starbucks coffee. Unang tingin pa lang niya, alam na kaagad niya. It's a cold brew coffee. s**t, her favorite! Ayaw niyang magpatalo sa sarili niya kaya nilabanan niya iyon. Puwede naman siyang bumili ng ilang galon, e. She won't accept Griffin's coffee at baka mamaya ay may spell na ilagay ito roon.
"Wala ka naman siguro sa palengke para sumigaw ng ganiyan?!" iritado niyang tanong saka tinalikuran ito at nagpatuloy sa paglalakad.
"Wait, Blaire. I know you are obsessed with this coffee. Why don't you accept this?" She felt his presence.
Imbis na harapin ito, nagpatuloy lang siya sa paglalakad. "Yeah, that's true. Pero hindi ko tatanggapin ang bagay na galing sa iyo. Tigilin mo na nga ang pangungulit sa akin. If you won't stop, I'll tell Tito Jarred kung ano ang pinaggagagawa mo. Choose, Griffin, leave me alone or leave this building alone?"
"Hindi ko bibigyan ng malisya kapag tinanggap mo ito!"
Natawa siya. "Ayaw kong maniwala sa kasinungalingan mong lalaki ka. Ilang beses mo na akong ini-scam. Before, I accepted your chocolates tapos ano, pinagkalat mo na tayo na? Stop me, Griffin. Don't follow me... tototohanin ko talaga iyong sinabi ko!" pagbabanta niya sa lalaki.
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin, Blaire."
"Heh!" singhal niya.
Hindi na niya narinig pang sumagot ito kaya naman binalingan niya ito. Nakita niyang nakatigil ito sa hindi kalayuan at iniinom ang hawak na kape. Napailing na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makarating sa harap ng opisina ng tito niya, she knocked thrice. At wala pang ilang segundo ang nakalipas ay umimik na ito mula sa loob.
"Come in..." rinig niyang wika ng Tito Jarred niya.
Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig saka binuksan ang pinto. She saw him sitting on his own swivel chair while his attention is on the screen of his laptop.
"Good morning, Sir. Anderson," magalang niyang sabi saka naglakad na papalapit dito. "Uhm, I just wanna give this to you. Papirma na lang po. It's an urgent, as what Paulin said to me. This is the proposal you've made with Sir. Del Fierro," nakangiti niyang sabi saka ipinatong ang hawak sa desk nito.
"Ano ba iyang suot mo, Blaire? Gusto mo bang magpa-r*pe, huh? Your clothes are not decent. Change it!"
Grabe!
"Tito Jarred, my clothes are decent. Iyong palda ko po, hanggang tuhod naman po, e. At ayos naman po itong suot kong blouse."
He's so strict kaya takot siya rito minsan.
"Tumigil ka nga, Blaire! Sasabihin ko iyan sa mommy mo, I swear to you! Mukha bang desente iyang suot mo? Ako ang mas matanda rito! Palitan mo iyan! Magsuot ka ng jeans at t-shirt para magmukha kang kaaya-aya!" madiing sabi nito saka kinuha ang folder at tiningnan.
Hindi ito nakatingin kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong iikot ang kaniyang mga mata dahil sa inis na nararamdaman. Napakastrikto naman talaga! Desente naman itong suot niya, e. Jeans at t-shirt? Secretary pa ba siya? Kainis! Dahil doon, hindi na niya nagawa pang umimik, imbis, nagtatakbo siya palabas ng opisina nito. Muntikan pa siyang madapa dahil sa heels na suot niya. Peste talaga!
"AKALA KO BA'Y hindi ka sasama?" tanong ni Paulin nang makapasok silang tatlo sa elevator.
Kasama nila si Danny, ang kaibigan nilang bakla pa sa bakla.
"I changed my mind. Nakakainis talaga si tito, e. Biruin mo, pinapapalit ako ng suot ko dahil hindi raw desente. Like, what the real f*ck? Mukha ba akong magpapa-r*pe? Kita ba ang cleavage ko? Hindi naman, hindi ba?" galit na galit niyang saad at parang gusto niyang tirisin sina Paulin at Danny dahil sa panggigigil niya.
"You should be thankful, b***h! Nag-aalala lang si Fafa Jarred sa iyo," ani Danny at parang kinikilig pa sa huling sinabi nito.
Fafa Jarred, ang tawag nito sa tito niya kapag sila lang tatlo ang nag-uusap. Ultimate crush ng baklang ito ang tito niya. Hindi rin niya masisi kung bakit ito nagkagusto sa tito niya dahil unang-una, guwapo ito, pangalawa, hot pa, at pangatlo, malakas ang appeal. Kaya nga ang gaganda at guguwapo ng mga anak nito.
"Shut up, Danny. Nakakadiri ka!" diring-diring sabi ni Paulin at mahinang hinampas ang balikat ni Danny.
"Ouch, b***h. It's not yuck, it's yummy..." Si Danny at nagtatatalon pa.
Napairap na lang siya at tumalikod sa mga ito. Nagkulitan pa ang dalawa habang nasa elevator sila. Ilang minuto pa ang nakalipas, nakarating na sila sa ground floor— sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Sumakay na sila at pinaandar na niya iyon patungo sa bar na pag-iinuman nila. Masama ang loob niya ngayon kaya lulunurin niya ang sarili niya sa alak. Kahit babae siya, malakas pa rin siyang mag-inom lalo na kapag cocktail ang iinumin.
TO BE CONTINUED...
Comment anything about the first chapter. Thank you!