Important Announcement: If you already read the previous chapter, Cleo/Cloe po ang nilagay kong name ng bidang babae. I changed it to Blaire, kung maaari po'y pabasa po ulit at baka malito kayo dahil may mga binago akong infos. Thank you!
* * * * *
"BLAIRE! WAKE UP!"
Nagising si Blaire nang biglang may sumigaw at humpas sa kaniya. Pagmulat na pagmulat pa lamang ng mga mata niya, biglang bumungad sa kaniya ang mommy niyang may masamang awra. Oh God! Dahil doon, dali-dali siyang umupo sa kaniyang kama. And she felt something in her head. Kasabay noon ay ang pagkurot noon. s**t! Parang pinipiga ang utak niya ng mga sandaling iyon. Gusto niyang ilublob ang ulo niya sa tubig na puno ng yelo para mawala ang sakit ng ulo niya. But it seems like her head ache would increase because of her mother's angriness.
"Mommy, please, I'm so sorry!"
"You're hangover again, Blaire! Ilang beses ko bang sasabihin na huwag kang mag-inom dahil babae ka!" sigaw ng mommy niya.
She remembered what happened last night. Nag-inom siya kasama sina Paulin at Danny. At naalala niya pa kung anong oras siya nakauwi. Pasado alas-tres na ng madaling araw siya nakauwi dahil sa pag-iinom niya kasama ang dalawa niyang kaibigan.
"Mommy, I'm so sorry na po. Nag-bonding lang kami nina Paulin at Danny since day off ko po ngayon. Mommy, hayaan niyo na po ako dahil minsan lang naman po akong maging ganito," nakabusangot niyang saad saka tumayo sa kinauupuam niyang kama.
Pero hindi pa man siya tuluyang nakakatayo nang bigla siyang natumba sa kama niya dahil bigla na namang kumirot ang ulo niya. s**t, kaya ayaw niyang mag-inom, e. Pero hindi naman niya mapigilan ang sarili dahil hobby na niya ang mag-inom. Oo nga't sarap sa una pero sa huli nama'y pasakit. Hindi niya pinagsisisihang nag-inom siya. She doesn't like this kind of feeling.
"You're a woman, Blaire at hindi dapat ganiyan ang inaakto mo. Para kang lalaking wasak ang p—"
"Exactly, mommy! I may not a man, but my heart was really broken. Mommy, I'm so tired and I just want to enjoy this life of mine. Sorry na po, mommy. Please?" Then she made a cute face on her mother.
Pero hindi ito nagpauto sa ginawa niya. Kinuha nito ang unan saka walang awa na namang hinampas sa kaniya. Napahalukipkip siya sa tabi ng kama niya dahil sa ginawa ng mommy niya. Anak ba siya nito? Bakit siya nito hinahampas?
"I'll tell this to your daddy, Blaire. You're a woman after all."
"No, mommy. Papagalitan l—"
Her mommy stopped her.
"That's the reason why I'll tell this to your daddy," wika nito saka naglakad na palabas ng kuwarto niya.
Napabuga na lamang siya ng hangin sa bibig nang mawala ito sa paningin niya. God, she needs to ready herself dahil mabubungangaan siya ng daddy niya. Napailing na lang siya at tumayo na. Hindi na kumikirot ang ulo niya pero bahagya iyong masakit. Kailangan niyang uminom ng gamot. Kalaunan ay biglang napadako ang tingin niya sa mini-cabinet na nasa tabi lang ng kama niya. At mula roon, may nakita siyang isang baso ng tubig at isang tableta ng gamot. Napangiti siya. Anak pala siya ng mommy niya dahil may pag-aalaga ito sa kaniya.
Nilapitan niya iyon at kinuha ang gamot. Kinuha rin niya ang baso ng tubig. She opened her mouth and put the tablet on her tongue before she swallowed it with water. When she's done, she felt relieved. Ibinaba niya ang hawak saka nagtungo sa banyo at doon nagbawas. After that, she checked her private part. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba dahil kung oo, kailangan niyang mabahala. Iniingat-ingatan niya ang virginity niya at hindi niya hahayaang makuha lang iyon ng iba. Ang gusto lang niyang makakuha ng p********e niya ay ang lalaking magmamahal sa kaniya habang-buhay. She's a virgin since birth kaya ganoon na lang niya ingatan ang p********e niya.
Matapos ang sandaling pag-iisip, naligo na rin siya. Kaagad namang nawala ang sakit at kirot ng ulo niya. Hindi naman siya hangover, marahil ay nakasanayan lang niyang uminom. After taking a bath, she wore decent clothes dahil napagdisisyunan niyang mag-live muna. She misses it, talking to her fans, and answering questions from them. She made herself presentable. She put light make up on her face before she faced on her phone.
"Hello, guys! I'm so sorry kung hindi ako nakapag-live these past few days. You know, busy lang." Then she laughed after saying those words in front of her phone. "I'm really sorry, guys. Baka sa isang araw ay makapag-post ako ng bago kong video. If you want me to travel again, just comment down kung saan niya ako gustong pumunta. Kung saan man iyan, I'll go there..." dagdag niya pa habang malapad ang ngiti sa mga labi.
Matapos magsalita, nag-check na kaagad siya ng mga comment. Dagsa ang mga tao. Marami na kaagad ang mga viewer kaya naman hindi na siya magkandaugaga sa mga binabasa niya. Iyong mga suggestion nila, puro napuntahan na niya. Pero sisikapin niyang makahanap ng lugar na hindi niya pa napupuntahan. Halos nalibot na niya ang buong Pilipinas kaya kahit sa ibang bansa'y pupuntahan niya.
Hindi na niya namalayan ang oras. Halos dalawang oras na pala siyang naka-live. Nakipagkuwentuhan siya sa mga fan niya at sinagot ang tanong ng mga ito. Siyempre, masaya siya. Kalaunan ay nagpaalam na siya dahil kumakalam na ang sikmura niyang hindi pa nalalamanan simula kahapon ng tanghali.
She turned off her phone and went downstairs. At mula sa sala, tanaw na tanaw niya ang daddy niya habang nagbabasa ng magazine. Kailangan niyang magdahan-dahan kung ayaw niyang makita nito. Nang makababa sa ikaunang palapag ng bahay nila, dumapa siya sa sahig. Ang mga tuhod at braso niya ay nakatuon sa marmol na sahig. Ayaw niya talagang magpakita sa daddy niya dahil sesermonan na naman siya nito. Sawa na siya sa boses ng daddy niya. Nagsimula na siyang gumalaw patungong kusina. At kahit mahirap, ginawa pa rin niya.
"Huwag mo na akong pagtaguan pa, Blaire! I already saw you!"
It's her daddy.
Naiinis siyang tumayo at nakita niyang nakatayo na ito habang nakapamewang. Masama ang tingin nito sa kaniya. Kahit na kinakabahan, nilapitan niya pa rin ito.
"I'm really sorry, daddy. Gusto ko lang naman i-enjoy ang sarili ko, e. I'm a human at napapagod din po ako. Kung alam niyo nga lang kung gaano ako nape-pressure sa trabaho ko bilang sekretarya ni Tito Jarred, baka maintindihan niya po ako sa pinaggagagawa ko. Sorry na, daddy." She pouted.
"What did you say? Nape-pressure ka?"
She nodded. "Yes, daddy. I mean, sa mga ginagawa ko. Ang dami kasi." At nagkamot pa siya ng kaniyang ulo kahit hindi naman makati iyon.
"Puwede ka namang huwag na lang magtrabaho kay Jarred, e. Why don't you work in my company? Or in your mommy's restaurant? Matagal ko nang sinasabi sa iyo na kung ayaw mo ng trabahong iyan, just stop working. Naiintindihan kita, anak. Kaya hindi kita papagalitan ngayon," nakangiti nitong sabi saka bumalik sa pagkakaupo.
Napangiti siya. Thank God, hindi nagalit ang daddy niya sa kaniya. Matagal na niyang hindi gusto ang magtrabaho sa Tito Jarred niya pero nagpapatuloy pa rin siya. Tapos siya sa kursong tourism pero hindi naman pala niya magugustuhan iyon. She's thinking kung anong trabaho ang kukunin niya. It's either flight attendant or receptionist. Doon, ma-a-apply niya ang kursong natapos niya kahit nagdadalawang-isip pa siya.
"Aren't you mad at me, daddy?" she asked.
"Bakit naman ako magagalit sa iyo? As what I said, naintindihan kita. Pero sa susunod, huwag ka nang uminom na hindi mo kayang umuwi mag-isa. Si Jarred pa ang naghatid sa iyo kagabi. Alam mo ba iyon?"
Napa-anga siya nang marinig iyon mula sa bibig ng daddy niya. Hinatid siya ng Tito Jarred niya? Paano naman nangyari iyon, e alam na alam niya kung anong oras siya umuwi. No, her daddy was just kidding!
"Hinatid niya po talaga ako rito? Paano? At bakit si tito pa?"
"Yes, he told me na pinasunod niya ang mga alipores niya sa iyo dahil alam na raw niya ang mangyayari. At first, maayos ka naman daw. Pero bigla ka na lang daw natumba kaya hinatid ka na niya rito."
Nakakahiya!
"Bakit nga po pala kayo nandito? Bakit wala po kayo sa company niyo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Natakbo ang kumpanya ko kahit wala ako. I have a trusted secretary. Huwag mo ngang baguhin ang kahihiyaan mo, Blaire. You must learn your lesson. Paano kung wala ang tito mo? Paano kung ma-gang rap— ka ng mga taong nasa bar?"
Pinutol niya ang salitang r*pe. Gang r*pe? Really? Hindi naman yata siya papabayaan nina Danny at Paulin doon, e. Mga sabik din sa alak ang dalawang iyon, e. Hindi siya ma-ga-gang r*pe. Suntukin niya lang ang magtatangka sa kaniya!
"Si mommy po?" Pag-iiba na naman niya ng usapan.
"Umalis na."
"Sige po, kakain lang po ako, daddy."
Tinanguan lang siya nito kaya naman naglakad na siya patungo sa kusina. Nang makarating, kumain na kaagad siya. Marami-rami ang nakain niya dahil kahapon pang walang laman ang tiyan niya. Uminom na rin siya ng paborito niyang mixed smoothie.
Matapos kumain, kaagad siyang bumalik sa kaniyang kuwarto para mag-check ng mga email. Prente siyang umupo sa kama habang nakakandong ang laptop niya. She went in sss and scrolled up. While scrolling up and checking some emails, isang email ang nagpatigil sa kaniyang ginagawa. Pinindot niya ang naturang email at bumungad sa kaniya ang katagang: 'YOU'RE INVITED!'.
Where? Nangunot ang noo niya saka binasa ang laman ng mensahe roon. Habang nagbabasa, unti-unting nangungunot ang noo niya. Hindi naman kahabaan ang liham kaya natapos na kaagad niya. She's invited to go in a private and unknown island located in Batangas. It's called Wild Island. s**t, did she read it right? Nang tingnan niya ulit iyon, hindi siya nagkamali. She's really invited in...
...WILD ISLAND, where your wild fantasies would become true!
TO BE CONTINUED...