1
“Mimi! I'm home!” Blesserie yells when she hops out of her white Maserati, wearing a black yoga pants, a white tank top and her boots.
Gulo ang kanyang maikli at kulot na buhok pero sa halip na magmukha siyang aswang ay nagmukha pa lalo siyang Dyosa na nahipan ng malakas na hangin.
Hila niya ang kanyang traveling bag at malaki ang ngiti.
It's really true that there's no place like home. It's her favorite quotation, more than her favorite Choco mousse, and that's what she feels at that very moment while keeping her steps towards the main door of their mansion.
Saglit siyang napatigil nang mapansin na wala ang best alalay niya na si Collie sa kanyang tabi. She partly tilts her head and there she found her Golden Retreiver. Nakaupo pa iyon sa passenger's seat ng kanyang kotse habang nakalabas ang dila.
“Hey, hop out now there, Collietot! We're home.” Utos niya sa alaga na mabilis naman na tumalon mula sa convertible car.
Kasama niya iyon sa London sa apat na araw niyang business gathering, plus dalawang araw na pagsa-shopping.
Wala naman siyang binili liban sa mga damit para sa Mommy at Daddy niya, mga abuelo, sa mga batang nasa orphanage, sa Tita Thelma niya, sa Tata niya at higit sa lahat sa kanyang anim na taong gulang na kapatid na lalaki, si Cloud Benedict na kung tawagin naman nila ay Porkchop.
She loves her brother so much and they're attached in everything. Magmula sa pangalan nila ay magkakabit sila hanggang sa pet name. She was a blessing and a gift and her brother is from heaven that is why he's named Cloud up in the sky, and Benedict came from benediction which is a ceremonial prayer for divine protection—still from heaven. Liempo means she's fatty and Porkchop means meaty.
“Tete Liempo!” Nakangising takbo papalapit ng kaisa-isa niyang kapatid na walang kasing taba at kamukhang-kamukha din naman ng Daddy niya.
“Hi Porkchop! Did you miss ate?” Kinarga kaagad niya iyon habang tatango-tango sa kanya, at saka naman niya nasilip ang Mommy niya na papalabas ng dining room.
“Nakauwi na pala ang baby ko. Bakit hindi ka tumawag para sana nasundo ka namin?” Her mother smiled while taking her steps toward Blesserie.
“Never mind, Mi. Ayoko na maabala pa si Didi. By the way, where is he?” Inakbayan niya ang ina at hinalikan sa labi. “I miss my kiss for days. Babawi ako.” She giggled and counted her kisses for her Mom. Anim na araw siyang wala kaya anim din na halik ang ibinigay niya.
“Tama na anak.” Humahagikhik din na awat ni Louise sa kanya.
“Si Didi?” Ulit niya habang si Cloud naman ang hinahalikan.
“Nasa office. Kaaalis lang kasi may balita siyang natanggap nitong nakaraang araw na parang may lalabas daw na rival ang kumpanya at ang target daw ay sulutin ang negosyo natin.” kibit-balikat nito na ikinangunot ng noo niya.
Napatigil siya sa paglalambing sa batang lalaki at tumingin siya sa ina na parang walang pakialam.
“Meaning? Magtatayo ng negosyo at papasukin ang mga bansa na kung saan may planta tayo? Is that what you mean, Mi?” Wala man lang siyang kakaba-kaba sa balita na iyon dahil sisiguruhin niya na hindi niyon malalampasan ang negosyo nila.
She's open for rivalry. It is a healthy competition anyway, huwag lang ang maririnig niya na parang may balak na pabagsakin sila nang patalikod ng lintik na taong utak ng tsismis na iyon at baka makatikim sa kanya ng sipa sa panga.
“Ewan ko. Wala naman akong alam sa ganyan, baby. Ang sabi yata ay balak na bilihin ang kumpanya natin.” Kibit balikat nito na ikinagulat na niya.
“Hell no!” mura niya kaya napaantanda ng krus ang Mommy niya.
Natutop ni Blesserie ang bibig at tumingin kay Cloud.
“Hell no!” Gagad niyon sa sinabi niya kaya hindi niya alam kung matatawa siya o hindi. “Kacking Christ!” Dugtong pa niyon kaya tuluyan siyang natawa habang ang ina niya na parang dinaig ang Santa sa pagkabait ay hindi malaman kung anong gagawin.
“Ayan na. Namamana na sa inyo ang ganyan.” Anito na naiiling pa. “That's bad, Porkchop.”
“Oh no, Mimi. I always hear Daddy say those words and he said it's okay. Yesus! Kack! Demmit! Holy kack! Sit! Motherkacker!” saglit iyong nag-isip at siya naman ay wala ng tigil sa paghagikhik.
Her brother is just so really cute. Kabisado na yata nito ang lahat ng mura ng Daddy nila.
Nawala ang ikinaiinis niya tungkol sa balita ng Mommy niya at nauwi na sa pagtawa dahil sa kapatid niyang walang kasing bibo.
“Masama ‘yan. Halika na at maliligo na. Never say those words again, Cloud. Hindi maganda’ ‘yan. You're too young to curse and it's a bad habit.” Kinuha ni Louise ang bata sa kanya.
“And when I turn to a big guy already, I can curse, Mommy. I'll wear ties and coats, too like Daddy, ‘di ba, Tete?”
“Yes!” kunsinti naman niya.
“I want to be like him. He's so handsome and burly. Marami akong magiging asawa kapag katulad ako ni Daddy na handsome.”
“Diyos ko!” Naitirik ni Louise ang nata at siya naman ay tumawa nang malakas.
“Oo naman. Magiging babaero ka rin.”
“Blesserie!” Mabilis na saway ng Mommy niya na ikinahagikhik lang niya.
She kissed her mother, and then Cloud. “Joke lang naman, Mi. Alam ko naman na ikaw ang nagpatino kay Daddy.” Aniya pa rito bago niya kinusot ang buhok ng kapatid na tumawa lang naman.
She's a witness to her father's undying devotion to her mother, her Dad's fascination and of course his love.
“Sige na Mi, paliguan mo na. I will stay here and see what I've got for the orphans.” Aniya sa ina na tumango naman.
“Sige para naman maging masaya ang nga bata ro’n. Call your Tata and ask for assistance. Don't stress yourself about that rumor, ha. Take enough rest, Liempo.” Paaala nito sa kanya nang ibagsak niya ang sarili sa sofa.
“I will never freak out about that, Mi. I don't fear anyone and they must fear me. Once I confirmed it, I'd look for that enemy and crush his balls or pinch her clit.”
“Diyos ko.” Naitirik ulit nito ang mga mata saka umiling.
Mabilis niyon na inilakad papalayo si Cloud.
Sanay na sa kanya ang lahat ng tao sa bahay na kahit babae siya ay ganoon siyang magsalita. It is her naturalism and she doesn't want to hide it just to build a wholesome image of a lady CEO. She's fierce and bold. Iyon ang naging epekto sa kanya ng pagkakaroon ng buo at masayang pamilya. Mataas ang self-confidence niya at kahit na kaninong pilato siya iharap ay kaya niyang tumayo nang nakataas ang noo, tuwid ang likod at hindi nalalaglag ang balikat. She's proud to be a Zaragosa and so proud of her family. Marami man ang nagsasabi na bunga siya ng rape ay hindi niya iyon pinapansin kahit na alam niyang totoo.
She believes her mother and the reason behind why her Dad did that. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng ibang tao hangga't wala naman siyang naapakan. Matatag siyang babae pero hindi naman siya mayabang. She's just like her father. Maangas na tingnan pero malambot ang puso at ang mga paa ay nasa lupa pa rin nakaapak.
Kung hindi ba siya mabait ay hahayaan ba niya na mapabilang ang mga tiyuhin niya sa kumpanya kahit na alam naman niya ang laki ng kasalanan ng mga iyon sa Daddy niya?
Kailan na lang ba nagbago ang mga iyon at tinamaan ng nipis ng mga pagmumukha? Noon na lang na dumalaw siya sa kulungan, nine years old siya. Pumirma siya sa kasulatan na may share ang mga iyon sa kumpanya na pamana sa kanya ng Lolo Handsome niya at ibinibigay niya ang kalayaan na magdesisyon kung ano ang gagawin ng mga iyon sa shares of stock. Wala pa siyang muwang noon pero busog siya pangaral ng Mommy at Daddy niya kaya malinaw sa kanyang isip ang pagpapaubaya ng thirty percent shares sa tatlong iyon, na ngayon ay umaabot na sa 120 billion kung susumahin sa pera.
Napasimangot si Blesserie nang maalala ang sinabi ng Mommy niya tungkol sa isang malakas ang loob na kalabanin sila. She doesn't care if the badass will build the same business. What she hates is about the thought that it sounded like it was intended to compete with their company.
Anim na taon pa lang siya ay mulat na ang mga mata niya sa mundong ginagalawan ng kanyang ama na isa sa pinakamagaling na businessman sa buong Asya, kaya palagi silang nagta-travel sa ibang bansa sa mga special events. Wala pang nangangahas na kumalaban sa Daddy niya at malala ay pag-interesan na bilihin ang kumpanya na dugo at pawis ng abuelo niya ang ipinundar. Iyon ang kumpanya na isinuko ng Daddy niya para sa kapakanan nila ng Mommy niya noon, at hindi niya hahayaan na may mag-iinteres doon.
She will give a damn fight just to keep the company in her hands. It is for her family, mostly for her younger sibling. Bata pa si Cloud at gusto niya na kung anong sarap ng buhay at ginhawa ang naranasan niya ay ganoon din ang kapatid niya. She lives for that company--and the heart of it is her family.
Inis na sumimangot siya hanggang sa marinig niya ang yabag ng paa ng lolo niya sa hagdan kaya agad siyang tumingin doon.
Mukhang kagigising pa lang niyon at hawak ang cellphone.
“Lolo,” Ngiti niya sa matandang ama ng Daddy niya.
“Hi darling. You’re home. How’s the trip? Any suitor?” Ngisi niyon kaya nanulis ang nguso niya.
Suitor? Yuck! In her nightmare.
Tatanda nang makasampu ang lalaking magkakagusto sa kanya.
“I’m still young, Lolo.” Rolyo niya ng mga mata kaya humalakhak iyon.
“And stable.” Dugtong niyon habang papalapit.
Yeah right.
Kahit na kaapu-apuhan niya sa kuko ay siguradong stable ang buhay sa hinaharap sa ganda ng tindig ng lahat ng negosyong hawak niya.
Hindi niya alam kung anong swerte ang meron siya pero talagang ang laki ng pumapasok na pera sa kumpanya. Ang dami niyang deal na naisasara kung saan triple ang pasok ng pera.
Hindi naman siya graduate ng business related course dahil isa siyang Education student sa Preschool. Kumuha siya ng short term course para maging isang Dance Instructress. Ang hilig niya ay magturo ng sayaw, ng Yoga, Sumba, mga Meditation sessions at hindi ang tungkol sa liquidation ng isang kumpanya kapag magsasara na o pagahahati ng mga dividends.
The only benefit and knowledge that she acquired was when her father trained and taught her personally how to work on journals, ledgers and worksheets. Nang nakasal ang mga magulang niya ay nag-umpisa na rin siyang makakilala ng nga numero at ng tungkol sa kung paano maging isang CEO.
The best teacher were her Lolo and her Daddy—no doubt.
Naupo ang matanda sa tabi niya at saka siya hinalikan sa ulo.
“Finally, you’re back. May mga businessmen na gustong sumali sa Sumba dance lessons mo at mag-relax. This will make you richer, apo.”
“Lolo, kahit walang bayad pwede silang sumali. Kaya lang mayaman naman sila, sige magbayad na lang pala. Sayang ang pera. Mga orphans lang naman ang libre sa dance lessons ko.” She wriggles her shoulders.
Tumawa ulit ito at umiling.
“Maanong mga binatang lalaki naman ang sayawan mo para naman magka-boyfriend ka na.” Ungot na naman nito sa boyfriend topic.
Lahat ay kinukulit na siyang mag-boyfriend. Noon, ang Daddy niya na galit na galit nang magregla siya ay hinahanapan na rin siya ng manliligaw ngayon.
Simula ng makapasa siya sa board exam at English proficiency sa pagkateacher ay iba na ang hinahanap ng mga magulang niya sa kanya, lalaki na!
No way! Wala pa siyang balak na masundot at lumobo ang tiyan. Baby pa siya sa pakiramdam niya at kakapunin niya ang mangangahas na manligaw sa kanya. Rectum lang ang walang latay kapag may nagkamali sa kanyang magparamdam.
“Sasayawan ko sila Lolo pero may hawak akong samurai o kaya karit ni kamatayan.” Aniya sa lolo Isaac niya halos maluha na sa pagtawa.
Napangiti rin siya sa sariling kapilyahan. Hindi naman siya tomboy at nasobrahan nga siya sa pagiging babae kaya lang allergic siya sa lalaki.
Minsan siyang nagka-crush sa isang lalaki na halos hindi na niya matandaan ang pagmumukha ng hinayupak na iyon. She was six when her adrenaline rushed for a certain guy who was inside the ball room. At a very young age, she noticed the man's gorgeousness and that cocky bahavior of that stranger. He was snobbish. Ang yabang niyon nang pumasok sa party at nakanganga niyang sinundan ng tingin tapos sa huli nang tanungin niya ang pangalan ay Dracula raw.
Bwisit ang walang hiya! Tinakot pa siya at napakasinungaling.
It was an innocent feeling of admiration for a stranger. Iyon ang hilig niya, mga lalaking suplado na kapag nagkagusto na sa kanya ay hindi na niya pinapansin at sukang-suka na siya.
Ang huli niyang crush ay si Clark. Isa iyong Chemical Engineering student na ahead sa kanya ng apat na taon. Ngayon ay nasa kumpanya nila iyon nagtatrabaho at pinapag-aral ng Daddy niya. Nakabase iyon sa Saudi at doon nagapapalaki ng itlog at nagpapahaba ng balbas. Patay na patay siya sa lalaking iyon na kasingkapal ng windshield ng Maserati niya ang salamin sa mata. Isnabero kasi iyon kaya type niya pero nang padalhan siya ng tula na tinalo si Shakespeare sa kabaduyan, inay ko, hindi na niya pinansin ang lalaki hanggang sa makapag-graduate na at pinadala na ng kumpanya sa Saudi.
“Nga pala, Liempo, pilitin mo naman ang lolo Itim mo na lumabas ng Manila. We never bonded for quite a while now. You know how I love to be with that man and I love him more than my kumpadres.” Pakiusap nito sa kanya na mukhang bored na nga sa buhay nito.
Kapag bumibisita kasi ang lolo Itim niya galing sa Batangas, nawawala ang mga ito at kung saan-saan pumupunta. Para itong mga teenagers na nagliliwaliw at nagro-roadtrip. Nang minsan nga ay sermon ang inabot sa Mommy niya dahil naumagahan sa isang beer house. The funny thing was, parehas na may kalong na babae ang dalawang matanda at ang kwento ng bodyguard sa Mommy niya ay himas daw nang himas sa ilalim ng palda ng mga GRO ang dalawang gurang.
Yayk! Anong hinihimas ng mga ito roon? Kulani? Kulani na mukhang mani!
“And where to this time, lolo? To a brothel?” Tinaasan niya ng kilay ang lolo na sumenyas kaagad na huwag maingay saka tumingin sa itaas ng hagdan.
“Your Mom might hear it. She might get mad again. Baka hindi niya payagan ang Papa niya na bumisita.” Kontrata nito sa kanya kaya natawa siya.
Silly old men.
“Okay. I'll call him and ask him to come. Hindi naman iyon tumatanggi sa akin. And I also want to give him something. Ikaw lolo, meron din akong binili sa iyo.” ngiti niya rito kaya sincere itong ngumiti pabalik saka hinaplos ang tuktok ng ulo niya.
“Thank you. You never changed a bit, still the sweetest girl lolo has ever known. I adore your Mom for guiding ang raising you like this and someday, you must follow her footsteps when you already have your own family. Family first before anything else.”
She knows and she adores her Mom, too. Lahat ng ginagawa niyon para sa kanila ay nakatatak sa isip niya at iyon ang gagawin niya pagdating ng panahon. Her mother's support is undying. She's there in every step of the way as well as her Dad. Palaging magkasama ang dalawa na iyon sa pagsuporta sa kanya noon at iyon ang klase ng pagsasama na gusto niyang magkaroon siya pagdating ng tamang panahon.
That's the reason why she doesn't dally. Hindi siya naghahanap ng lalaki na ipupukpok niya sa kanyang ulo at malala ay pupukpukin din siya. She wants a perfect relationship one day, and that day is quite too far from today.
Wala sa isip at puso niya ang pag-aasawa at kung hindi lang din katulad ng Daddy niya, huwag na lang. She wants a superband and not just a lousy asshole husband who will beat her face and leave marks on her smooth skin.
Sayang naman ang lotion niya at ang lahat ng pampaganda kung dudungisan lang ang magandang kutis niya.