2

2753 Words
2     Looking at the papers in Harry’s hands, a smug smile paints his handsome face before he looks at the three Zaragosas who are in front of his table. “Why so fool, dickheads?” Umiiling na prangkang tanong niya sa mga lalaki na nagkatinginan pa. Hawak ng mga iyon ang kanya-kanyang sobre na may lamang bilyong halaga ng pera galing sa bulsa niya, kapalit ng tatlong shares sa ZAROMC. Personal niyang kaharap ang tatlo na kalalaya lang daw noong isang araw matapos ang halos ilang taon ng pagkakulong. Doon na tumanda ang mga ito sa loob ng kulungan at doon na rin daw tinubuan ng isip. Really? May isip ba ang tatlong lalaki kung ibenenta ang shares na nasa isang kumpanya na, na mataas ang income taon-taon at stable ang takbo? Taking risk is more likely a suicide. Paano ng mga ito naatim na kunin ang mga shares at mukhang wala namang siguradong paglalagyan? “We aren't dickheads anymore, Mister Rothschild. Since our niece turned nine, she already gave us the opportunity to decide what we must do about our share of profits inside the company.” Sagot ng isa na sa pagkakakilala niya ay Morgan ang pangalan. Nine? That young? Kaya ba nabilog ang ulo niyon kasi batang-bata pa ay nagdesisyon na? Kung siya iyon, ni isang porsyento ay walang makukuha ang kahit na sino. “We have our personal reasons for selling our shares. We're trying to stand on our own and to never rely our future in our niece’s hands.” Philip added. Future? Nanatili siyang nakamasid lang. Anong future ang naghihintay sa mga ito ay mas matatanda pa ito sa mga kamoteng nalipasan na ng panahon sa ilalim ng lupa? Inugatan na at nanigas, mga tanga pa rin? Ang future ng mga ito ay malapit na sa ataol. Baka mag-i-invest na sa funeral homes at sa mga casket plans. “Uhm—” He nodded. Ano namang pakialam niya? “Good luck.” Maikling sabi ni Harry. Sa tingin niya ay wala ng mas magandang investment pa bukod sa ilagay ang pera sa isang kumpanya na katulad ng ZAROMC kaya matapos niyang makita ang financial status ng kumpanya ay hindi na siya nagdalawang isip na kunin ang shares of stock ng tatlong kapatid ni Cayden Hector. He was even planning to buy the entire company but his lawyer said that there's definitely no chance for that matter. Sigurado raw iyon na hindi ipagbibili ni Miss Zaragosa ang almost 70 percent niyon sa kumpanya na times three sa halaga ng binayaran niya sa tatlong mga legitimate children ng matandang Zaragosa. “We will build a casino.” Ngisi ng pinakapanganay sa lahat at halos pabulong pang sinabi sa kanya kaya napamaang siya pero hindi ipinahalata. Still the same old monkeys made for monkey businesses. Naluto na yata ang mga utak nito sa loob ng selda kaya parang hindi na makapag-isip nang matino. Inalis ang pera sa isang kilalang kumpanya na bilyong halaga ng kwarta ang pumapasok taon-taon at i-i-invest lang sa pasugalan? “I hope you won't regret it.” Kibit balikat niya. “Just make sure it's legal. Baka sa kulungan na kayo mamatay.” Aniya saka tumaas ang isang sulok ng labi niya. “Nagtatalog ka?” Tanong pa ni Morgan sa kanya. “My mother is a Filipina. I’ve lived here for almost six years before I settled down in Germany. I am Lourd Harrison Mendoza Rothschild.” Pakilala niya sa sarili. Tumango-tango ang tatlo at hindi na rin naman niya sinundan pa ang mga sinabi niya kaya nagpaalam na rin ang mga iyon kasama ang sariling abogado. Harry's first intention was to become a rival of ZAROMC but in the end he chose to become a part of it by having a share. Mas maganda na huwag na siyang magsimula sa zero at pasukin na lang niya ang isang negosyo na bilyon na ang pumapasok na pera at kapag nagkataon, baka makuha niya ang kabuuan ng ZAROMC. Wala na siyang kahirap-hirap na magtayo pa ng mga planta at humarap kung kani-kanino para sa business permits na kailangan niya, maghanap ng manpower. Sa ginawa niya, prente lang siyang nakaupo at malamang na ngayong buwan ay mily0n na ang papasok na halaga ng pera sa kanya. When he studied it so well, he never became so hesitant about coming home again after almost a decade. Nabuo ang pasya niyang sumugal sa negosyo ng mga Zaragosa. Nasa sampung taon na siyang hindi nakakatuntong sa Pilipinas o mas higit pa at ngayon na lamang ulit. Nang onseng taon pa lang siya ay umuwi siyang mag-isa sa ina niya na may iba ng pamilya. Nakakatatlo ng asawa ang ina niya at hanggang ngayon ay hindi kasal sa mga bagong asawa. Matapos niyong ma-divorce sa Daddy niya ay kung kani-kanino ng lalaki napunta. Ang ama naman niya ay ganoon din. Kung sino-sino ang naging babae kaya lito siya kung kanino ba sasama hanggang sa mas piliin na lang niya ang walang samahan sa kahit na sino sa mga iyon na parang parehas namang hindi siya minamahal. Lumayas siya pero nang mabalitaan niya na nagkaroon ng mild stroke ang Daddy niya ay napilitan siyang umuwi para tanggapin ang posisyon bilang successor ng lahat ng negosyo nila. He was eighteen then, still having a hazy mind where to stand at that point in time. His parents’ relationship is the very first reason why he still doesn't settle down. Ang mga babae niya ay kaliwa’t kanan din ang panlalalaki at wala siyang pakialam doon. Basta napapayapa ang p*********i niya ay masaya na siya, may humihilot sa noo niya kapag stress sa trabaho, may humahaplos at may umiibabaw na walang saplot, umiindayog sa ibabaw niya at may sumusubo pa. Para sa kanya ganoon na yata talaga ang routine ng buhay, ang hindi makuntento sa kung anong meron lang. He will dance to the tune of his music and play his dirty games with the dirty whores around the globe. He travels, he f***s. Kung sampung araw siya sa Spain, doble ang babae niyang nakukuha sa bilang ng araw na maglalagi siya roon. Kapag nagkasumpungan sila at may spark pa, babalik ulit sila sa kama. He says hi, he will have s*x, and then goodbye. That's his life and he loves being dirty. Doon niya nakukuha ang kakuntentuhan, sa pakikipaglampungan. Nakakakuha siya ng atensyon at pagmamahal sa mga babae niya na hindi naibigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Noon hinahabol niya ang kanyang Mama pero nang lumaon ay ikinahihiya na niyang maging ina iyon na tinalo ang kati ng higad sa dami ng lalaki, na parang balewala lang kung magkita sila o hindi. Kaisa-isa siyang tagapagmana sa side ng Daddy niya at mayroon naman siyang tatlong kapatid sa side ng ina niya, tatlong kapatid sa tatlong iba’t iba rin na lalaki. Holy Christ. Hindi pa niya nasisilip ang mga iyon at baka sa puntahan din niya pagkatapos niyang makapagpakilala sa kanyang bagong business partner na si Blesserie Gift Zaragosa. Blesserie Gift Zaragosa is his new prospect, his new target. He wants to see that six year old chubby girl. He wants to see how she’s changed herself. Wala siyang nakitang mukha sa internet tungkol sa mukha ng ZAROMC. Funny because she’s too famous but her pix are highly confidential, needing approval to see how beautiful she is as she grew up. Naku-curious siya sa kung gaano ba iyon kaganda na kailangang itago ang mukha sa walang kamatayan niyong brown full bangs. Palagi na lang na buhok ang kita sa litrato at kung may mukha naman, panga lang. Aanhin niya ang panga? Gusto niya buong mukha. Demit! Cute iyon noon, mataba pa rin kaya ngayon? Bilib siya sa talino ng batang babae na bente pa lang pero parang singkwenta anyos na matanda sa pagpapatakbo ng isang pagkalaki-laking kumpanya. Harry will meet her as soon as his lawyer sends the documents and presents it to Miss Zaragosa’s very eye, that he—Lourd Harrison is one of the newest stockholders of ZAROMC, the Prince of Germany, the Lord of Rothschild Business Empire, ready to shake that little girl's world and that little girl’s p***y. Ngumisi ulit siya at saka tiningnan ang mga legal na dokumentong hawak niya. It’s really true that business is sweeter when mixed with a little dust of lecherousness.       Gigil na hindi malaman ni Blesserie ang gagawin sa tatlong ulupong na nasa harap niya ngayon. Dinaig pa niya ang babaeng nasa loob ng World Trade Center nang pasabugin iyon ng isang suicide bomber nang kahapon ay gulantangin siya ng isang abogado na si Carlito dela Vega. That old man was carrying a file—file which made her blood pressure rise. Ang mga walang hiya niyang tiyuhin, kalalaya pa lang sa kulungan ay ibinenta na ang shares of stock sa isang lalaking may interes na sirain ang kumpanya na pinaghihirapan niyang asikasuhin. “I hate all of you!” galit na sigaw niya kina Dawson, Philip at Morgan habang kaharap ang Daddy niya at ang kanyang Lolo. Dinaig ng tatlong kwago ang nasentensyahan ng parusang bitay sa bigat ng binitiwan niyang salita at kung paano niya iyon isinampal sa pagmumukha ng tatlo niyang tiyuhin. She's aware that her Uncles changed from wicked men to good men. Sa haba ng panahon ay nagdesisyon ang Daddy niya at lolo na palayain na ang mga iyon sa kulungan makalipas ang katorseng taon. Doon na nagkauban ang mga ito na ngayon ay ngali-ngali niyang kalbuhin dahil sa sobrang inis niya. Kukurap-kurap ang mga iyon at patingin-tingin sa kanya. Those men never feared her father but fear her in this generation of life. “Sorry na, baby. Panahon na rin para tumayo na kami sa sarili naming paa at huwag ng iasa sa'yo ang paglago ng pera namin sa kumpanya. You were contributing time, effort, knowledge and skills, and we’re even profiting without contributing anything. Kung noon hindi kami nahiya sa Daddy mo, nasaan naman ang hiya namin sa bente anyos na babaeng bata na kagaya mo?” Malumanay na sagot ng Uncle Dawson niya pero napatalikod siya, tutop ang noo. Umiiyak na pumiksi siya at kinusot ang mga mata. Madalas pa rin naman kasi na kilos bata siya at isip bata pa rin, pero pagdating sa negosyo ay tumatanda siyang mag-isip. “I am not expecting anything in return!” masama ang loob na tumulo ang luha niya. “Mommy never raised me to love and give to have something in exchange. I have the capability to run this multibillion company, sharing the profits to my family—only for my family and not for anyone else who's not even blood related to me!” Inis na pakli niya at hinarap ulit ang mga ito na lalong mga nagmukhang basang sisiw. “Nagpapakahirap ako kasi masaya naman ako na mga tiyuhin ko ang nakikinabang sa pagod ko pero sa isang iglap, all of you dumped my effort! You just threw it all away just like that! Alam niyo na kayo at ako lang ang stockholders ng kumpanya pero ngayon ay may pinapasok kayong ibang tao! Ang nakakainis pa, you never even consulted me. You should've asked me to buy those shares if you wanted to step out of this company! Ako na lang sana ang bumili.” Hikbi niya sabay pahid ng mga luha. “Enough, princess.” alo ng Daddy niya nang hindi iyon makatiis at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito nang buong pagmamahal at hinalikan sa ulo. “Mommy won’t love to see your eyes popping out. She’ll cry, too.” Anito sa kanya. It’s so true. Ayaw ng Mommy niya na umiiyak siya dahil nauuna pa iyon na sumama ang loob, pero hindi niya kayang tumigil sa pag-iyak ngayon. “Sorry, baby.” Sabi pa ng Uncle Morgan niya pero umangil siya at pumadyak ang paa kaya yumuko iyon at naitago ang mga labi. “Bibilhin na lang namin ulit. Ibabalik namin ang pera. Huwag ka ng umiyak. Alam naman namin na hindi ka papayag kung sinabi namin sa iyo. Either of the two, we know you'll never grant any. Kung sinabi namin na ipagbibili namin, hindi ka papayag. Kung inalok namin sa iyo, mas lalong alam namin na hindi ka papayag dahil ang sasabihin mo ay gusto mo kaming kasama rito. We know how good you are. Kung iba lang na pamangkin baka hindi na nga kami binigyan ng 30 percent na share.” anaman ng Uncle Philip niya. She sniffs and shakes her head against her father's chest. “Talagang hindi ako papayag! This is the only thing that connects all of us. Higit sa pera at stocks ang ipinaglalaban ko, Uncle. This is Zaragosa Oil Mine and Corporation, and this belongs to a Zaragosa, not to a badass Rothschild whatever damn he is! Now what? Hindi naman kasi kayo nag-iisip. Inisip niyo ang pride niyo pero ang pinakapuso sa lahat ng ginagawa ko ay hindi. I want our family to be intact. I want us to stay connected and not to walk out on each others’ lives! Paano kung hindi na niya tanggapin? Paano pa? Paano na?” Mas lalo siyang napaiyak. Mas lalo lang na parang tinamaan ng hiya ang mga kwago niyang tiyuhin. “I am so damn disappointed. Hindi ko akalain na ganito ang gagawin niyo sa bata.” Salo ng lolo niya. “Dad—it was unintentional. Hindi naman namin gustong saktan si Liempo.” Paliwanag ng Uncle Dawson niya. “Pero nasaktan niyo na. Look at her. Look at her tears!” Tumaas na ang boses ng lolo niya kaya pinahid niya ang mga luha at tumingala sa Daddy niya. “Whatever comes in here, Daddy will always have your back, just like the old days.” Ngiti ni Cayden sa kanya kaya tumango siya. Blesserie knows that. “Thanks, Di. I know that.” She smiled at her Daddy. Pumihit ulit siya papaharap sa tatlong tiyuhin na parang hindi naman makatingin sa kanya. “I’ll buy it back. Ako ang kukumbinsi sa CEO ng Rothschild Empire na ipagbili sa akin ang shares. I’ll do that if you promise me that you’ll buy it back.” She demanded the three old men. “Hindi lang ‘yon basta shares of stock! It’s  a thread that connects us!” Pinagtaasan niya ito ng boses kasabay ng paghikbi niya. Dawson, Philip and Morgan all nodded in unison. “We promise, sweetheart. Kahit twenty percent na lang ang bilhin namin. Kung gusto mo ng connection lang ng pamilya natin, we won’t cut the thread. I am sorry if we did. We thought it would be fine with you but we were wrong.” Umiiling na hingi sa kanya ng paumanhin ng Uncle Dawson niya. Nanulis lang ang mga labi ni Blesserie at parang bata na sumimangot. “We’ll try to talk to him and convince him to resell the stocks. Nasa amin pa naman ang pera at hindi pa naman nababawasan.” Parang naaawa naman na sabi rin ni Morgan sa kanya kaya ngumiti si Blesserie kahit na paano. Sapat na ang nakikita niyang pagsisisi sa mga mukha nito para gumaan ang pakiramdam niya. Alam naman niyang nagbago na ang mga Uncle niya kaya lang hindi yata naisip ng mga iyon kung gaano niya kamahal ang kumpanya na hindi lang naman siya ang nakikinabang. To every profit and income, there’s this share allocated for her orphans. Patuloy man ang pamamayagpag ng Masked Bachelors sa pagrampa para sa mga batang ulila at kapos palad, may sarili rin siyang paraan para makatulong din. Hindi lang Zaragosa ang nakikinabang sa pagod at hirap niya, bukod sa mga empleyado ay maraming bata ang umaasa sa kanya kaya paano niya ibebenta ang share niya sa gunggong na lalaking iyon na ang sabi ng abogado na lumapit sa kanya ay dodoblehin daw ang presyo ng share niya. She has to name her price and she’ll have it. But she said, Sorry. I don’t sell my heart to some dumbass who doesn’t have a face, hiding behind his professional lawyer. The company is her heart and if she gives it up, it’s like marrying the worst guy in the entire Universe.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD