Twenty-five Halos tabigin ko na si Papang dahil sa sobrang excitement nang makita ko sa labas ng gate ang bestfriend ko. Ako na ang nagbukas ng gate at nang makalabas, halos lundagin ko na ito at mahigpit na niyakap. "Hoy! Ang bigat mo! Hindi ko ine-expect na baboy na ang bestfriend kong babalikan ko rito sa lugar na ito." Natatawang sabi nito habang ako buhat-buhat na nito at mahigpit na nakayakap dito. "Ang pangit mo pa rin hanggang ngayon." Umiiyak na naman ako. Kung kanina ay dahil kay L.A, ngayon naman ay dahil kay Mauro. Limang taon ko rin itong hindi nakita. Walang paalam, basta na lang nawala. "Akala ko bula ka!" "What?" "Bigla ka na lang kasing naglaho." Sabi ko rito na umayos na ng tayo. Natatawang tinap nito ang buhak ko. "Jas!" ngiting-ngiti pa rin ito. Hinila ko