Prologue

1031 Words
My Boss Is My Ex Husband #MBIMEH A novel by: AdicQueen09 All Right Reserve 2018 Book 2 titled: Boyfriend ko si Kamatayan (Available on my stories check it on my profile it's already complete) Genre:Fiction / Romance / SPG / Thriller. 18+ This book is a work of fiction , Names and Characters , Some places and incidents are products of the author's imagination and are used factitiously , Any resemblance to actual events , places or persons , living or dead is entirely coincidence. ******************************* "MANONG SA TABI NA LANG PO!" sigaw ko. Naglabas ako ng singkwenta pesos at binigay iyon sa trycicle driver. Halos mabaliw ako sa kakatakbo, Nagmamadali akong pumasok sa office ng inaaplayan kong trabaho. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid sapagkat hindi ko kabisado ang malaking building na ito. Pumunta ako sa information desk at agad na nagtanong sa babaeng naroon. "Nagstart na po ba ang interview para sa secretary?" balisa kong tanong. Isang oras na akong late, patay ako kapag hindi ako natanggap dito. Last chance ko na ito. Nakaka-ilang apply na ako ngayong umaga, sa apat na company na pinuntahan ko ay rejected ako. Kapag hindi pa ako natanggap dito ay baka ma-uwi ako sa wala. "Ms. Czarina Mallari Rodriguez," pagtawag sa pangalan ko ng isang babae, nilingon ko siya. Ibinigay ko ang folder na hawak ko at binasa niya. "Czarina Rodriguez, Graduated in Academia, Separated..." bigla siyang tumingin sa akin. "27 Years old," aniya. Bakit parang hindi kapani-paniwala na separated ako? "Okay, Miss Rodriguez, this way sa office ni Sir," sabi ng staff na babae. Napangiti ako. I need to do my best. This is my last chance. Sana matanggap ako dahil kailangan na kailangan ko ng pera ngayon. Ang Mama ko kase ay nasa hospital at may leukemia, kailangan ko ng pera para sa Chemotherapy, hindi siya pina-chemo dahil kailangan daw muna ng bayad. Delikado na ang lagay ni Mama at mas lalala kung hindi siya makapagpa-chemo this week. Kailangan nang gumaling ni Mama. Ang dami na rin naming utang kaya kailangan ko talaga ng pera. Lahat ng naipon kong pera mula noon ay naubos na dahil sa hospital bills. Medyo kinakabahan pa ako na pumasok sa office ng boss nila, dahil baka biglain ako, ganoon kase sa mga interview. Tatanungin agad na 'Why should I hire you' tapos kapag hindi maganda ang sense nila sa'yo, out ka agad. Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto. "Good Afternoon po, Sir." Lumapit na ako sa table niya. Nakatalikod ito habang nakaupo sa swivel chair, maraming folders ang nakalagay sa table niya. Siguro mga resume 'yon. Medyo madilim din itong office ni Sir, nakasarado ang lahat ng bintana at nakababa ang mga kurtina. Ang dilim. Huminga ako ng malalim, ramdam ko ang pangangatog ng binti ko. Kailangan ko kapalan ang mukha ko, kung hindi kayang daanin sa talino, daanin sa paawa. "Sir, parang awa niyo na po, tanggapin niyo na po ako, gagawin ko po lahat. Masipag po ako at ma-abilidad! Kahit mahirap na trabaho, kakayanin ko. Kailangan na kailangan ko lang po talaga ng mabilisang pera. Please, sir! Tanggapin niyo po ako sa kumpaniya niyo," pagmamakaawa ko at napayuko. Nakakahiya man pero kailangan, desperada na ako. Naramdaman ko ang pagharap ni Sir sa akin. Napaangat ako ng ulo, napaatras ako bigla. Yung kaba ko ay napalitan ng sakit. "It's nice to see you again, my Wife. By the way... you're hired," sabi nito at ngumisi sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kung anong galit. After 5 years? No! Hindi ako papayag na maging boss ko siya! Sinira niya ang buhay ko. Sinira niya ang buong pagkatao ko. "I-I Quit!" nauutal kong sambit at akmang aalis na pero pinigilan niya ako at tumayo siya. "No! Stay here, wife," sabi nito. Napatingin ulit ako sa kaniya. Nangaasar ba siya?! Napakatanga ko rin para hindi malaman na sa kaniya ang kumpaniya na 'to. It's been years, I didn't know na CEO na siya. "Shut up, Blake," inis kong sabi. Bigla siyang lumakad papalapit sa akin. Agad akong tumakbo papunta sa pinto. Hawak ko na ang doorknob pero biglang sinandal ni Blake ang kamay niya sa pinto dahilan para hindi ko ito mabuksan. "Hindi mo na ginagamit ang apelyido ko, why?" tanong niya. Napatawa ako ng mahina at hinarap ko siya. "Tinatanong pa ba 'yon? Pwede ba, Blake. Hiwalay na tayo, tama na! Move on!" sigaw ko. Akmang bubuksan ko ulit ang pinto pero na-corner niya ako. Napakalapit ng katawan niya sa akin at ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. "You came here for work, huh?" "Yes, sadly, I don't want to work with you." "I'll give you twenty thousand cash, you said you needed it. It will be an advance payment." Para bang tumaas ang tenga ko sa laki ng perang ino-offer niya. Napalunok ako at napa-isip. "You're applying for secretary? You will be my secretary, you'll start tomorrow with a twenty thousand advance p*****t. Take it or leave it," aniya at lumayo sa akin. Pinanood ko siyang bumalik sa table niya at naglabas ng isang metal box. Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng pera na nasa loob nito. Nagbilang siya ng twenty thousand at nilapag sa table niya. "N-no t-thanks!" sambit ko. Napasimangot akong humawak sa doorknob. Sayang yung 30K! Ano ba ginagawa ko? Pride o Needs? "For Secretary, 30k salary, free foods in my office, also free ride on my car, tatanggihan mo pa ba?" tanong nito. What a big opportunity to grab... Free lahat! Sana may free sapak din. Sakit ng ginawa niya noon sa akin. Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko. Trabaho lang naman. Kailangan ko ito para kay Mama. "Fine," bulong ko at humarap sa kaniya. Ngumiti siya sa akin, napairap naman ako na lumapit sa table niya. "Deal?" tanong niya. "Deal!" inis kong sabi at kinuha ang 20k mesa. "See you tomorrow, my wife," aniya. "Correction, it's secretary." Bigla siyang ngumisi na para bang may binabalak na hindi maganda. Sa sobrang inis ko ay tinalikuran ko na siya. Lumabas ako ng opisina niya at napahawak sa puso ko. "I can't believe this... My boss is my ex Husband." *********************** CZARINA (Zarina) BLAKE (Blake) ***********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD