Czarina's P.O.V
Nandito ako ngayon sa hospital kung saan naka-confine si Mama.
"Mama, heto na po yung bayad sa utang. Alam kong kulang na kulang pa 'to pero sa ngayon 'eto po muna," sabi ko sabay abot ng 10k na bigay ni Blake kanina sa cashier.
Pagkatapos kong magbayad ay pumunta na ako sa room ni Mama. Umupo ako sa tabi ni Mama at hinawakan ang kamay nito. Malungkot akong napabuntong hininga.
"Ma, Sana gumaling ka pa, Ma sana sinabi mo na saakin na may nararamdaman ka palang hindi maganda para naagapan natin agad bago naging leukemia," naiiyak kong sabi. "Ikaw nalang yung meron ako Ma..."
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Napakahimbing ng tulog ni Mama, wala kaming kamag anak na maaasahan. Wala akong mahingian ng tulong, yung mga dati kong kakilala. Wala silang maibigay, Mabuti na lang may mga nurse na nag aalaga kay Mama, kaso lang ay kailangan ko sila bayaran. Habang ako, heto naghahanap buhay.
"Ma, Gagawa ako ng paraan para gumaling ka pa ah! Ang dami pa nating utang dito sa hospital na 'to eh, Ang mahal kase ng pagpapatransfer ng dugo mo araw araw. Pagaling ka na Ma, para masaya na tayo. Para na rin worth it gastos natin," sabi ko at tumulo na naman ang mga luha ko.
Pagkatapos ay binihisan ko na siya at nilinisan. Pinakain ko na rin s'ya nung magising para aalis na ako nang ayos na lahat.
"Ma, alis na ako ah. Kahit masakit sa akin ang nakaraan namin ni Blake, Tatanggapin ko para lang sa'yo, Ma. Kahit ayokong makasama si Blake bilang boss ko, gagawin ko pa rin dahil kailangan mong gumaling," sabi ko at niyakap si Mama.
"Pasensya ka na anak ko," mahinang sabi ni Mama. Tipid akong ngumiti.
Umalis na ako at pumunta sa bahay namin dati ni Blake. Ang tahanan na akala ko magagawa kong punan ng kulay.
"Nandito ka na pala, Czarina want to eat with me?" tanong ni Blake habang kumakain. Umiwas ako ng tingin sakanya.
"Wag na po, Sir," sabi ko at naglakad-lakad.
Ang bahay ay walang pagbabago. Inikot ko ang paningin ko. Ganun pa rin. Walang pagbabago pagkatapos ng tatlong taong nawala ako. Nawala ang 'kami '
"Hindi ko iniba yung ayos nito. Huwag ka na magtaka. Besides, you're still my Wife," sabi ni Blake nang mapansing palinga-linga ako, nagulat ako nang lumapit siya sa akin. Umatras naman ako at pilit ko siyang iniiwasan ng tingin.
"Your clothes are still in my room. Dito ka na titira," sabi n'ya at bumalik na sa pagkain.
Sinamaan ko siya ng tingin. He's playing again!
"What? No way! Doon ako kay Mama matutulog," sabi ko.
"Dadalawin mo naman, so don't worry," sabi nito.
"Sige, maglilinis muna ako, Sir. Pero... bayad din po ba yung pagiging personal maid ko dito? parang yaya na kase kung dito ako mag-stay," sabi ko.
Kailangan ko ng pera... Pera...
"Sure," he said, lumakad na ako palayo pero pinigilan n'ya ako, hinigit n'ya ang beywang ko papalapit sa kaniya.
"BLAKE!" pagpupumiglas ko.
"Babe," bulong nito, napapikit naman ako nang banggitin niya ang endearment namin dati, tinanggal ko ang kamay n'ya sa beywang ko at hinarap ko siya.
"Pwede ba Blake!? Tigilan mo na ako! Nandito ako bilang empleyado mo, 'yun lang!" sigaw ko, ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sa pagpipigil ko ng galit.
"Eat with me," utos ni Blake at kumuha ng plato at nilagyan ng pagkain.
"Blake ayoko," mahinahon kong sabi at lumayo.
"I'm your boss. Susundin mo lahat ng gusto ko," sabi ni Blake, gusto ko siyang sapakin pero hindi ko kinakalimutan na boss ko nga siya.
"All you're doing is paid. Kaya sumunod ka na lang."
Wala naman akong nagawa kundi ang umupo at kumain kasabay niya, Wala akong imik. Hindi ko siya tinitignan.Yes, I am his ex Wife. Desperado ata siya at gusto na naman niyang bumalik ako sa kaniya sa kabila nang mga sakit na ginawa niya sa akin noon. Hindi ko akalaing magkikita ulit kami, 5 years na ang nakakalipas mula nang iwanan ko siya. Yes ako ang nang-iwan, Huwag niyo muna ako husgahan dahil hindi niyo pa alam ang buong storya.
Nang matapos kami kumain ay hinugasan ko na ang mga plato, umalis na si Blake at umakyat sa kwarto, matutulog na siguro. Pagkatapos ay nahiga na ako sa couch at natulog.
**********Flashback(Panaginip)*************
5 Years Ago
Pauwi na ako sa amin galing sa market, namili ako ng mga pagkain namin ni Blake. Nakangiti ako habang naglalakad papasok sa gate.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko, Blake and a woman making love. Rinig ko ang bawat pag ungol nila, Sa bawat ungol na naririnig ko ay parang pinupunit ang puso ko.Sa gulat ko ay nabagsak ko ang mga plastik na dala ko hudyat para makagawa ng ingay.
Napahinto sila sa kanilang ginagawa. Biglang tumulo ang aking mga luha, hindi ko na napigilan pa dahil sobrang sakit.
"Babe," tawag ni Blake sa akin, hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko siya.
Sinubukan niya akong habulin pero mabilis akong tumakbo papaalis. Halatang lasing na lasing siya, sandali lang ako nawala pero... Blake cheated on me. Kung kelan binigay ko na sa kaniya ang lahat, saka niya ako lolokohin?! How dare him! sumumpa kami sa isa't isa sa harapan ng altar.
Meron s'yang ibang babae? May iba na s'ya. Pano kung?... Pano kung-k-ung may mabuo sa ginawa nilang dalawa? Paano ako? Wala na akong parte sa buhay n'ya? Kasal kami pero pakiramdam ko ako yung nagiging kabit.
Walang tigil akong umiyak. Pakiramdam ko ay sirang-sira ang buong pagkatao ko. Pagdating ko sa bahay ay niyakap ko si Mama at doon sa kaniya umiyak.
Kinuwento ko kay Mama lahat ng nangyare.
"Ma, aalis ako, gusto ko munang maibsan yung sakit, pupunta akong Canada. Okay lang po ba sa inyo kung pupuntahan ko yung highschool friend ko na nagbibigay ng opportunity sa akin doon?.. Kung dati tinanggihan ko ang trabaho doon dahil kinasal ako kay Blake, hindi pa huli ang lahat. Ayoko nang makita pa si Blake, Ma masakit eh.. Ang sakit sakit, hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ito, Ma!" sabi ko habang umiiyak.
"Tahan na anak, huwag mo sayangin ang luha mo sa maling tao, anak naiintindihan kita.. At kung makakabuti kung nasa Canada ka ay ayos lang saakin anak, start your new life in Canada, masiyado ka pang bata at madami ka pang mararanasang maganda," sabi ni Mama sa akin.
"Ma, please I want a divorce paper please. Ma, papirmahan mo na lang kay Blake. I know lawyers will allow this kind of situation. Ma, ikaw na ang bahala please. Ayoko na dito," sabi ko habang umiiyak.
"Tahan na, anak ko. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sayo."
*************
Nagising ako at hingal na hingal. May mga luha sa aking mga mata. Napanaginipan ko na naman ang nangyari sa aking nakaraan, parang trauma na hindi ko kayang makalimutan.
Sariwa pa rin sa kalooban ko ang sakit na ginawa ni Blake sa akin, Oo... Kaya kami naghiwalay ay dahil niloko niya ako, may iba siyang babae kaya iniwan ko siya. He deserve it and I deserve better.
Nakakainis lang. Bakit nangyayare 'to ngayon? Ano bang kasalanan ko at ginagawang miserable ang buhay ko ulit?
Pero nagulat ako nang nakita kong katabi ko si Blake at yakap-yakap ako. Nandito ako sa kwarto n'ya. Katabi ko ang lalakeng kinamumuhian ko, ang lalakeng nanakit sa damdamin ko at sumira ng buhay ko.
Ang pagkakaalam ko sa couch lang ako natulog bakit napunta ako dito?
Tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinila kaya napahiga ako sa tabi niya.
"Stay with me. Sleep with me. I'm your boss," bulong niya.
"You're just my boss, not my husband!" sigaw ko at tinulak siya.
"Tell me, do you want to pay me back? give those what I already gave you--" Nagulat ako sa sinabi niya, walang wala na ako.
"Demonyo ka talaga!" sigaw ko pero hinila niya lang ang braso ko.
Hindi na ako nakakilos dahil sa lakas niya. Napapikit naman ako at napaluha. Ito ba ang panlaban niya sa akin? Boss ko siya at hindi ko na kayang ibalik ang perang nabigay na niya? Aalilain na naman niya ako? Hindi pa ba sapat ang pagsira niya sa buhay ko noon?
************