Chapter 4

1341 Words
Czarina's P.O.V Hirap pa rin akong kausapin si Blake para makaheram ng pera. Puro kase siya utos! Ngayon nandito ako sa isang company dahil inutusan ako na ibigay daw 'tong mga folders na 'to dito. Pakiramdam ko, hindi ko naman dapat trabaho ito. Mag dadalawang oras na akong nakatunganga at naghihintay dito dahil sa haba ng pila. "Ms. Czarina Rodriguez," tawag sa akin ng staff. "Dito po!" sabi ko at tinaas ang kamay ko, lumapit ako at dinala ko ang mga folders sa kaniya. "Dito daw po ibibigay," sabi ko sabay abot ng isang papel, parang advisory note etc. ganon. "Ahh okay po Mam, pirma nalang po kayo dito," sabi ng staff pumirma naman ako sa notebook niya. Lumabas na ako sa building na 'yon at naghanap ng taxi na masasakyan. Nakakailang para na ako ng sasakyan pero lahat ay mas sakay na. Bwisit! Anong oras na! Lahat na lang ng kamalasan nasa akin na! Biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon mula sa bag ko. Blake Calling... Sinagot ko ang tawag ni Blake. "Hello?" tanong ko at napapunas ng pawis sa noo. "Buy 2 box of pizza," napasinghal ako sa panibago niyang utos. "Ahh si--" bago pa ako makapagsalita ay binabaan na niya ako ng telepono. Tsk! Bastos talaga! Pwede naman mag order bakit ako pa? "KUYA, TRICYCLE NGA!" sigaw ko sa isang tricycle driver. Sasabog na ako sa sobrang inis at pagod. "Sa pizza store po," sabi ko at sumakay. Nang makita ko ang tindahan ng isang sikat na pizza ay napanganga ako. "Kuya! Dito lang po!" sabi ko kay manong driver at nagbayad. "Nakapila ka ba?" tanong ng lalake sa akin. "Oo," sagot ko. Ginabi na rin ako dahil napakadaming bumibili ng pizza, naka buy 1 take 1 pala sila ngayong araw kaya dinagsa ng mga tao. Halos mangatog ang mga binti ko sa pagod kakatayo. Nang makauwi ako sa bahay ni Blake ay padabog kong sinarado ang pinto. "BLAKE! PIZZA DELIVERY!" Sigaw ko pagpasok ko ng bahay. Walang sumasagot, nakita ko sa sala ang napakadaming bote ng tequila at iba pang brand ng alak. "Lintek talaga!" bulong ko dahil sa sobrang inis. Ibinaba ko ang pizza sa table at niligpit ang mga alak at baso. Isang kalabog ang narinig ko mula sa kwarto namin ni Blake. Pumunta ako doon at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nagulat ako sa nakita ko. Napatakip ako sa bibig ko. Si Blake at may kasamang tatlong babae. They are doing something really... really disgusting. "ISTORBO! Do you even know how to knock?! Ano tutunganga ka dyan? OUT!" pagtataboy sa akin ni Blake. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto. Hindi pa pala ako sapat sa kaniya. Lumabas muna ako sa bahay na 'yon. Pero bakit ganun? Parang masakit? Hindi ba dapat wala na akong maramdaman sa kaniya. Hindi ko na siya mahal, sapat na siguro yung ugali niya para kalimutan ko na siya ng tuluyan. Kukunin ko na lang ang natitira kong sahod, then I'll find another job. Naglalakad-lakad ako dito sa park. Gabi na at medyo malamig. Puno pa rin ng mga tao rito sa circle, may mga magbabarkada, magkasintahan, pamilya, Nakakita ako ng isang kotse na papunta sa kinaroroonan ko. Bakit niya pa ako kinuha? Bakit niya pa ako ginaganito? Sinaktan niya lang ako! Pinunasan ko ang luhang pumatak papunta sa pisngi ko. "Czarina!" tawag saakin ng pamilyar na boses na nakasakay sa kotse. Sinilip ko ito. "Mark?" bulong ko. Lumapit ako sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah!" sabi ni Mark. "Wala, ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko at pilit na ngumiti. "Napadaan lang. Pauwi na ako, gusto mo ihatid na kita sa inyo?" tanong ni Mark sa akin. "Nakakahiya man pero, wala kase akong tutuluyan ngayon. Pwede ba akong makituloy muna sa'yo? Kahit ngayon lang, papalipas lang. Wala akong pang rent ng one night, taghirap. Okay lang ba?" pakikiusap ko. Hindi ako pwede umuwi kay Mama. Hindi niya ako pwede makitang nahihirapan. "Ahh sige walang problema, Anytime," sabi ni Mark at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. "Ano bang nangyare at hindi ka pwede umuwi sa inyo ni Blake?" Tanong ni Mark. Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman? "Hhhmmm, Paano mo nalaman yung sa'min ni Blake?" tanong ko. "We're friends, for years. Of course I know something, He once told me about Czarina. I just didn't figure out that you're his wife," kwento ni Mark. "Ah.." bulong ko at napatango. Mga ilang minuto lang ang makalipas ay nandoon na kami sa bahay niya. Hindi ganun kalaki. Simple lang. "Doon ka muna magstay sa guest room. Pasensya ka na hindi kase ako nakakapaglinis dito, minsan lang. I don't have maids because I didn't stay long here in the Philippines." "Ah okay lang! Pasensya na sa abala at Salamat ha," sabi ko at ngumiti sa kaniya. Pumasok ako sa guest room. Malinis naman. Medyo maliit nga lang dahil hindi naman kalakihan ang bahay niya. Simple lang pala si Mark, madalas kase sa mga business man, mayabang, classy and elegant, may pagkamaarte. Pero siya? ibang-iba. Lumabas ako at pumunta sa kusina niya, kumuha ako ng malamig na tubig nang pumunta rin si Mark sa kusina. "Czarina, hulaan ko kung bakit ayaw mong umuwi kay Blake," natatawang sabi ni Mark. Tumawa naman ako "Bakit?" Tanong ko. "He's with Girls, right?" tanong niya. Napayuko ako. "Yeah" sabi ko at ngumisi. "Sinasaktan ka niya?" Napatigil ako dahil nakita niya pala yung mga ilang pasa ko sa braso. Tinakpan ko iyon ng foundation, nag fade na pala. "Oo," bulong ko. "He's a Playboy and a Monster, I know him," sabi nito at mahinang tumawa. "Simula nang mawala ka..." dagdag pa nito kaya napalingon ako. "H-ha?" "Naging playboy siya at naging monster simula nang iniwan mo siya. Alam natin na hindi ganiyan si Blake noon." Hindi ako nakapagsalita. Sobrang close pala nila. Bakit ganoon niya na lang alam ang mga nangyayare? "H-ha?" "He changed, lagi ka niyang kinukwento saakin dati and ang ganda mo nga, tama siya. When you were gone, he changed a lot. Nagsosorry siya sa wedding picture niyo noon. He was so sincere but, you asked for an annulment. That s**t made his life miserable, without you," kwento ni Mark. Kung sincere siya, Hindi niya 'to gagawin sa akin. Kung talagang mahal niya ako, hindi niya dapat ako sinasaktan. "Pero kung sincere siya, bakit niya ako sinasaktan?" tanong ko. "Sinasaktan ka niya, dahil galit siya sa'yo sa pag-alis mo, galit siya noong araw na nahuli mo siyang may katalik na iba," sabi ni Mark kaya napayuko lang ako. "Galit siya sa akin? Pero bakit niya pa ako pinapabalik sa bahay na 'yon? Bakit n'ya ako kailangang ikulong?" tanong ko. Bumuntong hininga pa siya at para bang hindi alam kung paano ipapaliwanag ang lahat sa akin. "Dahil galit siya! Galit siya na umalis ka agad at iniwan mo siya without knowing his side. Hindi man lang daw siya nakapag-explain sa'yo kung ano ba talaga ang nangyare. Actually when that s**t happened, I was in New York. I rushed here to know what happened," sabi ni Mark. "Pero ano ba talagang nangyare?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang paglunok niya ng sarili niyang laway at napatingin sa ibang direksyon, tila ba may lungkot sa mga mata niya na ayaw niyang makita ko. "Kaibigan ko si Blake, pero ayokong manggaling sa mismong bibig ko ang katotohanan. You must ask him and talk," sabi nito at umalis na. Naiwan akong tulala. Dapat ba talagang inalam ko muna ang lahat? Bago ako umalis? Kasalanan ko ba? Mali ba na iniwan kita noon? Mali ba ako na hindi ko sinabi sayo ang tungkol don? Mali ba? Kung tayo parin hanggang ngayon? Masaya kaya tayong dalawa? Bakit ba hindi ko subukang bigyan kita ng second chance? Ano ba talaga ang dapat kong gawin? *********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD