Czarina's P.O.V
Mali ba ako? Mali ba ang naging desisyon kong iwanan kita? Siguro dapat pala inalam ko nalang ang buong pangyayare bago ako umalis at nagtungo sa Canada. Sobrang nadala ako ng emosyon ko, sobrang sakit.
Ano ba talaga ang tama? Blake Roxas.
"Ms. Rodriguez?" tawag ng staff.
Nagising ako sa reyalidad at napatingin sa babae.
"Ahh- opo ako po iyon," sabi ko at iniabot na sa akin ang isang envelope.
"Salamat," sabi ko at ngumiti sa kaniya.
Lumabas na ako ng conference room. Patungo na ako ngayon sa opisina ni Blake para ibigay ang envelope na ito.
Hindi ko alam pero naiisip ko pa rin kung tama ba talaga ang desisyon ko noon. Magkakabalikan pa ba kami? Malabo na, sobra. Ayoko ding malaman niya ang mga sikreto ko noon sa kaniya.
*****
"Blake, heto na yung pinapakuha mo," sabi ko at iniabot ang envelope.
"Thanks," sabi nito at busy parin sa laptop niya.
Ngayon na ang pagkakataon ko.
"Blake, pwede ba akong mangutang muna sa 'yo? Kailangan ko kasing bayaran--" pinahinto niya ako sa pagsasalita.
"Bayad na lahat. Wala ka nang dapat intindihin," aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya mababayaran ang ganoon kalaking halaga? Milyon iyon at hindi barya lang!
"Huh? Bakit naman? A-ang laking halaga no'n."
"I know," cold niyang sabi at hindi ako nililingon.
Napangiti ako, ang mahalaga bayad na.
"Hmm.. 'Di bale na, basta! Babayaran na lang kita. Kahit paunti-unti, promise!" sabi ko.
"You don't have to," aniya at tumingin sa mga mata ko.
"Bakit?"
"Because you're my wife. Your problem, my problem," sabi ni Blake sa akin at muling tumingin sa laptop niya.
"Ow.. s-sige, alam ko namang marami kaming wife mo. Papayag na akong maging isa do'n, para kay Mama," sabi ko at tumalikod na sa kaniya.
Napabuntong hininga ako. Balak kong puntahan muna si Mama at tanungin ang ospital kung totoong wala na akong utang.
"Czarina," tawag sa akin ni Blake kaya napalingon ulit ako sa kaniya. Kailangan ko pang mas maging mabait sa kaniya tutal ginawa niya 'to.
"Hmm? May kailangan ka pa?" tanong ko at tipid na ngumiti.
"You're my only Wife, so be safe," sabi nito at tinuon na ulit ang atensyon niya sa laptop.
Napalunok ako ng sarili kong laway. Biglang nag iba ang tono ng boses niya ngayon. Parang totoo. Ano ba naman 'to!?
Mabilis akong lumabas ng office niya at napasandal sa pinto. Napailing ako. Hindi na. Hindi ko na siya mahal. Hindi na dapat ako mahulog sa mga salita niya.
Nang makarating ako sa Hospital. Nagtungo ako agad sa kahera. Nagulat ako nang ipakita niya sa akin na zero balance na kami. May parte sa akin na sobrang saya ko. Pagkatapos noon ay pumunta na ako sa kwarto ni Mama na may ngiti sa labi ko.
"Ma," bulong ko kay Mama.
Ngayon ay mahimbing siyang natutulog.
"Sorry kung hindi ako lagi nakakadalaw sayo ah. Sorry, Ma. Aabutan kita palaging tulog. Okay lang naman 'yan para lumakas ka, Mag ipon ka ng energy ha?" sabi ko at hinalikan siya sa noo.
Mahal na mahal kita, Mama, sana gumaling ka na. Nami-miss ko nang ipagluto mo ako kagaya ng dati.
"Ma, bakit nakokonsensya ako? Mali ba yung ginawa ko? Lalo na yung sa--" napahinto ako sa pagsasalita nang may pumasok na nurse.
"Ma'am, Kailangan na pong magpahinga ng pasyente. Ite-test na rin po namin ang dugo niya kung may pagbabago. Iniiwasan na po ang bisita sa mga Cancer patients. Iwas hawa ng mga ibang sakit lalo na po sa Mama ninyo na kritikal ang kundisyon. Magsuot po pala kayo ng surgical mask Mam. Next week po malalaman ang result ng test," sabi ng nurse sa akin.
"Ahh ganoon ba? Sige salamat," sabi ko.
Atleast panatag na ako ngayon. Bayad na daw kase lahat, kawawa naman si Mama walang nagbabantay sa kaniya kundi ang nurse. Hindi ko na kase mahanap ang iba naming kamag anak, yung tatay ko naman ay may iba nang pamilya. Matagal na niya kaming iniwanan.
"Bukas lalakad tayo ha? Ako sasama sa exercise mo," sabi ko at hinalikan ang kamay ni Mama.
Lumabas na ako ng hospital at naglakad na papunta sa sakayan at nagpara ng taxi para makauwi na ako.
Maya-maya habang nasa byahe ako ay nakaramdam ako ng pagsakit ng puson ko.
Sh*t! Anong date ba ngayon? Nawawala na sa loob ko.
Nang makarating ako ng bahay ay agad kong binaba ang mga gamit ko sa table at tumakbo papunta sa kwarto.
"Czarina! Bakit ngayon ka lang! I texted you! Ni hindi ka nagluto---" hindi ko pinansin si Blake at nagtatatakbo.
Dear Puson, nakakainis ka talaga! Ang sakit-sakit na nga ng mga sugat at puso ko pati ba naman ikaw?
"Hey, what's happening?" Salubong sa akin ni Blake nang makapasok ako ng kwarto pero hindi ko iyon pinansin, sa halip ay nahiga ako sa kama at kumuha ako ng panyo at inipit sa puson ko.
"Ahh better," bulong ko. Ganito ang nakasanayan ko.
Nagtalukbong ako ng kumot at bumaluktot ng pagkakahiga.
"Hey, I'm asking you," rinig kong sabi ni Blake.
Narinig ko ang footstep niya patungo sa kamang hinihigaan ko.
"What's wrong?" tanong niya at naramdaman ko ang paglundo ng kama sa tabi ko.
"Answer me."
Pero hindi ako makapagsalita dahil sa parang tinutusok ng karayum ang puson ko dahil sobrang sakit talaga! Cramps pa nga.
Tinanggal niya ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko. Hinawi niya ang mga buhok kong nakaharang sa mukha ko. Naramdaman ko ang mga kamay nyang dumapo sa puson ko. Naramdaman ko ang ointment sa puson ko, dahan-dahan niya iyong minasahe.
"B-Blake" Naiilang kong sabi, akmang tatanggalin ko ang kamay niya pero umiling siya sa akin.
"Shh... Just rest for a while," bulong nito kaya ipinikit ko ang mga mata ko.
Ramdam ko ang ginhawa sa bawat pagmasahe niya sa puson ko. Nakakagulat ang bigla niyang pagbabago, hindi ko na talaga maintindihan kung anong tunay niyang ugali.
"Thank you, Blake," bulong ko habang nakapikit.
"Anything for my Wife," aniya.
Ano ba 'to? Bakit parang bumibilis na naman ang t***k ng puso ko? Nakokonsensya talaga ako. Nasasaktan ako sa ginawa ko. Hindi lang yung kay Blake. Kundi sa isa ko pang kasalanan.
"I thought I'd never see you again," bigla niyang sabi.
Hindi ako makapagsalita. I feel guilty for what I've also done before.
"I missed you, please don't leave me again," aniya.
Dinilat ko ang mga mata ko. Nakita kong napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi na ako tumanggi pa nang halikan niya ako.
"I'm really sorry for hurting you, I-I didn't think right--I am so sorry," bulong niya at niyakap ako.
Napalunok ako at muling nakaramdam ng kaba.
Is this a karma? Karma sa mga ginawa kong kasalanan? Dagdag mo pa itong puson ko na ubod ng sakit!
****************