"Because Kuya Azyra still loves you." Napanganga ako sa sinabing iyon ni Damon. Nag-iwas naman siya ng mukha sa akin na waring ayaw niyang makita ko ang reaksiyon niya sa kanyang sinabi. "I've got the same feeling," Miaka said that made me look at her. She smiled at me pero nanatiling seryoso ang kanyang mga mata. "I'll leave you here to talk," pagpapaalam niya bago siya umalis. "Damon," tawag ko sa aking nobyo. At saka pa lang siya tumingin sa akin. "I know it and I can feel it, Kenji. My cousin still loves you." "Bakit mo ba sinasabi ‘yan? Okay, sige, sabihin na nating may nararamdaman pa rin si Azyra sa akin, will that change anything?" kabado kong tanong sa kanya. "Will it change anything now that you know?" balik-tanong niya naman sa akin. "No. I'm sure it won't change any