Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa pagkakasalampak sa sahig habang umiiyak. Ang namalayan ko na lang ay ang pagpunta ko sa banyo at ang paglinis ko sa katawan ko. Ilang ulit akong nagsabon at nagbanlaw na parang mabubura niyon ang ginawa namin ni Azyra. Umiiyak ako habang paulit-ulit kong pinapadaan ang loofah sa buong katawan ko. I hate my self for being so weak. Unang giyera palang, talo na ako agad. Isang halik, isang pakikipagniig lang ay isinuko ko na agad ang pagkatao at kahihiyan ko. At hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si Damon mamaya. Natatakot ako sa galit niya kapag nalaman niya ang nangyari sa amin ni Azyra. Fuck. I still love that bastard. Akala ko ay mapaglalabanan ko iyon dahil mahal ko rin si Damon. But I was wrong. I was so wrong of thinking that I can tr