Inosente 18

1191 Words
"Hala! Amu na gali ang tsura sang toytoy, ay!" Bigla kong nasambit sa aking sarili. Parang hugis kasoy? Tama ba 'ko? Saglit ko lang tiningnan ang toytoy ni Kenta at tumingin kunwari sa glass wall. Hindi ako makatingin sa mukha niya dahil nahihiya ako. Chin-chin huwag na huwag kang tumingin sa baba. Itinatak ko sa aking isip. Kahit anong mangyari talaga, kahit magka-stiff neck pa ako, hindi na ako titingin sa toy- katawan ni Kenta pababa. Kung ako ay kabado sa kung ano ang mangyayari, si Kenta naman ay parang walang anumang naglakad at nilampasan ako. "Halika ka dito. Here, take this. Ilang minutes lang naman dahil mamasahiin mo pa ako." Narinig kong sabi niya sa akin kaya naman pumihit na ako para puntahan ito. Pagpihit ko ay nakaupo na si Kenta sa isang maliit na upuan. Nakatalikod ito sa akin kaya lumuwag ang paghinga ko. Ah, likod naman pala ang kukuskusin ko. Ngayon na nakita ko na ang buong katawan ni Kenta, napansin kong may tattoo pala ito sa dibdib at sa likod. Hindi halata kapag may suot itong damit kasi tago. Kinuha ko na ang hawak nitong bimpo. May naka-ready na ding maliit na balde at sabon sa gilid nito. Binasa ko na ang bimpo at sinabunan at piniga. Lumuhod ako sa likod ni Kenta at nagsimulang kuskusin ang likod nito. "Kuya Ken, may tattoo ka pala. Member ka ba ng gang?" Inosenteng tanong ko. "Ha..ha..ha.. nope. Gusto ko lang magpa-tattoo." Natatawang sabi nito. "Bakit ganyan ang tattoo mo? Dragon at samurai." "Dati akong member ng yakuza." "Hala! Yakuza ka! 'Di galing sa Japan ang mga yakuza. Japanese ka pala, Kuya Ken?" Napatigil ako bigla sa pagkuskus dito. "My father is half Chinese-half Japanese and my mom is pure Filipino, kaya, yeah, I have Japanese blood." Kwento nito. Kaya naman pala halos samurai ang nakikita kong design sa sala at sa kwarto nito. "Kung dati kang member ng yakuza, bad ka ba, Kuya Ken?" Sambit ko. "Yup. Super! Kaya huwag na huwag mo akong gagalitin." Seryosong wika nito. "Kuya Ken-- natatakot naman ako sa 'yo eh." Kaya pala dati ay may baril na nakasukbit sa bewang nito noong sinundo ako sa bahay nila Boknoy. Mabuti na lang at sumama ako. Baka bulagta na kami kung hindi ako sumama. "Ha..ha..ha.. you're so gullible. Nah.. I'm just joking.. I'm not a member of yakuza. Gusto ko lang magpa-tattoo kasi halos lahat ng friends ko may mga tattoo and I envy them kasi I think they look cool. Tapos lakas ng dating sa babae kasi feeling astig. 'Yon na, noong nagkaroon ako ng tattoo ay naboost 'yong confidence ko, mas feeling pogi at gwapong-gwapo ang dating ko kaya marami din akong naging fling-- ba't tumigil ka na. you don't like guys with tattoos?" "Ah.. eh.. sa amin kasi sa probinsiya may stigma na kapag may tattoo ka, 'yong.. 'yong parang galing kang preso kasi nga 'di ba 'yong nakukulong o ex-convict may mga tattoo. Kaya 'yon talaga sa isip ko. Sorry kung gano'n sa isip ko ha. Iyon kasi lagi ang sinasabi ng mga matatanda sa amin." Totoo naman 'yon. Sa lugar nga namin halos lahat ng kakilala ko na may tattoo ay galing sa kulungan kaya naman takot ako sa mga iyon. "It's okay kasi iba naman ang kinalakhan mo. But do you find people with tattoos bad?" Malumanay na tanong ni Kenta. "Ah..eh.. dati parang gano'n, pero dito pala sa Manila parang ito ang trend-- ang magpa-tattoo." Pinagpatuloy ko na ang pagkuskos sa likod nito. "Do you think.. or do you feel that I'm bad?" Mahinang tanong ni Kenta. "Hmmm.. p-parang hindi naman. Sa ngayon siguro kasi hindi pa naman kita lubusang kilala. Pero magaan naman ang pakiramdam ko sa 'yo." "That's nice to hear. It's okay ba kung magtanong ako sa 'yo?" medyo nag-aalangang tanong nito. "Hhhmmm.. pwede naman. Ano 'yon?" "Why until now wala ka pa ring boyfriend.. I mean marami akong kakilala na hindi din pinayagan ng kanilang mga parents but they hide it. Wala ka bang crush sa inyo?" "Ahh.. ehh.. m-marami naman kaso k-kasi takot ako sa mga kapatid ko.. at siyempre kay Nanay Maria at Tatang." "That's good. You're a good girl pala!" "Siyempre.. pero sa atin lang 'to, Kuya Ken ha.. p-pero naiinggit ako sa mga kaklase ko na may mga boyfriend. Masarap daw kasi ang may inspiration.. tsaka 'yong ano.. 'yong ano..--" "A-anong ano?" Takang tanong nito kasi hindi ko maituloy-tuloy ang sa sasabihin ko. Lumingon pa ito sa akin ng ilang segundo akong hindi nakapagsalita. "'Yong ganito?" Nilagay ko muna ang bimpo sa maliit na balde. Pinagdikit ko ang aking dalawang mga kamay na parang nagtutukaan. "Ha..ha..ha.. ahhh... nahihiya ka bang sabihin sa akin 'yan. You mean, kiss!" Natatawang sabi ni Kenta. Pakiramdam ko ay namula ako kasi nga ayokong sabihin ang salitang 'kiss'. "Huwag ka nang mahiya. It's natural for couple. That's how they show their love and affection to each other." Nakangiting sabi ni Kenta pero pansin kong nakatitig ito sa labi ko. "M-ma-sarap ba ang k-kiss?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at iyon ang tinanong ko kay Kenta. Napatingin din ako sa namumulang labi nito. Tingin ko ay napalunok ito dahil bumaba tumaas ang adam's apple nito. "Gusto mo bang malaman?" Medyo namaos ang boses ni Kenta sa aking pandinig. Hindi ako tumingin dito kasi parang nahimasmasan ako. Ano ba naman ang pumasok sa kukote ko. "Ay, sorry. K-kung ano-ano na ang tinatanong ko." Yumuko ako at kinuha ko ulit ang bimpo at piniga. "Do you want to learn how to kiss?" Nagulat ako ng hawakan ni Kenta ang aking kamay na may hawak na bimpo. Bigla ay may naramdaman akong kuryente sa pagdikit ng balat naming dalawa. Kahit na basa ang aming kamay ay may init na unti-unting umaalpas sa aking kaibuturan. "Aahhh.. eehhh.. h-hindi naman dapat k-kasi.. h-hindi naman kita boyfriend. A-atsaka a-ang sabi mo ay p-para mo na rin akong kap-tid." Pinipilit ko pa ring panaigin ang aking wisyo pero ang totoo ay parang nadadarang na rin ako. Kapag ipinagpatuloy pa ni Kenta ang pagbubuyo sa akin ay baka pumayag ako sa gusto nito lalo pa at unang kita ko pa lamang sa kanya ay kay kakaiba na akong nararamdaman dito. "Yeah, you're right, Inday Chin-chin. I'm not you're boyfriend." Marahas na wika ni Kenta. Hindi ko alam pero parang nagalit ito. Bigla-bigla ay parang nag-iba ang takbo ng sitwasyon. Nagulat pa ako ng biglang tumayo si Kenta at tumakbo sa gitna ng hot bath at kaagad na lumublob. Hala! May nagawa ba akong mali, bakit parang galit ito? "Just give me some time. I will wash your back too." Maya-maya ay sabi nito habang nakalublob pa rin. "Ha! Huwag na, Kuya Ken." Bigla ang pagkabog ng dibdib ko. "I insist, para fair. You wash my back. I will wash your back too." Pinal na sabi nito. "Bayad naman ang pagkuskos ko sa--" "No buts. I wanna do it." Napalunok na lamang ako. Kung kukuskusin niya ang likod ko, ibig sabihin maghuhubad din ako? Kaya ko bang maghubad at makita ang aking katawan ng ibang tao lalo pa at lalaki ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD