Pagdating sa penthouse ay tiyempo namang kakagising lang din ni Irene-chan. Ang doghouse nito ay nakapwesto sa boundary ng living area at kitchen area.
Parang nahiya pa ang Gringo dahil noong makita si Irene-chan ay nagtago pa sa likod ng binti ni Chin-chin.
"Aysus! Nahiya ka pa Gringo pero noong nasa bahay natin si Irene-chan ay panay ang pacute mo dati." Natatawang saad ni Chin-chin ng mapansin ang ginawa ng aso.
Pansin din ni Chin-chin na parang nahiya din si Irene-chan dahil nagtago naman ito sa likod ng binti ni Kenta.
"Aba at nahiya din si Irene-chan. Kayong dalawa ha, may pahiya-hiya pa. Aysus! Irene-chan halika ka na dito, Gringo, punta tayo ng kusina at papakainin ko kayo. Mukhang pareho na kayong gutom." Tumingin si Chin-chin kay Kenta at nagpaalam. "Dadalhin ko lang sila sa kusina. Bibigyan ko lang sila ng pagkain at maghahanda na rin ako para sa hapunan natin dahil mag-aalas sais na pala."
"Ako na ang bahala sa dalawang 'yan. Pati ang paghahanda ng dinner natin dahil mukhang masama ang pakiramdam mo. Magpahinga ka na lang." Presenta ni Kenta.
"Nakakahiya naman, Kuya Ken. Ako na ang magluluto--"
"I'm the boss here. You're the princess here kaya you need to relax dahil para ka na talagang matutumba. You're not feeling well." Matigas na sabi ni Kenta.
Wala nang nagawa pa si Chin-chin kundi ang pabayaan na lamang si Kenta sa gusto nitong mangyari.
Totoo naman kasi na masama ang pakiramdam niya. 'Yan ang nangyayari sa kanya kapag nasobrahan siya ng sama ng loob. Ngayon nga ay mainit na ang kanyang pakiramdam. Nawawala din naman ang sakit ng ulo niya kapag nakakain na siya ng maayos na pagkain at kapag humupa na ang tampong nararamdaman niya.
Tinawag na lamang siya ni Kenta sa kanyang kwarto nang oras ng hapunan na. Sa dinner ay asikasong-asiko ni Kenta si Chin-chin kaya nga nahihiya si Chin-chin. Panay kasi ang salin ni Kenta ng kanin at ulam sa kanyang pinggan. Kulang na nga lamang ay subuan siya nito.
Sa gaanoong aktuwasyon ni Kenta ay lalo namang yumayabong ang nararamdaman ni Chin-chin kay Kenta. Lihim siyang natutuwa sa espesyal na trato sa kanya ni Kenta. Kung pwede nga lang na huwag nang bumalik pa ang Tiyo Dominggo niya para may rason pa siyang magtagal sa penthouse. Masama man ang kanyang ninanais ay sana bumalik na lamang ang Tiyo Dominggo niya kapag tapos na ang isang buwan, tama lang iyon na pabalik na siya ng Capiz.
"Ako na, Kuya Ken. Para naman akong bata niyan sa trato mo sa akin eh." Nakabusangot kunwari si Chin-chin pero saloob-loob niya ay nagdiriwang ang kanyang puso. Halos mawala na nga sa loob ng kanyang ribcage ang kilig na naramdaman niya sa mga oras na 'yon.
"I have a haunch na may kinalaman talaga ako kaya masama ang pakiramdam mo kaya dapat lamang na pagsilbihan kita, my innocent princess." Nakangiting sabi ni Kenta kay Chin-chin.
"Kuya Ken, ha, baka naman tuluyan na akong ma--- masanay dito at hanap-hanapin ko ang pag-aalaga mo kapag nakauwi na ako." Pilit ang ngiti ni Chin-chin.
Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Kenta ng marinig ang sinabi ng dalaga na uuwi ng probinsiya. Oo nga pala. Kaya pala nandito si Chin-chin ay dahil sa Tiyo Dominggo nito. Nawala sa isip niya na hindi niya dapat masyadong nilalapit ang kanyang kalooban sa dalaga dahil baka pareho lang silang masaktan.
Ramdam kasi niya na may gusto sa kanya ang dalaga. Sa mga panakaw na titig nito sa kanya at pagsang-ayon sa mga gusto niyang gawin ay alam niyang may pagtingin ito sa kanya. Sa mga ganyang edad katulad ni Chin-chin ay mabilis na mahulog ang loob ng mga babae at baka infatuation lamang ang kanyang nararamdaman kay Kenta. Kapag nagmatured na ito at nakasalamuha ng iba pang lalaki ay lilipas din ang nararamdaman nito kaya naman hindi niya dapat sinasamantala ang kainosentihan ng dalaga.
'Yon ang nasa isip ni Kenta, pero malamang hindi iyon ang gustong mangyari ng kanyang sutil na puso. Iniisip pa lamang niya na babalik si Chin-chin sa kanilang probinsiya ay parang gusto na niyang huwag nang bumalik si Sunday para may rason pa siyang magtagal si Chin-chin sa kanyang penthouse. Pinapanalangin niya na sana ay magpakita na lamang si Sunday kapag talagang nakabalik na si Chin-chin sa kanila para hindi ito maipit sa kanilang dalawa.
"Y-yeah.. I forgot na k-kaya ka pala nandito, it's because of Sunday. Thanks sa pagpapaalala. I almost forgot kasi I... I really enjoy your company. I will also miss y-- o-our.. I mean our bonding kapag umuwi ka na. How st*pid of me." Parang wala sa sarili na sambit ni Kenta.
Pareho nang natameme ang dalawa hanggang sa matapos silang kumain. Akmang liligpitin na ni Chin-chin ang kanilang kinainan ng pigilan ito ni Kenta.
"Ako na. Don't do anything tonight. It's better if you take a medicine para sa sakit ng ulo. Wait.." Saglit na nawala si Kenta. Lumabas ito ng kusina at ilang minuto lang ay bumalik na ito.
"Here, take this. Gamot 'yan para sa sakit ng ulo. You can go back to you room now and sleep. Bukas ay okay na ang pakiramdam mo, I'm sure." Paninigurado pa ni Kenta.
"Salamat." Ininom na ni Chin-chin ang gamot na bigay ni Kenta. "Sige doon muna ako sa sofa para patunawin saglit ang aking kinain."
Tumango na lamang si Kenta kay Chin-chin.
Nagsimula nang linisin at ligpitin ni Kenta ang kusina. Kahit na mayaman sila ay marunong siya sa mga gawaing bahay. 'Yon naman kasi ang turo sa kanila ng kanilang Papa. Huwag umasa sa iba. Kailangang matutunan ang lahat ng bagay simula sa ilalim para hindi maloko lalo na sa negosyo. Well, sa kaso niya ay naloko siya ni Sunday pero kaagad naman niyang nalaman bago pa lumaki dahil tutok naman siya sa negosyo, hindi siya pabaya. Kaya nga sa susunod ay talagang mag-iingat na siya sa mga taong pagkakatiwalaan niya.
Nang matapos siyang maglinis sa kusina ay pumunta muna si Kenta sa kanyang hot bath at nagbabad ng ilang minuto. Nang marelax na ang katawan ay naglakad na ito pabalik ng kwarto. Siguro naman ay mahimbing nang natutulog si Chin-chin dahil sa ininom nitong gamot.
Pagdaan sa living area ay nagulat pa si Kenta ng matanaw si Chin-chin na nakadapa sa carpet. Nakaharap ito sa doghouse ni Irene-chan.
"Inday Chin-chin.. Chin-chin..??" Tinawag ito ni Kenta pero hindi sumasagot si Chin-chin.
Nilapitan na ito ni Kenta atsaka nito napagtanto na nakatulog ito sa may sahig. Mabuti na lamang at carpeted ang kanyang sahig kaya lalamigin si Chin-chin. Pagtingin ni Kenta sa doghouse ay magkatabi namang natutulog si Irene-chan at ang asong kasama nila kanina.
Siguro ay nilaro ni Chin-chin ang dalawa para matunawan ito kaso doon naman ito nakatulog sa sahig.
Hinawakan ni Kenta ang noo ni Chin-chin. Mukhang okay na ito dahil normal na ang temperatura kanyang katawan.
Maingat niyang pinatihaya ang dalaga at dahan-dahang kinarga papunta sa kwarto nito. Habang karga-karga ang dalaga ay hindi maiwasang mapangiti ulit ni Kenta.
Paano ay kahit tulog ng dalaga ay unti-unti namang nagigising ang nasa ibaba niya dahil sa malambot na katawan ng dalaga.
"Kuso!" Napamura na lamang sa kanyang sarili si Kenta.