CHAPTER 4

2026 Words
CHAPTER 4     ILANG araw ng patago-tago si Larrah kay Kurt. Ayaw niyang mag-krus ang mga landas nilang dalawa dahil baka matakot na naman siya kapag sinigawan siya. Nakasuot na siya ng dambuhalang nerdy glasses at nakawig ng short hair na kulay burgundy para hindi siya makilala ng ex niya.  Gustuhin man niyang magpaliwanag doon at makipag-usap nang maayos, hindi niya magawa kasi ang minsan siyang paggawan ng masama ay kaagad na naapektuhan na ang buong sistema niya. Daig pa niya ang isang agent na makikipagbarilan dahil patigil-tigil siya sa mga gilid ng pader sa hallway ng ospital, tapos ay tatakbo siya kapag wala siyang nakitang Kurt. Tatlong araw na siyang ganoon pero habang mas lalo niya yatang tinataguan ang isang tao ay the more na mas malaki ang chance na magkrus ang landas nila. "Larrah!" sigaw ng galit na boses sa may likuran niya. Si Kurt na, aruy Diyos ko po! "Mammiii!" tili niya sabay talon at karipas ng takbo sapo ang ulo. Baka kasi matanggal ang wig niya kaya hahawakan niya nang mahigpit. Ang mahal pa naman ng bili niya at 400 pesos ‘yon. Sayang naman kung mawawala lang. Pero bakit nakilala siya ni Kurt samantalang naka disguise na siya? "You can't escape. Kilala ko ang lakad mo." sabi no’n at nang lingunin niya ay malalaki na ang hakbang lalo ng boyfriend niya - ex pala. Napatalon ulit siya sa nerbyos at parang maha-heart attack yata siya. Takot talaga siya. Ang pinakakinatatakutan niya kay Kurt ay ang mga mata nito na parang lalamunin siya nang buo, pagkatapos ay itatae siya at papatayin ulit. Oh my gulay please! Naghanap siya ng matataguan pagkatapos niyang lumiko sa hallway pero isang bulto ng malaking lalaki na nakashort ang nakita niya na parang halos kalahati lang siya. "Larrah Graine, halika!" sigaw ni Kurt at malapit na ‘yon sa kanya sa pandinig niya. "Mammii koo! No! Go away!” tili niya habang tumatakbo at ang tanging choice niya ay humingi ng saklolo sa lalaking pinakamalapit sa kanya na nakatalikod. Mabilis niya itong nilagpasan sabay harang dito at tago sa malaki nitong katawan, na parang puno ng niyog ang tingin niya rito na pwede niyang pagtaguan. The burly man automatically stopped from taking his steps. Napahawak siya sa damit nito sabay silip niya sa may gilid ng braso nito kung nariyan na si Kurt. Nang makita niya ang salubong na mga kilay noon ay parang gusto niyang tadtarin ng pino ang katawan niya para maitago. Nagsumiksik siyang pilit sa katawan ng lalaki habang napapaantanda ng krus. Then, the man cleared his throat. Holy molly! Nanlaki ang mga mata niya dahil kilala niya ang boses ng lalaki kaya tumingala siya. Namilog lalo ang singkit niyang mga mata sa nakikita, si Insp. Ghuix na naman. Ang pogi-pogi sa shades na suot at naka sumbrero ang binata, baliktad pa ang pagkakasuot. Pogi niyang talaga. Diyos ko day! "What are you doing?" tanong nito. Saglit pa siyang hindi nakakurap sa pagkakatitig sa labi nito at nakagat pa niya ang sariling labi, pero ibinalik niya ang sarili sa huwisyo lalo na nang hawakan nito ang mga kamay niyang nakakuyumos sa damit nito sa may gawing t'yan. She's shaking. "You're nervous." ika nito. Tumango siya. "I-Inspector. Y-Yo'ng ex ko hinahabol ako. Tulungan mo ako, kasalanan mo po kasi ito." aniya sabay silip sa tagiliran nito pero nariyan na si Kurt. Lalo niyang isiniksik ang sarili sa pulis at wala na siyang pakialam kung anuman ang sabihin nito. "I wanna talk to you.” Mahinahon na si Kurt pero pormal na pormal at nagbabaga pa rin ang mga mata habang nakatayo sa may tabi ni Ghuix. Nilingon iyon bahagya ng binata at naramdaman niya ang isang kamay nito sa may likod niya. Shocks! Todo na ito! "Why?" tanong ni Ghuix kay Kurt na may bahid ng kapormalan din. Haaay! Akala niya ay basta-basta na siya nito ibibigay kay Kurt. Hindi naman pala. At kinikilig siya sa kabila ng nerbyos niya. Hindi na niya talaga makuhang magtiwala pa sa lalaking itinago niya ng halos isang taon para lang maging boyfriend. Nasira ang pagkakakilala niya roon dahil ginawa ng lalaki na paghawak sa kanya nang mariin at pagsigaw sa kanya. "Just for a casual breakup, Mr. De Lorenzo." sambit ni Kurt pero hindi itinitikal sa mukha niya ang mga mata. Marahas siyang umiling pero hindi siya nagsalita. Tiningala niya si Ghuix at nakita niyang nanulis ang nguso nito habang nakatingin sa kanya bago ibinalik kay Kurt ang tingin. "I think she already did. What do you still want from her? You're wasting my time. The next time, you better stop hunting her or else I'm gonna put you to jail." masungit na sabi nito kay Kurt sabay hawak sa siko niya at saka siya marahan na hinila papaalis. Nakagat niya ang daliri. Tigilan na nga kaya siya ni Kurt? Sana naman. Natatakot na kasi siya. Parang iba na ang hitsura ng lalaki ngayon. Nao-obsess na yata sa kanya kasi hindi naman niya nakilala si Kurt na isang lalaking basta lang. Marami ‘yong naging girlfriend at balewala naman ang mga breakups. Pero bakit siya ay parang ayaw na pakawalan? Wala sa loob na nalingon niya ang naiwan na lalaki at nananalim pa rin ang mga mata no’n na nakahabol ng tingin sa kanila, particularly sa kanya. "Stop looking back." Ghuix commanded her demandingly kaya kaagad na natingala niya ito habang naglalakad sila sa pasilyo. Tila wala itong pakialam kahit na tinititigan niya. Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa marating nila ang parking area. Inalis nito ang suot na sunglass at isinabit sa bulsa ng suot na polo shirt. Saka nito inalis ang wig niya at nerdy glasses. "What's with this disguising? Kilalang-kilala ka naman kahit na mag-disguise ka. Sa lakad mo pa lang na parang madadapa, ikaw na ikaw na, salubong ang mga tuhod na parang hindi hinilot ni Tita noong baby ka pa.” anito na nakapameywang sa harap niya. Matutuwa na sana siya kaso ang sungit - sungit ng lalaking ito sa kanya. Daig pa ang araw - araw na nireregla kapag nakikita siya. Hindi naman niya inaano. "Alam mo po ba Inspector ‘yong kasabihan na 'the more you hate, the more you love?' " tanong niya rito. He's pouting his lips, sexily. Hindi ito nagpapa-sexy, talagang sexy lang ang dating nito sa mga mata niya. Halatang nabubwisit ito sa kanya kaya lalo lang na nanulis ang nguso. May pagakasalubong kasi ang mga kilay nito kaya halatang bad trip. He grazed his lips with his tongue. Napalunok siya. Napatitig na tuloy siya sa labi nito na namumula-mula o nagpi-pink yata sa paningin niya. "What about that stupid saying?" pormal pa rin na tanong nito saka iwinasiwas ang wig niya kung saan lang. Mahal ‘yon. Bakit mo itinapon? Itinago niya ang magkasiklop na mga kamay sa ilalim ng baba at nagpacute sa kaharap, 'yong hindi naman obvious. Ngumiti lang siya nang maganda kaya pati mga mata niya ay lumiit din. "Wala lang po. I-memorize niyo lang po para kapag dumating na ang araw ay maalala niyo." makahulugan na sabi niya rito na hindi naman nito pinansin. Kasi maiinlove ka sakin, itaga mo yan sa bato. "What's with your ex? Why is he still following you? May utang ka ba sa kanya?" Pinag-krus nito ang mga braso sa dibdib at sumandal sa motor na kulay itim. Umiling siya. "Wala po. Nanghihingi siya ng goodbye kiss kasi no’ng nag-break kami." Pagsisinungaling niya, pero nang dumako ang mga mata niya sa hallway ng ospital ay nakatayo pa rin doon si Kurt at parang inaabangan pa rin siya kaya nakagat niya ang hintuturo at kinapa ang braso ng inspector na kausap, habang ang mga mata niya ay nakatutok sa dating boyfriend. Patay na siya kapag umalis na si flying Ghuix. Aabangan siya ni Kurt. "Don't fool me. Hindi goodbye kiss ang hihingin ng ganoong klase ng mga tingin, Larrah Graine." anito sa kanya. Her eyes flew to him. Her name sounded so good on his lips. Dahil ba crush niya ito kaya ganoon? Nakatingin din ito kay Kurt na parang inaanalisa ang kilos ng lalaki. "It's more than a kiss." anito pa. Napakurap siya saka tumingin din ulit kay Kurt. More than a kiss? "Hug and kiss? H-Hug? Gusto niya ng hug saka kiss?" natutop niya ang bibig. Baka gagahasain siya ni Kurt. Oh no! Baka ‘yon nga ang pakay noon kaya hinahabol siyang pilit. "Umuwi ka na." Ani Ghuix na umalis na sa pagkakasandal sa motor kaya napabitaw siya sa braso nito. Biglang nag-alala siya. Wala pa ang sundo niya at ang kuya naman niya ay nasa duty. Paano naman siya uuwi ng ganito? Nahabol niya ng tingin ang binata na sumakay sa motor at nagsusuot na ng helmet. Wala siyang kaimik-imik na napasulyap ulit sa hallway. Naroon pa rin ang lalaki at inaabangan yata na umalis si Ghuix. "W-Wala po akong sundo. Nasa grocery pa si Manong Felix, kasama po si Mammi. Hatid mo na po ako." biglang nangislap ang mga mata niya sa kilig at kumapal na ang mukha niya. Nawawala ang takot niya dahil sa pagsintang luka-luka niya para sa pulis na masungit pa sa babaeng nagme-menopause. Tumingin ito sa kanya at natigilan sa pagsuot ng helmet. Lumingon ito kay Kurt at maya-maya ay walang sabi-sabing isinuot sa ulo niya ang helmet na malaki pa yata kesa sa ulo ni Goliath na higante. "Aray." angal pa niya. "Ang dilim po. Wala akong makita." aniya pa habang kinakapa ang helmet. Ang bango ng helmet niya, hindi amoy panis. Maya-maya ay inayos nito iyon kaya may-naaninag na siya sa dark plastic covering ng helmet. What she saw was his handsome face. May pagka seryoso nga ang mukha pero gwapong-gwapo talaga. Sobrang - sobra na. "Ride." utos nito. "Upong babae ha, naka-skirt ka." anito pa kaya napahagikhik siya. Naka-skirt na nga siya, ubod pa ng ikli at take note, thong ang suot niya kaya pisngi kaagad ng pet niya ang makikita kapag bumuka-bukaka siya. Kaya lang may shorts nga pala siya. Sayang at hindi masi-display ang maganda niyang pwet. Okay lang kasi na masilip ang  short niya, hindi naman kita ang mukha niya dahil sa dambuhalang helmet na suot niya. Nakagat pa niya ang labi nang humawak siya sa balikat ni Ghuix. "Payakap po inspector. Baka po mahulog ako." paalam niya rito. Para-paraan Larrah. Ano ba? Talaga namang yumayakap siya kahit na sa kuya niya. Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil sa kilig na nararamdaman. Iba kasi. And this is the first time na may iba siyang lalaki na yayakapin. Kahit na si Kurt ay ni minsan hindi siya nagpayakap. Mag-nobyo lang naman sila noon sa text dahil lagi naman siyang ikinukulong sa bahay ng Mommy niya. "Uhm," tumango naman ito. "Hold tight. Aatakihin sa puso si Mommy kapag nahulog ka." Ang tinutukoy nito ay ang Tita Suzanne niya pero kinilig pa rin siya sa boses nito talaga; low, hoarse and a bit muffled. Gentleman siya. Parang tumatalon-talon ang puso niya sa kilig. Grabeng tama na niya yata rito. Balewala sa kanya ang paghihiwalay nila ni Kurt. O baka dahil mukhang wala rin naman siyang boyfriend talaga kahit noon pang sila pa ng lalaki na ‘yon. Lagi lang naman siyang binabalewala. Masabi lang na may boyfriend siya kaya pinag-tyagaan niya. Lagi kasi siyang nabu-bully na pangit kasi wala siyang nobyo kaya sinagot niya ang kaisa-isang manliligaw niya na si Kurt na nga kahit na balitang playboy ang lalaki. Parang idinuyan siya sa langit nang lumapat ang palad niya sa abs ni Ghuix. Nanginginig pa siya. Kelan pa ba siya naging pasmado? Aba siya ang pinaka-mataas ang marka sa pagkakabit ng swero ah, bakit sa abs ay napapasma siya? Ay kasi ang tigas saka ang daming pandesal,  at yakap pa niya. Parang gusto niyang pisilin. Naitago niya ang bibig sa sobrang kilig. Hindi pa man lang ay parang mahuhulog na siya sa kinauupuan niya. Baka ‘di lang siya makatulog mamaya, baka kamo magtitili siya sa tuwa kahit disoras ng gabi. Mangangalumata na naman siya sigurado, ‘di bale na kasi pogi naman na sobra si Bossy Flying Ghuix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD