CHAPTER 3

2133 Words
  CHAPTER 3                     DINAIG pa ni Larrah ang isang zombie na naglalakad sa pasilyo ng ospital na nakatakas sa pelikulang 'The Walking Dead'. Laglag ang mga balikat niya at wala siyang kabuhay-buhay habang yakap ang kanyang libro at tulala sa kawalan. Para siyang isang dalagang ina na makasampung ulit na nagpa-abort sa tamlay ng lakad niya at tuod na katawan. Nangangalumata siya at lanta na habang bitbit ang kanyang OB bag sa isang kamay. Tulog pa nga yata siya habang naglalakad, hanggang sa may umagaw ng bag niya kaya napamukay siyang tuluyan at nakita niya sa tabi niya ang kapatid na duktor. Her kuya Evans is one the resident physicians of RDLMH at a very young age of 30. Isa itong Physician pero kumukuha pa ng tatlong taon na dagdag para sa maging isang Internal doctor. While she, Ano ba siya? Tao siyempre. Isang makulit na estudyante ng premed, nasa ika-6th year na siya at three or four more years na lang ay magiging isa na siyang OB-Gyne doctor, kung sus'wertehin siya. "Kuya?!" sabay tingin niya sa kapatid niyang nakauniform. Nanulis pa ang nguso niya at kinamot ang dati ng magulong buhok. Hindi kasi siya nakapagsuklay dahil nagmamadali siya kanina. Tirik na ang araw ay nakatuwad pa siya sa kama at pati pwet niya ay humihilik pa. "Wake up. What's happening? Mag-a-assist ka ngayon ah, bakit tulog ka pa eh naglalakad ka na?" tumingin ito sa uniform na suot niya at sa pagkagulat niya ay hinawakan siya nito sa balikat at itinigil siya nito para ayusin ang damit niya. Nakaligtaan pala niyang ibutones ang ilan sa mga butones ng damit niya kaya nakalabas ang bra niya at pusod. "My God, Larrah Graine. Magduduktor ka ba talaga? Look at you. Para kang paslit na pinabayaan ng ina mo. Dahil ito kay Ghuix ano?" tudyo na naman nito sa kanya kaya inagaw niya ang bag niya rito sabay irap. "Excuse me noh. Masiyado kang mapagbintang, kuya. I so hate you na talaga. It's because of that flying ghu –  ipis." alibi niya. Lintik. Ipapahamak pa siya ng sarili niyang bibig. Tumalikod na siya at nilayasan ang kapatid. "Assist good, bunso!" bilin nito kaya pumihit ulit siya paharap sa kapatid pero patuloy sa paglalakad nang patalikod. "Stop dreaming of your flying Ghuix, okay. Love you." pahabol ng kuya Evans niya na ang laki pa ng ngisi at patawa-tawa bago no'n binuksan ang pinto ng clinic nito sa loob ng RDLMH, at isang flying kiss naman ang isinagot niya sa kapatid sabay hagikhik niya, pero bigla siyang bumangga sa pader. "Ay!" mahinang sambit niya dahil matutumba siya. "Got you!" that familiar voice sounded so good, bossy but gentle. It echoed in her mind and made her heart beat in a not so usual pace. Was it because of the thought of hitting the tiled floor or because of flying Ghuix's familiar voice? Napatingin siya sa tiyan niya na yakap ng tao na kaboses ni flying ghuix, at saka siya itinayo nang maayos. Familiar sa kanya ang singsing nitong may batong kulay blue at letters na DL. She was totally saved. Malamang kung hindi siya nasambot nito ay basag ang bungo niya sa pagbagsak niya papatalikod. Pumihit siya kaagad! Nandito pala siya!  Diyos ko! Binibisita ba niya ako? Yeee! Tumikhim siya lalo na nang matitigan niya ang mga mata nitong walang kasing tiim kung tumingin. Lumabas pala ito sa office ng President kaya nabangga niya. "Thank you." parang pumuso pa ang mga mata niya sa sobrang kilig. Nakagat pa niya ang ibabang labi para pigilin ang pag-ngiti pero hindi rin niya nagawa kasi kusang lumabas ang ngiti niya na walang bahid ng kung anong malisya o kagagahan. Tumango naman ito sa kanya. Aaay! Ang pogi niyang talaga kahit tumango lang siya. "Careful next time. ‘Wag tatanga-tanga." sabi nito kaya napalis ang ngiti niya. Aba’t! Tatanga-tanga? Napaismid siya nang wala sa oras at nairolyo ang mga mata. "Sungit nito. Salamat na lang po Inspector Ghuix. Ang gentleman mo po pala." pairap na sabi at tunog insulto, pero naman, hindi niya maitikal ang mga mata sa mukha nitong walang katulad. "I know." sagot pa nito sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya. Makapal ang mukha. Baka hindi nakahalata na inaasar niya. "Papasok ka na bata? Quit staring. I'm not a corpse na p’wede mong aralin sa Anatomy." sabi pa nito sa kanya na lalong nakadagdag sa pagkaimbyerna niya. Hmmp! Hampasin kita, makuha mo eh! Bwisit ka rin! Lakas mong makapang bad mood! Humalukipkip siya at inis na napaiwas ng tingin. "Babe," Isang braso ang pumatong sa balikat niya at isang nguso humalik sa kanya sa ulo kaya napaitlag siya sabay lingon. "Kurt!" salubong ang kilay na sambit niya sa lalaki na nakabungisngis sa kanya. She automatically glanced at Ghuix at nakita niya ang paghagod nito ng tingin sa boyfriend niya. Para bang may hidden camera ito sa loob ng mga mata na nakakakita ng laman loob ng tao base sa pag-aanalisa nito kay Kurt. He even crossed his massive arms over his chest, at hindi man lang naaalangan kung harap-harapan na inaaral ang kaharap. At kung busy ito sa pag-analisa kay Kurt, busy din naman siya sa pag-analisa rito. Naka combat shoes pa si Ghuix with his camouflage pants and black fitted shirt, kaya lalong ang puti, ang pogi-pogi, pero bumalik ang tingin niya sa nobyo. "Kung nakita ka ni Kuya na nanghahalik at nang-aakbay? Ipapahamak mo ako." naiinis na sabi niya sa boyfriend at parang wala man lang pakialam. "He didn't, so it's safe. I should’ve kissed you on your lips." nakangisi pang saad niyon sa kanya na para bang natutuwa pa sa ginawa. Mabilis na siyang humakbang papaalis pero hinawakan siya ni Ghuix sa braso kaya napatigil siya pati na rin si Kurt. Tiningala niya ang pulis na pagkatangkad-tangkad at inangatan niya ng mga kilay. "Aren't you going to say goodbye to your fiancé, my dear fiancée?" tanong ni Ghuix sa kanya na ikinabago ng ekspresyon ng mukha ni Kurt. Kaagad niyang natapunan ng nagbabagang tingin ng inspector at gusto nya itong kutusin sa ilong, damay na pati mata. Bakit naman na kailangan nitong sabihin ang bagay na ‘yon sa harap ni Kurt? "W-What fiancé?" takang tanong ni Kurt na para bang kabado pa kaya tuluyan nang nawala ang antok niya. Marahas niyang nakamot ang buhok na gulu-gulo. Noon lang niya naalala na hindi pa nga pala siya nagsusuklay, kulot na nga ay mas lalo pang parang sinalagan ng ibon ang tuktok ng ulo niya. Gusto niyang mapangiwi dahil baka ang pangit niya sa paningin ni Insp. Ghuix. Ay ewan! Bakit ba ‘yon ang iniisip niya eh naroon ang boyfriend niyang pinagkakautangan niya ng paliwanag at mukhang magbi-break na sila ngayon na ngayon na dahil sa kagagawan ng Inspector na ito na walang kasing galing. Bwisit! Lahat na lang pinanghihimasukan. "Haven't she told you yet that she's destined to marry me?" tumaas ang mga kilay ni Ghuix at relax na relax pa. Kaagad na napatiim bagang si Kurt pero hindi nagsalita. Siya naman ay nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa hanggang sa pagpihit ng ulo niya paharap ulit kay Ghuix ay bibig nito ang sumalubong sa noo niya na ikinagulat pa niya at ikinalaki ng mga mata. He gave her a kiss. He just did! "Bye honey," sabi pa nito at saka walang salita na kung ano pa man na nilayasan sila. Nakahabol tingin siya rito habang maangas na naglalakad sa hallway at litaw na litaw ang kamachohan sa suot na pang-itaas. He has the most perfectly defined body built and his broad back and chest are the ones which captured her that night. Pakiramdam kasi niya ay ang sarap magpayakap sa lalaki. Pero kung paghanga ang nararamdaman niya para kay Ghuix, mukhang kabaliktaran yata si Kurt na ngayon ay ang sama ng tingin sa kanya at mukhang balak siyang balatan ng buhay. Gaga! Kastigo niya sa sarili. At ano naman in-expect niya? Matuwa si Kurt sa mga narinig nito about her and Ghuix? "Yabang." bulong ni Kurt tapos ay ibinaling ulit sa kanya ang paningin na matatalim. "Is it true Larrah Graine? You're going to marry the owner of this hospital?" parang bwisit na tanong sa kanya ng boyfriend. Hindi siya nakasagot. So, si Guilherme Rix pala talaga ang may-ari ng ospital na kinatatayuan niya ngayon? "I'll explain Kurt." parang maluluha niyang sabi pero tinalikuran siya nito. "You better do it well, Larrah dahil hindi nakakatuwa sa side ko bilang lalaki ang ginawa mong ito. " inis na dugtong pa nito. Ramdam niya ang hinanakit nito sa kanya. She was halted when Kurt stopped himself from going and turned around to face her again. Matapang ang mukha nitong tumingin na naman sa kanya. "How the hell did this happen? I am expecting you to become my fiancée when the right time comes, I respected you pero lahat ng pinaghirapan ko iba ang makikinabang? Grabe namang pang-aapak mo sa p*********i ko, Larrah Graine." namumula ang mga mata nito sa inis sa kanya. Pero bakit parang wala siyang makitang pagmamahal sa mga mata nito? All that she could see is a dead ego, a beaten one. Or better say, parang ang interes lang nito at ipinagpuputok ng butsi ay ang hindi niya pagpapayag na makaiskor ito noon sa kanya. Napaitlag pa siya nang tumunog ang phone na hawak niya. Kaagad siyang sumulyap doon at isang unregistered number ang um-appear sa notification niya. She immediately swiped it to read the message. Break him up. He doesn't deserve you. GRDL Nangunot ang noo niya. GRDL? Guilherme Rix de Lorenzo? ‘yon ba ‘yon? Saan naman niyon nakuha ang number niya? Tiningnan niya ulit si Kurt. "I-I'm s-sorry, Kurt. I can't say no to my Mammi." mahinang sabi niya rito. Talaga namang hindi. At mas lalong hindi siya makakatanggi sa future mother in law niya na si Suzanne. They owe her big as well as her Tita Suzanne owes her Mom big. Parehas na malaki ang utang na loob ng mga magulang niya at mga magulang Insp. Ghuix sa isa't-isa. Isa pa ay may diperensiya sa puso ang Tita Suzanne niya at hindi niya maaatim na siya ang maging dahilan ng ikasasama ng pakiramdam no’n kung saka-sakali na tumanggi siya sa kasal. Nakita niya ang pag dilim ng anyo ni Kurt. Mas lalong nadagdagan ang galit nito na nakaguhit sa mukha. "Hindi ako papayag, Larrah. Hindi ako papayag na mauwi sa wala ang lahat ng pagod ko." gigil na sabi nito pero hindi na niya pinagtuunan ng pansin kahit nagkikiskisan na ang mga ngipin. Nasasaktan siya pero wala siyang magagawa. Saka sa nakikita niya rito, parang ang p*********i lang nito ang ipinaglalaban nito at hindi naman mismo siya. She maybe stubborn and childish but she's not blind. Pinagtit’yagaan lang niya ang lalaki para lang masabi na may boyfriend siya. Pero sa paglaon ay natutunan niya na ring mahalin. Kaya lang kahit anong panukat man ang gamitin, mas mahal niya ang mga magulang niya kaysa kay Kurt. "I'm sorry." sabi lang niya at akma nang lalagpasan ito pero mariin nitong hinawakan ang braso niya na ikinangiwi niya. "Aw! You're hurting me." Angil niya rito habang pinipilit na pakawalan ang braso niya mula sa pagkakahawak nito, pero lalong hinila ni Kurt ang braso niya kaya natakot siya. Parang nanlamig kaagad ang mga kamay niya. She’d never known him as violent as that. "Akin ka lang, Larrah." Mariin na banta nito sa kanya at parang leyon sa pagkatapang ang mga mata, pero sa inis niya ay hinampas niya si Kurt ng OB bag niya sa mukha kaya nabitiwan siya nito. Napamura ito sa sakit at nalamukos ang sariling mukha.  “Larrah Graine, s**t!” She finds a chance to escape kaya siya kumaripas na ng takbo papalayo. "Larrah!" sigaw nito sa pangalan niya. Mammii! Tili ng utak niya sabay ngiwi kaya binilisan pa niya ang pagtakbo na kahit pa madapa siya ay wala siyang pakialam. Baka kasi habulin siya at gigilan pa. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ‘yong mga nakakatakot ang hitsura. It's her weakness. Nanginginig ang mga tuhod niya at feeling niya ay hihimatayin siya kapag sinisigawan siya at pinagbabantaan ng kung anu-ano. It's because she grew up na walang naninigaw sa kanya. Lahat sa kanya nagmamahal  at naglalambing, at lahat ng gusto niya ay ibinibigay sa kanya. Kaya kung ganito si Kurt, mas mabuti na nga na maghiwalay sila. He looks like a monster in her sight a while back, and she had never seen him like that before; at hindi niya gustong makita pa ulit na ganoon dahil natatakot siya. Meron siyang hindi kinatatakutan kahit na parang hindi marunong ngumiti, si Flying Insp. Ghuix. Pogi kasi. Sobra! Ayeee! Diyos ko!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD