SABI nila, kapag alam mong nasa bingit ka raw ng kamatayan, makikinita mo ang buhay na pinagdaanan, at gusto mong maranasan sa hinaharap. Ganoon ang nararanasan ni Brianna habang puwersahang nakikipagtitigan sa lobo. Sumaglit sa isipan niya ang huling pakikipag-usap sa kanyang ina.
***
"BREE, sinabi ko na sa iyong huwag kang sasama sa hunting activities ng daddy at mga kuya mo, hindi ba?" Estellita scolded Brianna.
Tagalog ang gamit na salita ni Estellita sa pakikipag-usap sa kanyang mga anak. Hindi man diresto makipag-usap ang mga ito sa kanya, naiintindihan naman ng mga ito halos lahat nang ibig niyang sabihin. Pero pagdating sa asawang si Gregory, nanatiling sa banyagang lengguwahe ang kanyang gamit dahil kahit kailan ay hindi ito nagka-interes na matuto ng kanyang salita.
"But Mom-"
"Kinakausap kita sa tagalog kaya tagalugin mo rin ako." Putol ng ina kay Brianna.
"Fine! I am going-er, I mean pupunta pa rin ako. Alam naman ninyo na hilig ko na ang pagha-hunting ever since kaya ito na ang regalo ninyo sa 'kin, please? It's my eighteenth birthday naman Mommy e, kaya please na, gusto ko sumama kina Dad at kuya." Pagmamaktol ni Brianna.
Nasa kuwarto ni Brianna ang ina, sa silid niyang mapagkakamalang silid ng mga kuya niya dahil sa sobrang kalat pati mga gamit ay halos mukhang panlalaki lalo na sa mga posters na nakadikit sa mga dingding, kung hindi abstract paintings in dark colors, tough guys carrying heavy weapons, famous myth hunters and local, guns, and equipment na gamit para sa pagtugis sa mga mababangis na hayop.
Maging ang kanyang silid ay dimmed dahil sa kurtinang palaging nakasarado. Gayon din ang kulay ng bedsheets niyang solid maroon ang kulay. May mini hoop siyang nakasabit sa likod ng pinto niya para mag-shoot ng bola kapag trip niya, oo...hindi siya patatalo pagdating sa paglalaro ng basketball sa mga kuya niya.
She wears jeans, shorts and tights almost all the time, tees, army boots and tennis shoes, all in dark and solid colors. She does not wear makeup dahil makati sa mukha. Hindi naman siya loner or anything like that, cheerful nga siya e, masigla, magalaw at makulit.
"Bree, saan ka pupunta?" tawag ni Estellita sa anak nang akmang lalabas ito ng silid.
"I'm sorry, Mom but I'm not listening to you today. This is my day, and this is what I want. Magiging hunter din ako katulad nina kuya Brad at Alfy. I want to be just like Dad."
"AND I SAID NO!" mataginting na boses ni Estellita.
Totoong nagulat si Brianna. For the first time, her mother raised her voice like that, nothing she had ever seen or heard before. At kahit sa matigas niyang ugali, hindi siya makapalag sa ina na kaharap niya ngayon. Nakaramdam siya nang pagkailang na hindi niya kailanman naramdaman noon. Ito ang kanyang ina na hindi pa niya nakikilala.
Her father was the disciplinarian among the two while her mother was a typical mom who stayed home and took care of her children and followed her husband's wishes. But today, she was different. She had an air of authority and it was like forcing her to bow down to her.
"Hindi ka sasama sa kanila. Kapag sinuway mo ako, parurusahan kita, Brianna." seryosong-seryoso ang mukha ng ina, nakakabahag ng buntot kung mayroon lang siya.
"Fine...it's fine alright." Nayayamot niyang sagot.
"Salamat. Dito ka lang sa kuwarto mo habang nasa grocery store ako para bumili ng maihahanda mo mamayang gabi para sa iyong birthday. May gusto ka bang ipabili?" Nakangiti na ang ina, iyong ngiti na madalas niyang makita at nakasanayan.
Umiling lang siya. Sa ngayon ay mas gusto niyang mapag-isa. Iniwan na siya ng ina at saka siya humilata sa kama.
PAGKALIPAS ng ilang minuto, narinig ni Brianna ang ugong ng dalawang sasakyang paparating sa kanilang bakuran. Agad siyang tumayo at nilundag ang hagdanan pababa para lumabas at salubungin ang sakay ng mga iyon.
"Dad! Brad! Alfy!" Masayang bungad ni Brianna sa mga ito.
"Are you ready, sis?" Nakangiting salubong ni Alfred.
Hindi agad nakasagot si Brianna.
"Hey little sis, you're all set I supposed?" Ngisi naman ni Bradley at pinagmasdan ang suot niyang black leather jeans, long sleeves red plaited polo shirt, black leather vest and a pair of army boots.
"Y-yeah, of course I'm set! I'm just waiting for y'all." Brianna lied.
"Alrighty then, let's go and kill some beast!" Bradley cheered.
"Dad..." Nagbigay galang si Brianna sa ama na nakaupo sa jeep na army style.
"Get in, you will ride with me. Where is your mother?" Walang ngiting tanong ni Gregory.
"She went out to the grocery store. She'll be back later."
"Did you tell her you're going with us? You know how adamant she is to exclude you to this hunting."
"I did! We talked about it before she left. It is her birthday present for me. Just this one time she... she allowed me just this once." And she lied again, bahala na mamaya kapag napagalitan ako, bulong niya sa sarili.
"Alright then, let's go to your first hunting experience." Doon lang ngumiti ang ama kaya naman nakingiti na rin si Brianna para palisin ang kabang ginawa sa pagsisinungaling.
Ngayon lang naman. I am sorry, mommy. Just give this one to me, promise I will not do it again. Brianna silently said.
***
MOM...I should have listened to you, paninisi ni Brianna sa sarili. Pero huli na, mukhang ito na ang kabayaran sa ginawa niyang pagsisinungaling. Maging ang kumurap ay hindi niya magawa habang nakatitig sa lobo.
Nakalabas na si Brianna ng pinto ng jeep at kusang humakbang pasunod sa hayop na nanatiling nakapako ang mga mata sa kanya at hinihintay siya. Malinaw pa rin sa diwa niyang hindi dapat niya ginagawa ito subalit walang lakas ang kanyang katawan na sumuway sa iniuutos nang kung anumang puwersa na nagdidikta sa kanya na sumunod lamang.
Natatakot si Brianna. Gusto niyang tumakbo subalit hindi niya magawa. Sinubukan niyang sumigaw subalit ayaw gumana ng kanyang bibig at tinig, even just to blink to avoid eye contact with the beast but to little avail. Ngayon ay nakalimutan niya lahat-lahat ng training niya. Tila batingaw na bumibingi sa kanya ang tinuran ng ama kanina-kanina lang pero huli na...she could not break the eye contact, parang may puwersang humihigop sa kanya na manatili lang ang mga mata roon sa hayop.
Dinala si Brianna ng lobo sa gitna ng kawalan, sa matatayog at matatandang mga puno na parang may buhay. Sa makakapal na hamog nang pinagsamang ulan at hangin na nagtatago sa makakapal na berdeng-berdeng mga d**o. Sa pinagsama-samang amoy ng mga d**o, puno at lumot sa hangin. At dito sa lugar na tagong-tago at hindi na yata magagala ng kung sino pang nilalang kundi ng hayop lamang na ito. Makalalabas pa ba ako rito? Tanong ni Brianna sa sarili.
Nang tumigil ang lobo sa pinaka-gitna niyon, tumigil din si Brianna sa paghakbang, saka lamang bumigay ang katawan ng hayop at pasadsad na lumaylay ang duguan na katawan sa mamasa-masa at malamig na temperatura ng lupa. Bumitaw din ang pagkakatitig ng lobo sa mga mata ni Brianna. Doon lang niya napansin na nababahiran na ng dugo ang puting-puti at makapal na balahibo nito. Talaga ngang napuruhan ko siya! Ani Brianna sa isip.
“WHY?”
Umalingawngaw na tinig sa kawalan. Tila may echo pang sumunod sa tinig. Nahihintakutan na iginala ni Brianna ang paningin, nagtataka kung saan nanggaling ang tinig.
“What did I do for you to end my life like this? Why!?”
Tumataginting sa galit ang tinig. Lalong kinabahan si Brianna, gustong umatras at magtago subalit hindi magawang kumilos ng kanyang katawan. "W-who are you?" Nangangatal siya sa lamig nang kinaroroonan at isabay pa ang takot sa hindi niya nakikitang pinanggagalingan ng tinig.
“I finally came out after a century to meet my mate. It is finally my turn to pass on my legacy. It is finally my time to give birth to the new Alpha, the new Majestic but...you ruined everything! You and your greed! You and your ignorant selfish human life! YOU!”
Nahalukipkip ni Brianna ang sarili. Nagsimulang sumayaw ang mga d**o sa hanging unti-unting lumalakas. Nanginginig na siya sa sobrang takot. Alam niya...hindi na ito ordinaryong pangyayari. At natatakot siya dahil hindi niya mapangalanan ang mga iyon.
“Look at me, you fool! Look what you have done!”
Iginala ni Brianna ang mga mata, hinahanap ang may-ari ng tinig. The realization came the moment her eyes met the wolf’s eyes. "N-no. It cannot be. It's not...you." Alam niyang kabaliwan iyon subalit ang nangyayari ngayon ay wala rin sa tamang kaisipan.
“You just ended the life we all have preserved for century, my pack that have been waiting for my return and my mate who has been expecting for me.”
“W-what is happening? What...are you talking about? W-wait, are you…are you the one talking to…me? N-no. No! Get out of my head. Get out of my mind! Get out! Nagsimula na siyang mag-panic. Diyata't nababaliw na ako, kausap ni Brianna sa sarili. Napayakap siya sa sarili, kinurot ang balat, nais magising kung panaginip man ang lahat ng ito.
“You appear to be just like me. No…you would have been if not for the traitorous blood running in your body.”
"What? What did you just say?" Nag-angat ng paningin si Brianna at muling tumingin sa lobo.
“I can smell your blood. You are not human yourself and yet you chose to kill one of your own and a Majestic for that, you pathetic low-blood kind. You are a dark hair. Your origin is Philippines. You are the lowest kind, an omega. You are an ungrateful kind! You are a traitor! Murderer!”
"W-what are you saying? Stop...stop! I don't understand what you are saying so please stop all these. This is crazy...I'm talking to a wolf..." Brianna burst out laughing although trembling and still overwhelmed with shock and fear.
“Your punishment will be death, but I can't do that now. I have not even started in my task and yet my life is already ending. I don't have a choice. As much as I hate your kind and your blood, I don't have a choice but to pick you as my replacement, only until you give birth to the next majestic.”
Tumigil sa pagtawa si Brianna. She was shaking in fear from the unknown force that was trying to pull her closer to the beast. She shook her head furiously. She tried to fight off the force but it was too strong! "No! Stop it! Stop it, I said!" At patuloy siyang lumalapit sa hayop na bitbit nang hanging hindi niya nakikita.
Lalong lumakas at lumaki ang hanging nakapalibot sa kanila. Tila buhawing ikinukulong sila sa loob niyon. Marahas na sumayaw ang mga d**o't puno sa kanilang paligid. Nakaririndi ang hanging umiihip sa kanilang pandinig. Maging ang lupang kanilang kinatatayuan ay umuuga, animo lindol na nais bumiyak sa lupa.
"Mommy! Dad! Bradley! Alfred! Help me! Help me!" Brianna screamed at the top of her lungs, not even sure if they could hear her right now.
Hawak-kamay na ni Brianna ang hayop, kitang-kita niya ang kulay asul at mala-kristal nitong mga mata; ang malaki nitong bulto kahit nakasadsad pa ito sa lupa; ang mga pangil nitong mapuputi, matatalas at matutulis; at ang bunganga nitong saktong-sakto sa laki ng kanyang ulo.
"NO!" Nahihintakutan niyang sigaw. Kakainin siya ng lobo. Lalapangin! Oh God, no!
Kusang umangat ang kanang kamay n Brianna, kahanay sa bunganga ng hayop. Marahas siyang umiling, pilit inilalayo ang sarili subalit tila nakapako na iyon sa kinatatayuan at hindi maigalaw ang buong katawan. Help me, Mommy! Mommy! Pinagsisisihan na niyang hindi siya nakinig sa ina. And she was going to die the day she turned eighteen.
Sa kabila ng maingay na hanging bumibingi sa pandinig ni Brianna, malinaw pa rin niyang narinig ang tinig ng hayop na pumailanlang. The beast started chanting.
"I am the Majestic, the Alpha, and the carrier of the legacy,
Though my blood doesn't run in your veins,
My bite will sustain you throughout the times,
Until you are ready.
Heed my thoughts,
Mirror my actions.
Follow my instinct,
Stand on my ground.
With my bite.
Your blood will scatter away,
And cleanse the dirt in you.
You will bow down to the Alpha.
I, Selene, the twentieth Majestic,
I, whose blood has been passed down from centuries,
From the very first full moon to this generation,
I'm proclaiming you as the new bearer of the next Majestic.
Meet my mate, the Alpha, and the Protector.
Protect my pack and protect yourself.
When the time comes, and the Majestic is born,
Your blood will turn dark, and your sin will come back.
The Alpha will then find out what your hands did,
And the punishment will be given, and you must not run from it.
For the life of mine that your hands took away,
Yours will have to die, too, as a punishment.
But if your soul proves otherwise and perseveres,
You will live...and live as the new you."
Nabibingi si Brianna sa lakas na himig ng hangin. Naririndi siya sa mga salitang malakas na sumisiksik sa kanyang diwa. Ahh! She felt like exploding. Ayaw pa niyang mamatay. No... I just turned eighteen and was just going to start my new life, no...NO! "Stop it! Let me go! Get out of my head! Please...please leave me alone!" malakas niyang sigaw na humahalo sa mala-delubyong hangin na kumukulong sa kanila.
Subalit ganoon na lamang ang pagkabigla ni Brianna nang maramdaman ang makirot at mahapding bagay sa kanyang pulsuhan. Tiningnan niya iyon at ganoon na lamang ang kanyang pagkagimabal nang makita ang mga pangil ng lobo na nakabaon sa kanyang pulsuhan. Kinagat siya ng lobo!
"NO!" Nagpumiglas si Brianna pero wala siyang lakas para lumaban.
Nanatili ang mga pangil ng lobo sa kanyang pulsuhan, tila sinisipsip ang kahuli-hulihang patak ng kanyang dugo sa katawan. Walang lakas si Brianna upang bawiin ang kamay, sa halip ay nangingisay siyang napaluhod habang ang isang kamay ay marahas na nakasabunot sa balahibo nito sa ulo, walang lakas na pilit hinihiklas itong paalis sa kanyang kamay.
Napansin ni Brianna ang liwanag na nagmumula sa katawan ng lobo, liwanag na nakasisilaw sa mga mata, liwanag na hindi niya alam kung bakit lumalabas sa katawan ng halimaw na ito.
Naramdaman ni Brianna ang panlalabo ng paningin, gayundin ang panunuyo ng lalamunan at panlalamig ng katawan. It felt like being jailed in a huge cube of ice and yet, her inside was like a burning fire melting her. Ahh, am I going to die now, in here? Mom...I'm sorry I didn't listen to you...daing niya sa sarili.
Gusto nang ipikit ni Brianna ang mga mata. Hindi matatawarang sakit ang nararamdaman ng kanyang buong katawan at diwa, ayaw na niya...she'd rather die than experience this moment of excruciating pain. She'd rather die....
“NO! Open your eyes and rise. You can't die just yet. You have a task, and you must complete them before you get the punishment you truly deserve. LIVE!” The beast commanded.
As Brianna slowly opened her eyes; she could see the bright shining light slowly fading away from the beast, her white shiny furs slowly turning gray, and her bright blue eyes were turning hollow.
“Tell him I LOVE HIM...and how sorry I am for not making it to the promise we've made. Tell him.” Pahabol na tinig ng lobo. And with that, the beast disappeared in the air, just like dusts carried away by the wind...and the faint voice she heard slowly faded away.
Kasabay nang pagkawala nang halimaw sa harapan niya ay siya ring pagtahimik ng kapaligiran. Tumigil ang hagupit ng hangin, at saka nagdilim ang kanyang paningin.