"SELENE, are you ready?" Isang tinig ng babae ang narinig ni Brianna, parang sa isang matanda. "Yes, I am." Sagot naman ng batang tinig ng isang babae. Napakurap si Brianna. Muling namangha sa liwanag na basta na lang lumitaw sa kanyang harapan. Hindi niya kilala ang dalawang babae, isang matanda, at ang isa ay dalaga na nagtataglay nang walang-katulad na ganda. Napailaliman ang mga ito nang maliwanag na kung anumang ilaw na sumisinag sa mga ito. Kumilos ang dalawang babae. Sumunod naman ang liwanag sa mga ito. Tumayo si Brianna, sinundan din ang mga ito. Nasisilaw man sa liwanag, ikinurap-kurap at patakip-takip siya sa mga mata para masilip pa rin niya kahit paano ang mga babae sa ginagawa. Napahinto sa paghakbang si Brianna. Nagulat dahil may iba pang naroon bukod sa dalawang babae.