"WHAT are you saying?!" Nahihintakutang sigaw ni Brianna. Bakas sa mukha ni Estellita ang takot at pagkabahala sa nasaksihan. Hindi nito malaman ang gagawin. Hindi ito mapakali, palakad-lakad ito sa sala. Pareho pa silang nagulantang na mag-ina sa pagtunog ng doorbell. Tiningnan ni Brianna ang wall clock sa itaas ng flat screen nilang TV, oras na para sa pagdating ng kaniyang therapist at sigurado siyang iyon ang nag-door bell. "Make him leave!" sigaw niya sa ina. "Pero-" litong tanong ng ina. "Paalisin mo siya at baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya!" Hindi na rin nagpatumpik pa ang ina at sumunod ito. Mabilis din itong bumalik pagkatapos ng ilang segundo. "Now...tell me...what am I? I know you know something so tell me Mom, please..." She was not a cry baby but today her tear