SA isang masukal na kakahuyan, may isang malaking grupo ang nagkumpulan. Bilog ang buwan na tumatanglaw sa kanila ngunit hindi iyon ganoon kaliwanag. Para sa mga katulad nila, batid nilang iyon ay dahil sa isang sitwasyon na kanilang kinasusuongan. Lumihis nang pagkakatayo ang mga naroroong saksi at nagbigay daan sa grupo ng mga babae na paparating. Dalawang babae ang nauna, at tatlo ang nakasunod sa mga ito. Yumuko sila at nagbigay galang. Nagtaas lamang sila ng mukha nang makarating na sa harap ng altar ang mga babae. Ang altar ay gawa sa isang puting bato at patag sa ibabaw. Hugis parihaba iyon at malaki na sapat lamang para sa pandalawahang tao. Sa likod ng bato ay ang isang napakalaking puno, matayog at sinubok na nang ilang daang taon. Dapat ay sumisilaw ang liwanag ng buwan sa p