KINAKABAHAN si Estellita habang palapit na sila sa Caern. Kinakabahan siya para sa anak kaya manaka-nakang lumilingon siya sa likuran nila ni Convel para tingnan ito. Maliwanag ang mukha ni Brianna, nakangiti at halatang masaya. Pero alam ni Estellita ang totoo, hindi sa anak niya ang damdaming iyon, kundi sa katauhang nasa katawan nito. Muli siyang humarap sa nilalakaran at halos natatanaw na niya ang naglalakihang mga puno, nalalanghap din ang dalisay at mabangong hangin na hatid ng lugar. Hindi siya kumportable sa likuran ni Convel, kahit malambot ang balahibo nito, napapangiwi pa rin siya sa pakiramdam na sakay siya ng isang taong lobo. Kahit kailan ay wala sa hinagap na babalik siya sa lugar na ito at muling tutuntong ang mga paa sa iniwanang mundo. Ano kaya ang sasabihin sa kanya n