“Ay!” Malakas na sigaw ng nabiglang si Thalia ng bumangga siya sa katawan ng isang matangkad na lalaki. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa kanyang harapan at huli na para maiwasan pa ito. Nabitawan niya ang hawak na basket kaya nagsabog ang kanyang mga pinamili sa kalsada at halos nabasag na ang lahat ng itlog kaya galit na hinarap niya ang magaling na lalaki. “Ginoo, nakikita mo ba ang perwisyong ginawa mo sa akin? For dios por santo kay lawak ng daan ngunit bakit kung maglakad ka ay tila pag-aari mo ang buong kalsada?” Nanggigigil na pahayag ng dalaga ngunit ang boses nito ay napakalambing na bahagyang may tono kaya kahit na sino yatang makarinig sa pagsasalita ni Thalia marahil ay iisipin nila na hindi siya galit. Nagdilim ang seryosong mukha ng lalaki at nilingon ang galit na dalag