Thalia’s Point of view Ding... Dang... Nang marinig ko ang tunog ng malaking orasan ay batid ko na alas dose na ng hating gabi, ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupâ ang kasiyahan na nararamdaman ng puso ko. Samo’t-saring emosyon ang bumabalot sa buong pagkatao ko kaya napaka damot ng antok sa akin. Kinapa ko ang singsing sa aking kamay at wala sa loob na napangiti ako, hindi ko sukat akalain na pagkakalooban ako ng isang lalaki na magsasalba sa akin mula sa kalungkutan. Abot hanggang langit ang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya ako kinalimutan. Akala ko habambuhay na lang akong mag-iisa sa loob ng kwartong ito, simula ng dumating sa buhay ko si Ali ay muli akong nabuhayan ng loob. Nanumbalik ang kasiyahan sa buhay ko at natuto akong m