Alistair’s Point of view “I’m so sorry, Mr. Welsh, dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sinasakyan mo ay naipit ang iyong mga binti. Kailangan mong dumaan sa ilang mga pagsusuri para malaman natin kung may pag-asa ka pa bang makalakad.” Paliwanag ng doctor na tila isang suntok na tumama sa dibdib ko. Wala akong magawa kung hindi ang matulala sa kawalan, pakiramdam ko ay ipinagkait na sa akin ang lahat. “Ilang araw akong walang malay, Mama?” Maya-maya ay tanong ko, inilayo ng aking ina ang kanyang sarili mula sa akin saka tumitig sa mukha ko ang luhaan niyang mga mata. “Isang buwan at tatlong linggo na anak.” Anya sa malungkot na tinig, nagimbal ako sa aking narinig. Hindi ko sukat akalain na ganun na pala ako katagal na walang malay, nanlalabo ang aking mga mata parang gusto ko ng umiyak