Kumalas ako sa pagkakayakap kay Alex nang lumapit sa amin ang waiter upang ibigay kay Alex ang kanyang credit card. “Sir,your receipt,” sabi nang waiter. “Thank you,” mabilis na tugon ni Alex sa waiter at pagkatapos ay inaya na niya akong bumalik sa hospital kung nasaan ang aming mga kaibigan. Habang naglalakad kami ni Alex pabalik sa delivery room aybiglang tumunog ang cellphone ko. Tumigil ako sa paglalakad upang tingnan kung sino ang tumatawag sa akin at nakita ko na si Charles ang tumatawag sa akin. “Bakit?” tanong sa akin ni Alex nang ibigay ko sa kanya ang aking cellphone. ‘‘Si Charles, tumatawag,’’ mabilis kong tugon kay Alex. Tumango si Alex at mabilis na sinagot ang tawag ng kanyang kaibigan. “Hello, Pareng Charles! Kailan mo haharapin ang gusot mo?! At bakit bigla ka na la