"Ingat ka..." Mabilis siyang tumango at mahigpit akong niyakap. Nanatili akong nakatayo sa harapan ng pinto hanggang sa humiwalay siya at tumitig sa mga mata ko. "Tatawag ako palagi. Kung ma-bored ka dito sa unit natin ay pwede kang umuwi muna sa parents’ mo. Sagutin mo lagi ang video calls ko, ha?" tumango ako at tipid na ngumiti sa mga sinabi niya. "Aalis na ako,” aniya pa saka mabilis akong hinalikan. Muli akong tumango at ngumiti. "Ingat,” paalam ko dito. Napabuntong hininga ako habang patuloy na pinapanuod ang papalayo niyang pigura sa akin. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot ng tuluyan siyang sumakay sa elevator at hindi na muling lumingon pa. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at naglakad patungo sa living area. Pabagsak akong naupo sa sofa. Sum