Katahimikan ang sumunod na namayani. Hinintay nila ang magiging reaksyon ko. I remained calm, saka ngumiti. "Ah, talaga?" sabi ko saka naglakad patungo kina Reb. "Ano? Sasamahan niyo ba ako sa Bullet o hindi? Pupunta na ako,” baling ko sa mga ito dahil mukhang hindi pa rin sila nakakabawi sa sinabi ni Jazz. Bakit na ganyan reaksyon nila? Ano naman kung nakita ni Jazz ang lalaking ‘yon? Pakialam ko ba doon? Agad na tumayo si Dexter at lumapit sa akin. Kinuha niya ang car key na nasa coffee table sa likod ko saka ngumiti at inakbayan ako. "Tara, kung ayaw nila ay tayo nalang. May ipapakilala ako sayo na ka-tropa ko sa Bullet. Magugustuhan mo yun, panigurado,” nakangisi na sabi niya. Malakas akong natawa saka tumango. "Siguraduhin mong gwapo ‘yan at may dating at k