Eliza's POV
MAAGA akong nagising para gumawa ng breakfast. Hindi ko pa masyadong kabisado ang loob ng kusina pero nagawa ko naman hanapin ang mga gamit na kailangan ko.
Walang maid ngunit mayroong hardinero, security guard at ang balita ko araw-araw lang may pumupunta dito para maglinis.
Pagkatapos kong gumawa ng breakfast pinuntahan ko na kaagad si Rozen sa kwarto namin para gisingin.
Nadatnan ko siyang nakadapa at mukhang tulog na tulog pa. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at umupo. Maingat ko siyang ginising. "Love..." pabulong na tawag ko. Hindi pa rin ito nagising. Kaya sunod-sunod at marahan kong niyugyog ang kaniyang mga balikat. "Love... good morning." bati ko nang gumalaw ito. Nakangiti kong sinalubong ang pagharap niya sa akin. Kinusot ang kaniyang mga mata.
"Good morning love..." nakangiting muli na bati ko sa kaniya. Ngunit wala siyang isinagot sa akin kun 'di ang malamig niyang mga tingin.
"Love... pagkatapos ng breakfast saan tayo pupunta? Mamamasyal ba tayo or mag-iibang bansa tayo for our honeymoon?" binalewala ko ang pagiging cold niya sa akin. Baka inaantok pa siya. Nakangiti pa rin ako.
Wala siyang tugon. Tiningnan niya lang ako na parang balewala lang sa kaniya ang mga sinabi ko. Kailanman ay hindi niya pa nagawa sa akin noong magkasintahan pa lang kami. Hindi niya ako binabalewala noong hindi pa kami kasal.
"Hindi tayo aalis, Eliza. Dito ka lang dahil ngayon din ay papasok na 'ko sa kompanya." Tumayo ito sa kama. Binalewala niya ang paglalambing ko.
"Papasok ka na? Honeymoon pa lang natin, love... kakakasal lang natin kahapon. Hindi ba pwedeng samahan mo muna ako dito?"
Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin "Hindi ka na bata para samahan pa kita buong maghapon Elis..." tipid na sagot niya.
"Rozen, tapatin mo nga ako? Bakit ka ba nagkakaganyan? Pinakasalan mo lang ako naging ganiyan ka na? Hindi mo na ba ako mahal? Nagbago ba ang pagtingin mo sa akin ngayong kasal na tayong dalawa?" konpronta ko sa kaniya.
"Eliza, pwede ba? Kung tatanungin mo lang naman ako ng tatanungin? Mas mabuti pang aalis na lang ako." tumalikod kaagad siya sa akin at nagtungo sa banyo. Tinawag ko siya ngunit hindi niya ako nilingon.
Hinintay ko ang paglabas niya. Paglabas niya ay tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa bewang niya.
" Anong ginagawa mo diyan?" masungit na tanong nito sa akin.
"Hinihintay ka. Huwag mo ng isipin pa yung sinabi ko kanina. Siguro naninibago lang ako sa mga kinikilos mo. Masasanay rin ako. Magbihis ka na kakain na tayo." pinilit kong ngumiti sa kaniyang harapan kahit ang sakit na sa dibdib ng pambabalewala niya sa akin.
" Hindi ako kakain. Sa main office na ako kakain. Kumain ka na lang. Huwag mo na rin akong hintayin mamayang gabi. Baka hindi ako makakauwi ng maaga." bilin nito.
Pinunasan ko ang luha na tumakas sa aking mga mata.
CEO ng sariling negosyo si Rozen. Pag-mamay-ari niya ang Lux Hotel, Lux Bar & Restaurant.
"Hihintayin kita mamayang gabi. Kahit sinabi mong hindi ka uuwi ng maaga hihintayin pa rin kita." sabi ko. Pinipilit kong huwag pumiyok ang boses ko. Dahil sunod-sunod ng tumulo ang luha ko. Hindi niya nakikita iyon dahil nakatalikod siya sa akin.
"Bahala ka." Tuluyan na itong pumunta sa wardrobe.
Umupo ako sa kama at doon ko inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ngunit sandali lang dahil lumabas rin kaagad ako sa kwarto. Hindi ko na hinintay na matapos sa pagbibihis si Rozen. Makikita niyang umiiyak ako.
Hinintay ko siya sa kusina ngunit ilang oras na akong naghintay pero walang Rozen na pumasok sa dining area.
Nasaan na siya?
Nang napagpasyahan kong puntahan siyang muli sa kwarto ay wala na siya.
"Rozen..." tawag ko. Ngunit wala talagang sumasagot. Nakaalis na siya? Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.
Bagsak ang balikat na napaupo ako sa sahig. Nagbago na talaga siya. Wala man lang kahit halik sa pisngi bago siya umalis.
Ano ba ang problema, Rozen?
Ano bang nangyari sa 'yo?
Anong problema mo sa' kin?
Sa halip na honeymoon namin ngayon pero ito ako mag-isa at malungkot pa. Gumawa na lamang ako ng paraan para mapasaya ang sarili.
Buong maghapon kong pilit na ini-enjoy ang sarili. Na-miss ko lang yung dati.
Nang dumilim na ay pumasok ako sa kwarto para maligo. Nagbabad ako sa bathub pagkatapos ng isang oras yata ay lumabas na ako sa banyo. Mahigit fourty minutes din akong nagbabad sa bathub.
Kinuha ko sa wardrobe ang itim na lingerie. Regalo iyon sa akin ng bestfriend ko, si Janica.
Sinubukan kong isuot. Kitang-kita ang kagandahan at hubog ng aking katawan Nangibabaw rin ang aking maputing balat. Expose ang aking mapuputing nga hita. Lace pa ang tela kaya medyo nakikita ang loob. Hindi na ako nagsuot pa ng brassier. Thong naman ang suot ko pang-ilalim.
Kung walang nangyaring honeymoon kagabi. Baka ngayon meron na.
Usapan namin noon ni Rozen na kapag kasal na kaming dalawa tsaka ko lang ibibigay sa kaniya ang aking p********e at nirespeto niya iyon bilang aking desisyon.
Sa three years namin magkasintahan ay halik at haplos lang ang nagagawa niya sa akin. Nakakalimot man kami sa sarili pero naibabalik rin naman kaagad sa pag-iisip kaya kaagad kaming tumitigil kapag nasa sukdulan na kaming dalawa. Mabuti nga at napipigilan pa niya ang mga ganoong pangyayari.
Inspired na inspired akong mamitas ng gumamela sa harden. Lumabas pa rin ako kahit madilim na. Dinoblehan ko lang ng roba ang suot kong lingerie.
Kumuha lang ako ng gumamela at pinagpipitas ang petals para ikalat iyon sa sahig ng kwarto namin ni Rozen. Nakangiti pa ako habang sinisindihan ang romantic candles.
Siguro naman matutuwa si Rozen dito.
Nakangiti kong pinagmasdan ang hinanda kong romantic scene.
Tinawagan ko si Rozen ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Bumaba ako para uminom ng tubig. Hanggang sa mapagod kahihintay sa kaniya sa sala ay napagpasyahan kong umakyat na at hintayin na lang siya sa kwarto. Hinubad ko ang roba at inihagis sa kama. Nang maihagis ko naiyon ay sinulyapan ko ang wall clock.
Alas onse na pala ng gabi hindi ko namamalayan ang oras sa kahihintay kay Rozen. Hindi rin ako inaantok.
Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Kaagad akong napalingon sa pinto. Tumambad sa aking harapan ang asawa ko.
Nagkasalubong ang aming mga tingin. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Napansin ko ang kaniyang paglunok.
"Love..." nakangiting bati ko tsaka sinalubong siya. Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap. "Surprise!" nakangiting sabi ko sa kaniya.
Bumaling ang tingin niya sa sahig na halos mapuno ng mga petals hanggang sa dumapo ang kaniyang paningin sa mga romantic candles.
"Nagustuhan mo ba love?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik. Bumalik ang tingin niya sa akin. Seryoso at walang bakas na tuwa na makikita sa kaniyang mga mata.
Tinaasan ko pa rin ang aking pasensya. "Love..." mahina at mapanukso na tawag ko sa kaniya. Lumayo ako ng bahagya sa kaniya tsaka ko hinawakan ang strap ng lingerie. Unti-unti kong pinadulas sa aking balikat para hubarin ito.
Maghuhubad na naman ulit ako sa kaniyang harapan. Napaawang ang labi niya nang mahubad ko ng tuluyan ang aking suot na lingerie. Napangiti ako dahil pakiramdam ko unti-unti na rin siyang naaakit.
"Rozen..." sambit ko tsaka lumapit sa kaniya. Hinaplos ko ang kaniyang mukha tsaka hinalikan ang kaniyang labi. Walang response mula sa kaniya. Dinala ko ang mga kamay niya sa aking dibdib. Tila naman tuod na ayaw kumilos at ayaw man lang haplusin ni Rozen ang dibdib ko.
Nasasaktan ako. Naninikip ang dibdib ko sa mga pinaparamdam niya sa akin. Kahit isinusubo ko na sa kaniya ang sarili ko pero ayaw niya pa rin.
"Stop it, Eliz." hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa mga pisngi niya. Lumayo rin siya sa akin. "Magdamit ka na, Eliz." utos niya sa akin.
"Rozen... ginagawa ko na lahat ayaw mo pa din. Ano bang problema? Ayaw mo na ba? Ayaw mo na ba sa akin? May iba ka na ba? Second day pa lang pagkatapos ng kasal natin, Rozen." nasasaktan na sabi ko sa kaniya.
"Huwag ngayon, Eliz. Wala ako sa mood para makipag-s*x sa 'yo."
"Hindi ito s*x, Rozen. Making love ang tawag dito."
"Matulog ka na Eliz. Tsaka na lang natin gagawin ang gusto mo." Tinalikuran niya na naman ako.
Sinundan ko siya at hinila ang kamay niya.
"Rozen... ano ba?" sigaw ko sa kaniya habang hawak ko pa ang kamay niya.
Ako na ang gumawa muli ng moves para halikan siya ngunit sa pangalawang pagkakataon ay itinulak niya ako. "Stop it, Eliz! You look like a desperate wife!" sigaw niya sa aking pagmumukha.
Tumulo ang luha ko sa binitawan niyang salita at oagsigaw niya sa 'kin. Ngunit wala pa rin akong pakialam sa mga sinabi niya, sa mga ginagawa niya. Muli ko na naman siyang hinalikan at sa pangatlong pagkakataon na iyon ay itinulak niya ako ng malakas.
Sa pagtulak na iyon ay napaupo ako sa sahig. Hindi lang napaupo kun 'di pasalampak rin akong napahiga. "Aw!" napangiwi ako sa sakit ng likod ko na tumama sa sahig.
Ngunit wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman kong sakit sa likod nang makitang tinalikuran lang niya ako. Balewala sa kaniyang nasaktan ako dahil sa pagtulak niya.